Kabanata 6

267 23 11
                                    

Kabanata 6

Strange


Naalimpungatan ako dahil sa malakas na tunog ng sasakyan. Pupungas-pungas akong bumangon mula sa kama at malamyang naglakad palabas ng kuwarto.

Palakas nang palakas ang tunog ng sasakyan kaya nagmamadali akong tinahak ang sala at diretsong nagtungo sa main switch ng ilaw upang buksan ito kahit na madilim ang daanan at tangingliwanag lamang mula sa labas ang sumisilay sa nakabukas na kurtina.

Napahaba ang tulog ko at hindi ko namalayan na gabi na pala kaya nakapatay pa ang mga ilaw.

I was about to open the light but I suddenly felt nervous when I heard that someone was trying to open the main door.

Mabilis na bumalot ang kaba sa dibdib ko.

Wala sila ma'am Mayumi at wala rin ang guard kaya paanong— eksaktong nahawakan ko ang switch ng ilaw at kasabay nito ang pagliwanag ng paligid at ang pagbukas din ng pinto kaya halos napatalon at napasigaw ako sa gulat.

"Ah!"

Napaatras pa ako dahil sa sobrang gulat. Ngunit nang sulayapan ko ang tao na nagbukas ng pinto ay napawi ang lahat ng kaba ko sa dibdib dahil si mokong ang bumungad sa harapan ko.

"M—Mokong..." nautal pa ako.

He just stared at me while frowning as if there's nothing happened. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa at mahahalata na basa ang kaniyang buhok sa ulo.

I slowly lowered my gaze as I noticed his body covered with a thick black jacket was also wet. Kumikintab ang parte ng nabasa sa kaniyang suot na jacket dahil sa uri ng tela nito.

Iniwas ko agad ang mata sa kaniya at lumingon sa labas ng bahay. Madilim at bumubuhos nga ang ulan.

"You didn't lock the door. Paano kung hindi ako bumalik?" sermon niya agad sa akin.

Napakurap-kurap ako at pilit nirerehistro sa isipan na nandito nga si mokong sa harapan ko.

"Gwen." He called my name coldly.

"Ah, y-yes?"

"Bakit hindi ka nag-lock ng pinto? Paano kung hindi ako umuwi at pinasok ka rito?" bakas ang labis na iritasyon sa kaniyang tinig subalit... may halong pag-aalala?

No! He don't! Imagination ko lang iyon. Paano siya mag-aalala kung galit nga siya sa akin.

"Why are you still standing there?" muli niyang sinabi gamit ang malamig na tinig habang naglalakad papasok sa loob ng bahay kaya nataranta akong sinarado ang pintuan.

"S—Sorry. Nakatulog kasi ako pagkatapos maglinis. Uh, kakagising ko lang..." pag-amin ko sabay tungo ng ulo.

Nabalot kami ng saglit na katahimikan sa sala ngunit bigla niya itong binasag.

"Tsk, ano pa nga bang aasahan kapag walang amo?"

Biglang sumikip ang dibdib ko kahit na iyon lang naman ang sinabi niya.

Akala niya siguro wala akong ginawa maghapon.

"Napagod lang ako maglinis sa buong bahay. Nagpalit kasi ako ng cover ng sofa at mga kurtina," paliwanag ko.

"Tsk, whatever."

Umangat ang ulo ko patingin sa kaniya na naglalakad patungo sa hagdanan habang hinuhubad ang kaniyang itim na jacket na basa ng ulan.

At bago pa man siya makatapak sa unang baitang ng hagdan ay nagsalita muli ako.

"Nasaan pala sila Rocco? B-Bakit ikaw lang?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Irresistible Series 2: Lost in Fire (Ongoing)Where stories live. Discover now