Kabanata 5

233 26 7
                                    

Kabanata 5

Bakasyon


"Really, Mommy? Magbabakasyon tayo?" excited na tanong ni Brianna.

Nag-aayos lamang ako ng mga gagamitin nila dahil magbi-bake ng cookies ang mag-ina.

Hindi ko naman mapigilan ang marinig ang usapan nila dahil magkakasama kami sa kusina.

"Yes, Bria. Where do you want to go?"

Habang nag-uusap sila ay hindi ko maiwasan ang sarili na mapangiti lalo na kapag naririnig ang salitang bakasyon.

Sa probinsya kasi namin kapag sumasapit na ang bakasyon ay hobby na namin magkakaibigan ang magpunta sa mga dagat o kaya umakyat ng bundok para mag-outing.

Napabalik ako sa sarili nang narinig muli ang pag-uusap ng mag-ina.

"Can we go to Palawan, Mommy?"

"Palawan? You don't want to have a vacation out of the country?" si Ma'am Mayumi.

"Maybe next time, Mom. Sa Palawan muna tayo magbakasyon," Brianna chuckled slightly with a hint of excitement in her voice..

Nang natapos ako sa paghahanda ng mga gagamitin nila sa pagbi-bake ay dahan-dahan akong lumingon sa gawi nila at saktong dumapo ang mga mata sa akin ni Brianna. Nakangiti.

"Sure, if that's what you want, baby," paniniguradong tugon ng ginang na bunsong dalaga.

"Uh, can we bring Gwen with us?"

Agad na namilog ang mga mata ko dahil sa sinabing iyon ni Brianna. Hindi ko inaasahan ang kaniyang sinabi kaya napatungo ako ng ulo.

"No problem—"

"I'm home!"

Naudlot ang akmang isasagot ni Ma'am Mayumi sa anak dahil sa malakas na boses ang lumitaw at dumagundong sa buong sala na umabot sa kusina.

Sabay-sabay kaming napalingon sa hamba ng pintuan ng kusina at saktong lumitaw roon si Rocco nakangiti at may buhat-buhat na tuta.

Kumislap bigla ang mga mata ko nang nakita ang mumunting tuta na hawak-hawak niya.

"Hi, Kuya."

"Oh, Rocco. You bring a puppy again. Alam mong walang mag-aalaga niyan lalo na at madalas walang tao rito sa bahay dahil magbabakasyon tayo," bungad na komento ng ginang.

Unti-unting napawi ang ngiti sa labi ni Rocco at sumimangot.

"Don't you like it, Mom?" ani Rocco na pinalungkot pa ang boses.

Bumuntong hininga si Ma'am Mayumi at binitawan ang hawak na baking engridients at ibinigay ang buong atensiyon sa anak.

"Rocco, you know how much I love pets. Pero hindi natin iyan maalagaan ng maayos. Magagaya lang iyan kay Chi—"

"Ako ang mag-aalaga mommy. At hindi ko hahayaan na mawala siya kagaya kay Chika," agap ni Rocco.

"Paano kapag nag-umpisa na ang pasukan mo?"

Nabalot ng katahimikan ang buong kusina dahil sa sinabi ni ma'am Mayumi. Ngunit nakatuon lamang ang mga mata ko sa puppy na magkahalong puti at itim ang kulay ng makakapal na balahibo..

"Kuya, I think mommy is right. As much as we want to take care of it, hindi natin kaya.Nawalan na tayo ng pet noon dahil napabayaan natin," wika ni Bria na bakas ang panghihinayang sa boses.

"Puwede ako ang mag-alaga?" wala sa sariling nasambit ko dahilan kaya napalingon silang lahat sa kinatatayuan ko.

Napangiwi ako nang napagtanto ang sitwasyon.

Irresistible Series 2: Lost in Fire (Ongoing)Where stories live. Discover now