Kabanata 3

332 34 2
                                    

Kabanata 3

Pagod


"Dahil mahal... mahal na mahal kita—"

"Mahal na ang presyo ng bigas! Iyon ang kasalukuyang inirereklamo ng mga mambibili dahil sa biglaan ang pagtaas nito. Ayon pa sa balita, tumaas na rin ang presyo ng gasolina at krudo kaya mas lalong nangangamba ang karamihan sa dagdag na pagtaas ng pamasahe ng mga pampublikong sasakyan."

"Panira ka naman Kuya, eh! Ang galing ng timing mo. Damang-dama ko na iyong lyrics, eh!" maktol ko nang napahinto sa ere ang kamay ko habang nakatapat ang ulo ng suklay sa bibig.

"Malapit na malapit na ako inudlot mo pa," nakasimangot akong inabot ang remote at mabilis kong pinatay ang malaking flat screen TV.

Nagpapahinga lang ako saglit dahil kakatapos ko lang linisin ang kuwarto ni mokong. Inabot din ako ng ilang oras bago ko matapos ang silid dahil sa sobrang makalat.

May mga bote ng alak na nakakalat, may mga upos pa ng sigarilyo na umaapaw na sa ashtray. Hindi rin kaaya-aya ang amoy ng loob dahil kumulob. Tinanggal ko na rin lahat ng sapin sa kama, kurtina at pinalitan dahil may nakita naman akong pamalit sa cabinet.

Buti na lang talaga may vacuum at air refresher akong nakita kaya kahit paano ay nawala ang kulob na amoy.

Dahil nga sa pangangawit ay nagpahinga ako at naisipan kong buksan ang TV, eh, tamang-tama kinalikot ko ang phone ni Brianna.

Maraming laman na music kaya isa-isa kong pinapatugtog iyon kahit na mga old songs na hanggang sa unti-unti na akong nalilibang.

Tumayo na ako at sunod na pumasok sa laundry room para sunod naman na maglaba.

Sumimangot ako nang nakita ang tambak na labahin at malalaking bahag ni mokong. Agad kong hiniwalay ang de-color sa puti.

Pawisan na naman ako at tumutulo na mula sa noo pababa sa mukha ko at dumaan pa sa gilid ng mata ko kaya wala sa sarili kong naipunas ang hawak na tela kahit kulob ang amoy.

Pinunanas ko iyon sa pawisang mukha, dahan-dahan kong pihatid sa gilid ng mata. Ngunit agad ding napatigil sa pagpunas dahil sa amoy nito.

Tumigil ako sa pagpunas at tiningnan ang hawak, at pagtingin ko sa puting tela ay ganoon na lamang ang gulat ko nang napagtanto kung ano ito.

Napangiwi akong inangat iyon sa harapan ko.

"Ano ba naman, Gwen!"

Sumilip ako sa labas ng pinto baka sakaling dumating na si mokong at mukhang wala pa kaya bumalik ang tingin ko sa hawak na puting brief.

Inangat ko ito lalo, hinawakan sa magkabilang dulo ng garter at nilaladlad sa harapan ko.

"Taray naman may pa-bench bench pang brief, tapos ang laki pa ng size," bulong ko sa sarili.

Tiningnan ko ng maigi ang hawak na brief hanggang sa hindi ko namalayan na halos nakatapat na ito sa ilong ko.

I was about to smell the small cotton, but suddenly the laundry door opened quickly. Napaigtad ako sa gulat at napayakap sa sarili sabay lingon sa likuran ko.

"Sir?"

Magkasalubong ang kilay niyang nakatitig sa akin habang unti-unting tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

"You're not done yet?" kaswal niyang tanong ngunit mababakas pa rin ang kalamigan sa boses.

Umiling ang ulo ko sa kaniya at tinitigan din siya pabalik. Akala ko magrereklamo na naman siya ngunit bumuntong hininga lamang siya.

Irresistible Series 2: Lost in Fire (Ongoing)Where stories live. Discover now