Chapter Eleven

61K 2.2K 1.5K
                                    

Hindi ko alam kung bakit nakatayo pa rin ako rito. Umaasa ako na baka may kasunod pa ang sasabihin n'ya. Umaasa ako na baka nagkamali lang ako ng narinig... para akong tanga na umaasa na magising sa bangungot na 'to.

"Weh? Baka naman meron talaga. Diba mostly sa mga seaman, manloloko raw?" natatawang tanong ng babae. 

Pirius chuckled and scratched his nape. "Mukha ba akong manloloko?"

Mas humarap sa kan'ya ang babae saka mas lalong tinitigan si Pirius. "OMG, baka naman may asawa ka na?"

Pirius touched the back of her hand with his index finger and gently caressed it. "Where did you even get that idea, Everly?" tanong nito saka marahang natawa. 

Hindi ko na kinaya pang pakinggan at panoorin sila. Kahit nanghihina ang mga tuhod ko, pinilit kong humakbang at tumakbo palayo ro'n. Nabitiwan ko pa ang paper bag na hawak ko pero hindi ko na pinansin pa iyon. Nakasalubong ko pa ang secretary ni Pirius pero hindi ko na ito pinansin pa nang tinawag ako nito saka dali daling nagtungo sa elevator.

Nanghihinang napatakip ako sa bibig ko habang tuloy tuloy ang mga luha sa pag-agos mula sa mga mata ko. My chest feels heavy. It's so hard to breathe. Pakiramdam ko umiikot na ang paligid ko dahil sa pagkahilong nararamdaman ko. I gently punched my chest, I did my best to breathe properly as tears continuously flowed on my cheeks endlessly. I don't want others to see me like this... but I have no control over my emotions right now. Parang sasabog ang puso ko sa bigat na nararamdaman ko. Parang gusto ko na lang maglaho at kalimutan ang pakiramdam na 'to. 

Dali dali akong lumabas ng elevator pagdating sa ground floor. Bahagyang napaiwas sa akin ang mga empleyadong nadadaanan ko. Halatang natigilan sila nang makita ang hitsura ko ngayon. Agad ko na lang tinakbo palabas ng ASC. 

"I-I'm sorry," nasabi ko na lang nang maramdaman kong may mabangga ako. 

"Faith?"

Agad akong napatingin sa lalaking nabangga ko nang mapagtanto ko na pamilyar ang boses n'ya... "E-Eric?"

"Huy, ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit gan'yan ang hitsura mo? Nag-away ba kayo ni Pirius?" sunod-sunod na tanong n'ya. 

"W-What are you doing here?" naitanong ko na lang saka napaiwas ng tingin sa kan'ya. Nanginginig ang mga kamay na pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko. 

"Ah, gaganap ako na model para sa ASC kaso nakita kita rito pero teka nga. Bakit ka naiyak?"

Marahang hinawakan n'ya ang braso ko at pinaharap ako sa kan'ya. Nanatili akong umiiwas ng tingin sa kan'ya dahil hindi ko kayang makita n'ya ako sa ganitong kalagayan. Ayoko na may ibang nakakakita sa akin na ganito ako... mahina, sobrang hina. 

"May problema ba kayo ni Pirius? Siya lang ang alam kong iiyakan mo nang gan'yan dahil tanga ka sa lalaking 'yon. H'wag mo ng tangkain maglihim sa 'kin dahil kilala kita," seryosong sabi n'ya. 

I was taken aback when he gently held my chin and made me face him. I sniffled and burst into tears even more when I saw his concerned face. Nanghihinang napakapit ako sa damit n'ya. Napahawak siya sa braso ko at marahang hinaplos 'yon nang maramdaman n'yang literal na nanginginig ang katawan ko. 

"Tangina... ano ba kasing nangyari?" nakakunot-noong tanong ni Eric, tila ba hindi siya natutuwa na nakikita akong nagkakaganito.

I shook my head and cried even more. Pakiramdam ko naubos na ang lahat ng lakas na natitira sa akin. Napasandal na lang ako sa dibdib n'ya at mahigpit na kumapit sa damit n'ya.

"P-Please... take me somewhere else. K-Kahit saan," mahinang anas ko kasabay ng muling pagkawala ng hikbi sa labi ko.

Napabuntonghininga si Eric at marahang humawak sa likod ko. Maya maya pa ay hinawakan n'ya ang palapulsuhan ko saka hinila ako palayo ro'n.

Lost in Reverie (SERIE FEROCI 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon