VIII

1K 23 1
                                    

DALAWA ang bisikleta na pagmamay-ari ni Russel. Pinahiram niya sa'kin yung isa upang sabay kaming makapunta sa paroroonan ng mabilis.

Nagbihis lang ako ng simpleng t-shirt at shorts.

"Nay, alis lang po kami. Ililibot ko lang po itong si Pael," pagpapaalam ni Russel sa kaniyang ina.

"Naku, mabuti 'yan!" sabi ni Tita Margie sa kaniyang anak. Bumaling siya sa'kin. "Sigurado, matutuwa ka kasi marami talaga ditong malilibutan na maganda."

Lumapit sa'kin si Mama na galing sa kusina sapagkat abala siya sa pagluluto para sa magiging hapunan namin mamaya.

"Maiingat kayo doon. Kung may mangyayari sa inyong masama, lagot ka sa'kin," banta sa'kin ni Mama pero tumawa lang ako. Bakit ako lang? Hindi niya ba pwedeng pagalitan din si Russel? Hay naku!

Ganiyan siya talaga kastrikto pagdating sa'kin. Pero sanay na ako.

Nagsimula na kaming umalis. Iisa lang ang daan patungong plaza kaya yun na muna ang aming tinahak, pagkatapos yung direksyon patungo sa dalampasigan.

Gusto ko pa sanang dalhin ang sketchbook ko (dahil gusto ko talagang iguhit yung mga nasaksihan ko sa mansyon), pero naisip ko din na mas gugustuhin ko pang mag-enjoy muna ako sa paglilibot kaysa magdrawing.

"Hoy, Pael! Papuntang dalampasigan 'to ah! Bakit naman tayo pupunta doon?" tanong niya habang nasa likod ko siya at sinusundan niya ang direksyong tinatahak ko.

"Basta! Dalian mo!"

"Hala, Hindi tayo handa! Wala akong dalang pangswimming o pamalit man lang ng damit."

"Tungek. Hindi tayo maliligo doon," sabi ko at tumawa ng malakas habang sinasalubong ko ang papalakas na hagupit ng hangin.

"Alam ko! Pero kasi, sayang yung pagkakataon," sabi niya at tumawa bago tinulinan niya ang pagpadyak sa kaniyang bisekleta at inanuhan ako sa daan.

Binilisan ko rin ang pagpapaandar kaya nagkarerahan na kami patungo sa dalampasigan.

Natunton din namin ito, ilang minuto lang ang nakalipas. Sa tingin ko, alas singko na ng hapon at medyo madilim na ang paligid. Pagdating namin doon ay agad kaming bumaba mula sa aming mga bisikleta.

"Halika, tingnan mo 'yun!" aya ko, at hinila ko siya patungo sa direksyon kung saan nakatirik ang mansyon.

"Oh, anong meron diyan?"

"Diyan ako pumunta kanina," sabi ko.

"Seryoso ka ba?"

Tumango ako at binitiwan ko na ang pagkakahila ko sa kaniya. Tinignan niya ako na may pagdududa.

"Hindi ako naniniwala," aniya at iniwas ang tingin sa mansyon. "Haunted house daw 'yan. Marami na raw ang nakakita ng multo diyan. Kaya yung mga hardinero at caretaker, hindi na kinaya. Nilayasan na rin nila yung bahay na 'yan."

"Naku! Hindi ka naniniwala na nakapunta na 'ko do'n, pero sa multo, naniniwala ka? Guni-guni lang nila 'yon," sabi ko.

Tumanaw ako muli sa mansyon upang aninagan ito mula sa tanglaw ng palubog na araw. Medyo dumidilim na rin kaya nag-aagawan na ang mga kulay sa kalangitan.

Nagulat ako nang bigla kong nakita ang pagsindi ng ilaw sa isang bintana sa mansyon.

"Totoo ba 'tong nakikita ko?" sabik kong sabi.

"Bakit?" tanong ni Russel.

"Nakita mo ba 'yun?! May umilaw sa bintana ng mansyon!" sabi ko kaniya nang hindi pa rin inaalis ang aking paningin sa mansyon.

"Saan?"

"Ayun, oh! Sa ikalawang palapag," turo ko.

"Wala naman," aniya at napakamot sa kaniyang noo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Wala naman," aniya at napakamot sa kaniyang noo.

Napabuntong hininga ako.

"Bulag ka ba? Ang liwanag kaya nung ilaw," hindi makapaniwalang sabi ko sa kaniya.

Humakbang ako palapit sa pampang upang lapitan ang bangka. Sumabay naman siya sa'kin.

"Ito yung sinakyan ko kanina para makapunta doon," sabi ko sa kaniya at tinuro ang sasakyan.

Dahan-dahan akong humakbang papasok sa bangka. Gusto kong pumunta ulit doon sa mansyon.

"Hoy! Anong ginagawa mo? Bumaba ka diyan!"

"Sumama ka sa'kin, Russel. Ipapakita ko sa'yo na wala talagang multo do'n."

"Nasisiraan ka na ba? Hindi natin alam kung anong meron do'n. Masama yung nararamdaman ko, Pael. Pakiramdam ko, hindi tayo dapat pumunta diyan."

"Naku! Naduduwag ka lang, eh. Saglit lang naman, ano ka ba," sabi ko sa kaniya.

"Kahit na!" aniya at humalukipkip. "Sure ka ba talaga na marunong kang mamangka papunta doon?"

"Oo naman! Nasubukan ko na kaya," sagot ko.

Makikita pa rin ang pagdududa sa kaniyang mukha.

"Kung gusto mo, pupunta ako sa 'di kalayuan. Tapos kapag nakayanan ko, babalik ako para isama na kita sa bangka papunta doon sa mansyon."

"Nasisiraan ka na nga talaga. Imposibleng alam mo 'yang pamamangka, kasi sa syudad ka lumaki."

"Ikaw ba, alam mo?"

Umiling siya.

"Taga rito ka ba talaga? Imposibleng 'di mo alam. Nabuhay ka sa tabing dagat pero hindi alam kung pa'no 'to sakyan? Kawawa ka naman," pang-aasar ko sa kaniya, tumawa ako ngunit nakabusangot siya.

"Bahala ka sa buhay mo," asar niyang sabi.

"Watch and learn," mayabang kong sabi at kinalas na ang tali mula sa kahoy. Dahan-dahan kong sinagwan ang aking sarili patungo sa gitna ng tubig. Medyo kinakabahan ako pero nagpatuloy lang ako.

Huminto ako at kumaway kay Russel na nasa pampang.

Ngunit kahit malayo siya sa'kin ay naaninag ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Oh 'di ba!! Kita mo na!!" sigaw ko.

"Pael, yung mga alon!!" sigaw niya pabalik. Tumingin agad ako sa mga paparating na daluyong at bigla akong namutla sa takot. Nawala ang aking ngiti at nanginig ang aking kamay.

Lumakas ang hangin, kasabay ang paghampas ng alon. Napasigaw ako sa takot na bumuwal ang sinasakyan kong bangka.

"Tulong!" sigaw ko, pero mukhang walang magagawa si Russel para sagipin ako. "Russel!"

Gusto ko nang bumalik at pagsisihan na ginawa ko ito, pero huli na. Hindi ko kayang labanan ang mga alon. Hinayaan ko nalang na tangayin ang aking bangka, palayo ng palayo.

Rendezvous (Pagtatagpo) [BxB, SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon