KABANATA 14: Unang Hakbang | Malaya

2.5K 194 66
                                    

MALAYA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

MALAYA

ANG PAG-ASA ni Malaya ay parang tubig na tumatagas sa basong may butas—unti-unting nauubos. Ilang araw na ang lumipas mula noong dukutin ang kanyang ate, ngunit hanggang ngayo'y wala pa rin silang natatanggap na balita tungkol kay Mayumi. Maging ang mga ipinadalang tiktik sa siyudad ay wala ring naiulat na bagong impormasyon kung saan dumaan ang mga tagatugis.

Wala nang ibang mapagpipilian pa si Aya kundi paghandaan ang kanyang pagpunta sa posibleng pagdadalhan sa ate niya: sa Polarcus, ang kabisera ng Kaharian. Ni minsa'y hindi niya pinangarap na dumayo roon kahit gaano pa ito kaganda ilarawan ng mga taong nakadalaw na. May mga makikipagpatayan pa nga upang magkaroon ng gano'ng pagkakataon, ngunit hindi siya kabilang sa mga 'yon. Ngunit sa ayaw man niya't sa hindi, kailangan niyang magtungo roon. Para sa kanyang ate.

Ilang araw na siyang nag-eensayo sa labas ng puweblo. Ngayo'y nakaupo siya sa harapan ng isang batis, nakakrus ang mga binti at magkalapit ang mga palad na tila papalakpak siya. Nakapikit ang kanyang mga mata at inilubog ang isipan sa mga alaalang nakapagpapakalma sa kanya. Inalala niya ang masasayang tagpo kasama ang kanyang ama't ina, ang mga asaran niya at ng kanyang ate, at ang mapayapang buhay bago sila napadpad sa puweblo.

May namuong maliit na bola ng tubig sa espasyo sa pagitan ng mga palad niya. Unti-unti itong lumalaki sa paglipas ng bawat segundo. Mas kalmado siya, mas lumalaki ang bola. Halos singlaki na ito ng kamao.

"Aya, nasaan ka na?"

"Aya, tulungan mo ako!"

Biglang binaha ng nakababahalang guni-guni ang isipan ni Aya. Tila nakita niya ang nagmamakaawang mukha at narinig ang halos mapaos na boses ni Yumi. Iniling niya ang kanyang ulo, pilit na nilabanan ang nasa isipan. Nawala ang imahen, ngunit umalingawngaw pa rin sa kadiliman ang boses ng kanyang ate.

Sa halip na lumaki, lumiit nang lumiit ang bola na nalikha niya.

Slap!

"Aray!" inda ni Aya, napamulat ang mga mata at tuluyang naglaho ang pinaghirapan niyang bola ng tubig. Napahawak siya sa kanyang namulang pisngi. Iniangat niya ang tingin at tumitig sa mukha ng babaeng kanina pa siya pinagmamasdan. Nakaupo rin ito sa kanyang harapan, nakakrus ang mga binti at ilang dipa ang layo mula sa kanya. May nakatabing tungkod sa gilid nito.

"Hanggang ngayon, nahihirapan ka pa ring ipokus ang atensyon mo?" tanong ni Auria, isa sa mga residente ng puweblo na nagkusang-loob magturo sa kanya. Mas maigsi ang buhok nito, abot panga ang haba. Hindi rin ito nalalayo sa edad ng ate niya. "Ilang araw na tayong pabalik-balik sa unang leksyon, ah?"

"Pasensya na—"

Slap!

Muling nasampal sa mukha—ngayo'y sa kabilang pisngi naman—si Aya. Hindi kinailangan ni Auria na gamitin ang kanyang kamay para manampal o ang kanyang tungkod para tamaan ang estudyante niya. Isang kumpas ng kamay ay sapat na para ipadama ang kanyang pagkayamot. Kasingbigat ng kamay niya ang hangin na tumama sa mukha ni Aya.

Aria of the Arcane ①Where stories live. Discover now