CHAPTER 44

338 54 6
                                    

Coleen' POV

   Ilang saglit nalang ay mag la-lunch na, Gising si frances at nanonood ngayon habang ako iniisip ko padin kung iiwanan ko ba siya dito ng mag isa o wag nalang kaming kumain (What if kaming dalawa nalang kaya mag kainan? tingin niyo guys?)

𝘏𝘰𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘭𝘪𝘮 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘪𝘪𝘴𝘪𝘱 𝘮𝘰, 𝘗𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘯𝘢 𝘱𝘢 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘯𝘴𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘵𝘶𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘢𝘩, 𝘈𝘯𝘰 𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘪𝘪𝘴𝘪𝘱 𝘮𝘰 𝘩𝘢? Tanong sakin ni frances kaya nabalik ako sa wisyo, Kanina pa pala ako nakatulala

𝘈𝘩- 𝘪𝘩 𝘕𝘢-𝘯𝘢𝘨𝘶𝘨𝘶𝘵𝘰𝘮 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘢𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘴𝘰 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘢𝘬𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘣𝘪𝘭𝘪 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘪𝘯 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘥𝘪𝘵𝘰, Nauutal na sabi ko naman at tumawa lang siya

𝘏𝘈 𝘏𝘈 𝘏𝘈 𝘈𝘯𝘰 𝘬𝘢 𝘣𝘢, 𝘔𝘢𝘺 𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘣𝘢𝘵𝘢, 𝘚𝘪𝘨𝘦 𝘯𝘢 𝘣𝘶𝘮𝘪𝘭𝘪 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘪𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘬𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘪𝘴𝘢 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘦, Sabi niya naman sakin at kumindat pa, Yung tawa niya silent hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa tawa niya

𝘚-𝘴𝘪𝘨𝘦, 𝘐𝘯𝘵𝘢𝘺𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘬𝘰 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘩𝘢, Sabi ko naman at tumango lang siya at ibinaling na ulit ang tingin sa pinapanood niya

Lumabas na ako at agad nag hanap ng elevator para mas madali akong makababa at makabalik dito, Sobrang gutom na gutom na talaga ako

Nakakita na ako ng elevator at wala namang tao kaya agad na akong sumakay, Buti nalang at wala akong kasabay, Hindi nakakailang

5 minutes lang akong nakasakay sa elevator, Diba ang bilis, Agad na akong lumabas ng hospital at nag hanap ng resto na pwedi kung bilhan ng pagkain namin ni frances

Saglit lang at nakahanap naman ako kaagad dahil medyo katapat lang siya ng hospital, Pumasok na ako sa loob at agad nag order ng pagkain

1 order ng rice at 1 order of tinolang manok ang inorder ko para kay frances at 1 order ng sisig at 1 order ng kanin naman ang inorder ko para sakin (alangan naman sayo)

Binigay na sakin ang inorder ko kaya nagbayad na ako, Nakalagay sa tupper ware yung mga inorder ko kaya hindi mahirap bitbitin

Tapos na akong magbayad kaya naglakad na ulit ako pabalik sa hospital, Ilang saglit lang ay nakarating na ako kaya nag sakay na ulit ako sa elevator para madali akong makabalik sa kwarto ni frances, Kanina pa yun nag aantay kaya baka naiinip na din yun

Nandito na ako sa harapan ng kwarto ni frances at bubuksan ko na sana ang pinto ngunit hindi ko nagawa dahil may narinig akong nag uusap sa loob,

𝘈𝘳𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘰𝘬 𝘩𝘦𝘳𝘦? Dinig kong salita mula sa loob, Hindi pamilyar ang boses kaya agad ko ng binuksan ang pinto, Bumungad saakin ang isang medyo matandang babae at isang lalaki na nakatayo sa may kalapit ni frances

𝘈𝘯𝘥𝘪𝘺𝘢𝘯 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘭𝘢, 𝘈𝘩𝘮 𝘤𝘰𝘭𝘦𝘦𝘯 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘪𝘴 𝘮𝘺 𝘮𝘰𝘮 𝘢𝘵 𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘵𝘪𝘥 𝘬𝘰, 𝘚𝘪 𝘥𝘶𝘬𝘦, Sabi niya nung nakita niya akong pumasok sa loob

𝘏𝘪 𝘱𝘰! Bati ko sa mommy ni frances pati sa kapatid niya at ngumiti lang naman sila at tumango

Binigay ko na kay frances ang binili kong pagkain para sa kanya at ako naman ay kumain na, Mamaya na tayo mag usap nagugutom na ako

𝘎𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘮𝘰 𝘯𝘢 𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘮𝘶𝘸𝘪 𝘴𝘢 𝘱𝘳𝘰𝘣𝘪𝘯𝘴𝘺𝘢? 𝘒𝘢𝘮𝘪 𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨 𝘢𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘺𝘰 𝘥𝘶𝘯, Dinig kong sabi ng mommy ni frances, Nakikinig ako sa usapan nila

𝘞𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘱𝘰, 𝘋𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘰 𝘮𝘶𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘬𝘰 𝘮𝘢𝘢𝘢𝘴𝘦𝘬𝘢𝘴𝘰 𝘥𝘰𝘰𝘯 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘣𝘶𝘴𝘺 𝘬𝘢 𝘴𝘢 𝘵𝘳𝘢𝘣𝘢𝘩𝘰, Sagot ni frances at saka sumubo ng pagkain niya

𝘰𝘬 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘱𝘰 𝘢𝘬𝘰 𝘥𝘪𝘵𝘰, 𝘐𝘯𝘢𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘣𝘶𝘵𝘪 𝘯𝘪 𝘤𝘰𝘭𝘦𝘦𝘯 𝘴𝘢𝘬𝘢 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘵𝘦 𝘣𝘦𝘭𝘭𝘦, Sabi ni frances at hindi na umimik ang mommy niya

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si ate belle at ate ecka, Nang makapasok sila ay hindi naman niya sinaraduhan ang pinto at ilang saglit ay bigla namang pumasok si kielle at si sheki, Anong ginagawa nila dito? Saka sinabi ba nila ate belle na pumunta sila dito?

Nang makapasok na sila ay saka nila sinaraduhan ang pinto, Napabaling naman ang tingin ko kay ate belle na ngayon ay tinitigan ako at alam ko na ang ibig niyang sabihin, Siguro sinasabi niya na huwag nalang muna ako mag salita


Belle' POV

    Kakarating lang namin dito sa hospital kaya nag park na si ecka, Pagkatapos ay bumaba na siya at umikot dito sa may passenger seat at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse

Hinawakan niya ang kamay ko habang lumalabas ako ng kotse at pagkatapos ay isinara na niya ng kotse gamit ang right hand niya

Naglalakad kami papuntang elevator para madali lang kaming makarating sa room ni frances, Pag pindot ko ng press button ay bumukas na ang elevator, Pumasok na kami ni ecka at aktong pipindotin ko na ulit ay bigla namang may tumakbo papasok dito sa loob ng elevator

𝘒-𝘬𝘪𝘦𝘭𝘭𝘦? 𝘚𝘩𝘦𝘬𝘪? Takang sabi ko dahil hindi ko alam kong anong ginagawa nila

𝘈𝘵𝘦 𝘣𝘦𝘭𝘭𝘦? 𝘪𝘬𝘢𝘸 𝘱𝘢𝘭𝘢 𝘺𝘢𝘯, 𝘬𝘢𝘮𝘶𝘴𝘵𝘢? Sabi ni kielle saakin

𝘈𝘺𝘰𝘴 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯, 𝘉𝘵𝘸 𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘨𝘪𝘯𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘰 𝘥𝘪𝘵𝘰? Tanong ko naman

𝘗𝘶𝘱𝘶𝘯𝘵𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘴𝘪 𝘧𝘳𝘢𝘯𝘤𝘦𝘴, Sabat naman ni sheki, Wt pano nila nalaman na nandito si frances?

𝘈𝘩 𝘨𝘢𝘯𝘶𝘯 𝘣𝘢? 𝘚𝘪𝘨𝘦 𝘴𝘢𝘣𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰, Sagot ko nalang para hindi na sila magtanong kong ano naman ang gagawin namin dito ni ecka

Ilang saglit ay nakarating na kami, Agad kaming pumasok sa loob ng kwarto ni frances at bumungad naman saakin si coleen na kumakain at isang medyo matandang babae at isang bata na nakatayo sa may kalapit ni frances

Umupo ako sa couch malapit kay coleen at mukhang nagtaka ata siya nung di ko sinaradohan yung pinto, Ilang saglit lang ay biglang pumasok na sila kielle at sheki at napansin ko naman na nagulat at nagtaka si coleen kung bakit nandito sila kielle pero sininyasan ko nalang muna siya para hindi na siya magtanong

Umupo na din sila kielle at sheki nung makapasok na sila at napatingin naman si frances sakanila, Panigurado na pati siya magtatanong din kung bakit nandito sila kielle at sheki at kung pano nila nalaman na nandito siya

Until Your Last Breath (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now