Chapter Ten

63K 2.6K 1.8K
                                    

I don't know how long I've been staring at them. I don't know why I keep on torturing myself, watching him smile like that while talking to another woman. My hands are literally shaking right now. Nanlalabo na rin ang paningin ko kasabay ng pagbigat ng pakiramdam ko. 

He doesn't smile like that to anyone if it's not me. Ako lang ang nginingitian n'ya nang gan'yan noon. Sa akin n'ya lang ipinapakita ang totoong ngiti n'ya noon... Sino ba ang babaeng 'yon? Bakit nagagawa n'yang ipakita sa babaeng 'yon ang mga bagay na sa akin n'ya lang ipinapakita noon?

Sabi n'ya sa akin busy siya sa trabaho kaya hindi siya makakauwi... ito ba ang pinagkakaabalahan n'ya? Ibang babae?

Napasinghap na lang ako nang mabitiwan ko ang frappe na hawak ko nang hindi ko namamalayan. Agad 'yong kumalat sa sahig dahilan para mapatingin sa akin ang mga tao sa paligid ko. 

"Ma'am, okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ng barista saka lumapit sa akin. 

"I-I'm fine, I'm so sorry. Let me help you clean up," sabi ko na lang saka muling napatingin sa pwesto nina Pirius. Ni hindi ito napatingin sa direksyon ko dahil masyado siyang abala sa pakikipag-usap sa babaeng kasama n'ya.

Ano ba ang meron sa babaeng 'yon at nagagawa siyang pangitiin nang gan'yan? 

"Nako, h'wag na po, Ma'am. Kami na ang bahala rito. Buti na lang po at hindi namantsahan ang damit n'yo," sabi nito saka tiningnan ang damit ko. 

Nakonsensya ako sa abala na ibinigay ko sa kanila. Gusto ko sanang magbayad sa nangyari kaso baka naman ma-offend sila kapag ginawa ko iyon. Kumuha na lang ako ng card ng clothing line sa bag ko saka inabot sa barista. 

"I'm really sorry for what happened. This is my card, my number is there too. You can go to my clothing line anytime and I will give you clothes of your choice for free. I'm really sorry for the inconvenience," I murmured and gave her the card with my shaking hands. 

"N-Nako, Ma'am, nag-abala pa po kayo..."

Hindi ko na hinintay na matapos ang barista, dali dali akong lumabas ng coffee shop. Pasimple pa akong napatingin sa direksyon nina Pirius kanina at nanikip lang ang dibdib ko nang makitang kausap na naman nito ang babae habang nakangiti. Napahawak ako nang mahigpit sa bag ko at mabigat ang dibdib na umalis ng lugar na 'yon.

Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang bumalik sa lugar na kikitaan namin nina Denise. Nanghihinang napaupo ako sa bench. Mabigat ang mga mata ko pero hindi ko magawang umiyak. Pilit kong pinipigil ang sarili ko na maluha... hindi pwede sa lugar na 'to. Ayokong magmukhang miserable. 

Nanginginig ang mga kamay na kinuha ko ang cellphone ko mula sa sling bag. Halos ilang beses ko ng muntik na mabitawan ang cellphone ko dahil sa pinagpapawisan kong mga kamay. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at nag-type ng message para kay Pirius. 

Pirius, where are you right now?

Halos ilang minuto rin ang nakalipas bago siya nag-reply.

Work, why?

My lips shivered and my vision became more blurry. My hands turned into a fist. I put it on my chest while trying to calm myself... I can't be like this. Babalik na sina Denise ano mang oras. Hindi nila ako pwedeng makita na ganito. 

Tumingala ako habang pilit na nilalabanan ang mga luha sa pag-alpas mula sa mga mata ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Sobrang bigat ng dibdib ko. Nahihirapan akong huminga sa sobrang sama ng loob na nararamdaman ko sa mga oras na 'to. 

Pirius lied to me... Kailan pa siya natutong magsinungaling sa akin? Sino ba ang babaeng 'yon na kasama n'ya?

"Huy, Faith. Akala ko bibili ka ng frappe."

Lost in Reverie (SERIE FEROCI 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon