XII

298 9 0
                                    

BINAWI ko agad ang aking kamay mula sa kaniya.

"Pasensya na. Ang lambot kasi ng kamay mo. Sa palagay ko, mas bagay kung hahalikan ko ito," paliwanag niya.

Napaiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay umiinit ang aking pisngi. Nakakairita. Sa akin pa talaga niya ginamit ang pagiging bolero niya. Pinunasan ko agad ang aking kamay sa laylayan ng damit ko.

"Ang lakas ng trip mo rin, hano! Ka-lalaki kong tao!"

Medyo nagsisi ako sa sinabi ko. Ang big deal kasing pakinggan.

"Alam ko, subalit mukha namang wala kang pinagkaiba sa isang babae. Kasing-arte mo ang ilan sa kanila," aniya na may kasamang iritasyon. Halatang nasaktan siya sa pandidiri ko.

"Kilabutan ka nga sa ginawa mo! Ni hindi ka man lang nagsabi kung ayos lang ba sa'kin na gawin mo 'yun."

"Hayaan mo. Sa susunod, magpapaalam na ako," aniya. Mapang asar talaga siya, ha.

"Hoy! Wala nang next time. Subukan mo lang at ingungudngod na kita sa sahig."

Humagikhik siya... na para bang sa tinagal-tagal na panahon, ngayon lang siya naramdam ng tuwa.

"Depensibo ka naman masyado."

Hindi ako umimik.

"Natutuwa akong makilala ka, Rafael," aniya.

Rafael...

Umalingawngaw ang aking pangalan sa bawat sulok ng aking isipan. Isang pamilyar na tinig. Tinatawag ako.

Rafael. Rafael. Rafael.

Sumilip ako sa bintana upang matanaw ang mga talang bumubuhay sa kadiliman ng gabi. Nakakasilaw ang liwanag ng buwan na umaabot sa loob ng silid.

"Mahilig din ako sa mga paru-paro," aniya at humigop muli ng soup. Nais magsimula ng pag-uusap upang basagin ang katahimikan.

Naiinis ako. Hindi ko alam.

"Tinanong ko ba?"

"Pangalawang beses mo nang sinabi 'yan."

Napangisi ako.

"Binibilang mo pa talaga."

Ngumuso siya.

"Hindi ako makapaniwala," aniya. "Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakatanggap ng isang pilosopong bisita."

"Ngayong nandito na 'ko, maniwala ka na," sabi ko.

Tumawa siya.

"Kakaiba ka sa mga nakilala ko."

"Malamang. Ngayon mo palang ako nakilala, kaya kakaiba ako sa paningin mo."

Napabuntong hininga siya at yumuko.

"Tama na. Wala nang patutunguhan ang usapang 'to."

"May patutunguhan sana kung hindi mo sinimulan. Ano bang meron sa paru-paro at parang biglang gusto mong pag-usapan?"

Mahina siyang tumawa at napailing.

"Hindi ka ba mahilig sa paru-paro?"

"Bakit? Sino bang may sabi?"

"Ewan ko."

"Wala naman akong sinabi."

Nagpatuloy lang ang aming paghigop sa soup.

"Yung totoo, naiilang ka ba sa'kin?"

Humigop nalang ako ng soup sa halip na sumagot.

Hindi ko siya kayang kausapin ng maayos. Hindi ko siya kayang titigan ng matagal. May mga bagay na naglalaro sa aking dibdib at hindi ko matukoy kung ano ang ibig sabihin nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rendezvous (Pagtatagpo) [BxB, SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon