Chapter Five

68.6K 2.6K 624
                                    

Napabuga ako ng hangin habang kinakain ang burger na binili ko. Hanggang ngayon hindi pa rin n'ya pinapansin ang binili ko sa kan'yang pagkain. Tutok na tutok pa rin siya sa laptop n'ya at hindi man lang ako binabalingan ng tingin. 

He's still mad pa rin?

"Hey, Rius. Kainin mo naman ang binili ko for you," nakasimangot na sabi ko saka umupo sa tabi n'ya.

Hindi siya kumibo at tumuloy sa ginagawa n'ya. Napabuntonghininga ako at napahilot sa sentido ko. Ito ang isa sa mga moment na alam kong hindi ko na madadaan sa sex ang lahat. I can't just seduce him kasi hindi rin siya agad bibigay.

"Pirius, hey... Hindi naman totoo ang sinasabi ni Eric, nagbibiro lang siya. Well... I said something like that before, pero hindi ko sinabing nakakasakal ka," hinging paumanhin ko.

Napanguso ako nang mas lalong sumama ang mukha ni Pirius sa sinabi ko. I bit my lower lip and sighed... well, I guess I just made it worse. Hindi naman kasi ako maalam maglambing when it comes to words. Palagi kong pinapakita sa actions like riding the hell out of him or giving him a blowjob... Should I try doing it kaya? Baka naman bumigay siya kahit papa'no.

"Hey, Rius... how about--"

Hindi pa ako natatapos magsalita, bigla na siyang tumayo. Nagtatakang napatingin ako sa kan'ya nang kunin n'ya ang laptop n'ya. Akmang aalis siya pero agad kong hinawakan ang kamay n'ya.

"Bakit ka aalis?" tila nagpapaawang tanong ko.

Pirius sighed and looked at me. "I'll just do this at my office. I need to cool down, Faith," sabi n'ya saka inalis ang pagkakahawak ko sa kamay n'ya. 

Napakagat ako sa ibabang labi ko at pinanood na lang siya hanggang sa makalabas siya ng opisina ko. Naiinis na kinuha ko ang pagkain na binili ko para sa kan'ya at kinain din 'yon... Bahala siya! He's so kainis! Nilalambing ko na nga siya ayaw pa ring bumigay!

Pagkatapos kong kumain, nag-focus na lang ako sa work ko at hindi na lang inisip si Pirius... pero wala pa yatang thirty minutes ako na nagtatrabaho, agad na akong tumayo at kinuha ang bag ko saka agad na umalis ng office ko.

Hindi ko na talaga ma-take ang pag-iinarte n'ya. Alam ko rin naman na hindi ako makakapagtrabaho nang ayos nang ganito kami kaya mas uunahin ko na lang muna ang lambingin siya. Mamayang gabi ko na lang tatapusin ang trabaho ko. 

Agad akong sumakay sa taxi papunta sa ASC, kompanyang pag-aari ni Pirius. Nag-text na rin ako sa kan'ya na pupunta ako ro'n. I don't know kung mababasa n'ya 'yon pero bahala na. Hindi rin naman ako makakatiis nang matagal and besides, dadaanin ko na lang sa kahit anong way. 

Agad akong nagbayad sa driver at bumaba ng taxi pagkabayad ko saka agad na nagtungo sa malaking kompanya ni Pirius... Dire-diretso na lang akong pumasok dahil agad akong pinapasok ng guard. Kilala naman kasi ako ng halos karamihan sa mga empleyado rito.

"Ma'am Faith, si Sir Pirius po ba ang pinunta n'yo?" bati sa akin ng empleyado na si Paula. Ngumiti ako sa kan'ya saka tumango.

"Oo, e. Have you seen him?" I asked.

"Opo, Ma'am. Nagpunta po yata sa office n'ya. Mukha nga pong mainit ang ulo, e," sagot naman n'ya. 

I took a deep breath and nodded. "Thank you, Paula. I'll go ahead na," pagpapaalam ko sa kan'ya saka agad na nagtungo sa elevator para dumiretso sa office ni Pirius. 

I created scenarios in my mind while waiting to reach the top floor... I just giggled and shook my head. I know hindi naman ako matitiis nang matagal ni Pirius. 

Pagkarating ko sa top floor, basta na lang ako pumasok sa opisina n'ya dahil wala naman ang secretary nito. Pagpasok ko naabutan ko siya na abala pa rin sa ginagawa n'ya... pero kunot na kunot pa rin ang noo n'ya. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa hitsura n'ya ngayon.

Lost in Reverie (SERIE FEROCI 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon