V

1.3K 25 1
                                    

NASA TAPAT ako ng isang mansyon. Tahimik at binabalot ng hamog ang paligid. Lumapit ako sa bintana upang silipin kung anuman ang nasa loob.

Ang lahat ng kagamitan ay nakabalot sa puting tela. Senyales na wala nang nakatira sa bahay na ito.

"Binata, umalis ka na rito. Wala na dito yung amo mo. Lumipat na sila sa ibang bansa."

Napalingon ako sa hardinerong nagsalita. May hawak siyang itak at lubha siyang kasindak-sindak. Sa panaginip kong ito, kakilala ko siya. Kaya kahit ano pang takot ang meron ako, hindi ako nagpatinag na umalis, sapagkat may tiwala ako na hindi ako papatayin ng lalaking ito.

"Bawal kang pumasok sa bakuran nila ng walang pahintulot. Umuwi ka na. Bumalik na yung amo mo sa--"

"Hindi ko siya amo!" sigaw ko at tumakbo paalis ng mansyon.

Tuloy-tuloy ang pag-agos ng aking mga luha. Para bang gusto kong saksakin ang aking dibdib upang hindi ko na maramdaman ang unti-unting pagdurog nito.

...

"GISING, Pael! Gising!"

Napadilat ako ng mabilis, habang nakakapit si Russel sa aking braso na patuloy pa rin niyang niyuyugyog.

"Diyos mio! Ano bang nangyayari sa'yo? Nanaginip ka yata ng masama," aniya. "Kanina ka pa iyak ng iyak. Tignan mo yung mukha mo. Uhog nalang ang kulang."

Napabangon ako at napakuyom ang mga kamay sa bedsheets. Kinapa ko ang aking mukha at tama nga si Russel. Kagagaling ko lang sa iyak.

"Dali na! Bumangon ka na. Kailangan nating maghanda ng maaga."

"Para saan?"

"Basta!" aniya habang nagpapalit ng t-shirt sa harap ko. Napaiwas ako ng tingin. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako paangat. "For sure, nakahanda na ang umagahan sa mesa. Maghanda ka na rin ng susuotin mo mamaya."

Napabuga nalang ako ng hangin. Inaantok pa ako, sa totoo lang.

...

ALAS OTSO palang ng umaga, nakagayak na kami patungo sa plaza. Nagtipon-tipon doon ang mga tao, at siyempre, kasama na ako at ang buong pamilya ko. Sinama na nila si Lolo Apeng na naka-wheelchair. Si Papa ang tagatulak niya.

"Mamayang alas nuwebe, may parada. Tapos, may tanghalan naman daw mamayang gabi. Puro artista daw ang darating," ani Russel habang kumakain ng sitsirya at may hawak pa siyang softdrinks sa kabila.

"Talaga. Sinu-sino?"

"Ewan ko. 'Di ko naitanong," aniya at sumubo ng sitsirya. "Wala naman akong interes sa mga ganu'n, e. Hindi naman ako madalas manood ng T.V." dugtong niya habang ngumunguya.

"Talaga? Wala ka bang kilalang kahit isang artista?" nasurpresa kong tanong sa kaniya.

"Hmm. Meh!"

Sa wakas! Nakatagpo din ako ng isang pre-historic na tao. Napag-abutan na siya ng mahabang panahon. Baka nga kahapon niya lamang nalaman na nag-eexist yung T.V.

"Pael, yung balikat mo!" aniya.

"Bakit?" tanong ko at napalingon doon.

May bughaw na paru-paro ang nakadapo rito. Kamukhang-kamukha nito yung nakita ko kanina. O baka ito rin 'yun.

"Hulihin mo," utos niya.

"Huwag! Bakit naman?" sabi ko. Nag-aalala ako na baka mapisa at mapatay ko lang ito kapag hinawakan ko.

"Wala lang," aniya at nagkibit-balikat. Natawa ako sa walang kwenta niyang dahilan.

Napansin ko ang pag-angat ng kamay ni Russel patungo sa paru-paro, ngunit bago ko pa siya mapigilan ay agad nang nakalipad ang insekto mula sa aking balikat.

"Kita mo na!" sabi ko at sinundan ko ng aking mata ang munting nilalang. "Sandali, susundan ko lang siya."

"'Wag na! Paru-paro lang 'yan, ano ka ba? Malapit na yung parada!"

Hindi ko siya pinakinggan at tumakbo ako upang maabutan ang paglipad ng paru-paro. Narinig ko ang pagtawag sa'kin ni Russel, ngunit sumuong na ako sa lipumpon ng tao. Ilang beses akong nakabangga ng mga taong naglalakad sa iba't ibang direksyon.

Malakas ang kutob ko na may gustong ipahiwatig sa'kin ang paru-parong 'yon.

Lumabas ako ng plaza, dumaan sa mga kabahayan at kabukiran. Mababa lang ang lipad nito kaya madali ko lang siyang sundan.

Sa ilang minutong pagtakbo ay narating namin ang dalampasigan. Payapa ang dagat. Mahina ang mga humahampas na alon.

Nanatili ang aking mga mata sa tanawin, hanggang sa nakaligtaan ko ang sinusundan kong paru-paro.

"Hala! Nasa'n na 'yun?" tanong ko sa aking sarili habang pinapaikot-ikot ang aking paningin. Napakamot nalang ako sa aking ulo nung hindi ko ito makita.

Sa kabilang dako, may natanaw akong isang malaking bahay. Kailangan pang tawirin ang tubig gamit ang bangka upang mapuntahan ito. Tinitigan ko ito ng maigi at napansing sobrang pamilyar nito sa'kin.

Ito yung... mansyon sa panaginip ko!

Rendezvous (Pagtatagpo) [BxB, SPG]Där berättelser lever. Upptäck nu