Wattpad Original
There are 6 more free parts

Chapter 8

131K 3K 76
                                    

Chapter 8

He just...

"Girlfriend, kain tayo." Agad na sabi sa akin ni Lance nang magbreak at walang pasabing kinuha ang bag ko. Napataas ang kilay ko at pinigilan sya, "Teka! Si Mika!" sabi ko at tinignan si Mika habang nakahalukipkip at masamang nakatingin sa lalaking nambwisit sa kanya nung umaga.

"Tsk! Ayan lang eh, teka nga." Bago pa ako makapagsalita ay agad syang nakalapit kay Mika at may binulong dito. Tumingin sa pwesto ko si Mika at tinaasan ako ng kilay tsaka sya bumaling kay Lance at tumango. Lumapit naman sa akin si Lance pagkatapos na may ngiting-tagumpay.

"Well, pumayag. Paano ba yan? Halika ka na Girlfriend ko." Humalakhak sya at walang pasabing hinapit ang beywang ko at lumabas, hanggang nasa daan ay dinig ko ang mga bulungan ng mga tao sa paligid at ang kanilang mga kung ano-anong problema sa akin.

Pakialam ko? Napahinga nalang ako ng malalim, people are really judgemental kahit wala naman silang alam sa totoong nangyayari. Napabaling naman ako kay Lance ng magsalita sya. "Mas may igaganda ka pa pala no?"

Nagpuyos ako sa inis at tinanggal ang kamay nya na nasa baywang ko.

"Wow ha! Ano yan compliment o insult?!" Naiinis kong baling at tinaasan sya ng kilay, ngisi lang ang isinagot sakin kaya napaigik sya nang batukan ko ng malakas. "Aray nemen! Engseket neng betek ke eh," maarte pa nyang sabi at hinawakan ang batok nya.

"Manahimik ka nga, corny mo." Inirapan ko sya at lumayo sa kanya ng bahagya, inayos ko ang eyeglasses ko at tinignan kung may mapepwestuhan pa ba dito sa cafeteria.

"Hoy! Itong loves ko naman hindi nag-aantay. Grabe." Narinig kong reklamo nya ng mauna ako at napailing nanaman ako sa tinawag nya sa akin.

"Loves? Neknek mo. Manahimik ka nga." Umismid ako ng makitang wala ng pwesto sa cafeteria at bumaling sa kanya na kasalukuyang tinatanggal ang unang tatlong butones ng uniporme nya. "Punuan na dito, pano yan?" Sabi ko kahit na nadidistract ako sa ginawa nya sa uniporme nya.

Bakit first three buttons lang? Lahatin na kaya niya!

"May alam ako." Agad nyang hinila ang kamay ko at sumunod nalang ako sa kanya ng walang imik. His warm big hands against mine was really a great feeling, may kung anong kiliting nararamdaman ang palad ko na hawak nya na nakakonekta sa tyan ko na ngayon ay puno na ng mga nagkakagulong paru-paro.

Sa isang lilim dito sa soccer field nya ko dinala, mahangin dito at refreshing ang ambiance, ayos na 'to. Kaso may problema, kapag umupo ako ay madudumihan ang skirt ko pero... bahala na nga.

Pinagpagan ko saglit ang palda ko pero paupo pa lang sana ako ay bigla akong nakaramdam ng kamay sa may pang-upo ko. Halos mapatalon ako sa gulat at ng lingunin ko si Lance ay nakaangat ang kamay nya sa ere at tulala sa akin habang nanlalaki ang mga mata.

"S-Sorry..." Pigil-hininga nyang sabi at namumula pa ang pisngi.

"Gago ka! Manyak!" Nagtititili ako at agad hinubad ang heels ko at bago ko pa man marealize ang ginawa ko ay naipukpok ko na ito ng malakas sa ulo nya.

Natulala ako ng unti-unti syang napahawak sa ulo nya at bumagsak sa damuhan. What the... ano nanamang nagawa ko?!

"Ayos naman sya, hija, nagkasugat lang sya sa ulo marahil ay dahil sa pagkapukpok mo ng takong ng heels mo." Napayuko naman ako sa sinabi nya, ano bang nagawa ko? Pero kasi manyak sya eh!

After that scene ay nagpanic ako ng mawalan sya ng malay, agad akong inatake ng kaba at muntik na akong maiyak sa kagagawan ko. Hindi ko naman ine-expect na mapapalakas ang tama nito sa ulo nya at hinimatay sya. Mabuti nalang talaga at bukol lang ang nangyari sa kanya, kung hindi ay hindi ko talaga alam ang mangyayari sa akin.

"Sige,hija, maiwan ko muna kayo. Magigising naman sya maya-maya." Tumango na lang ako sa nurse at napatingin sa natutulog na lalaki na may ice pack sa ulo. Ang amo naman ng mukha nya kapag ganito, parang anghel eh pero kapag gising isang living manyakis. Putek na, napakamanyak, eh.

Naisip ko din na marahil ay hindi nya sinasadya pero grabe naman, bakit sa pwet ko lumanding diba? Ano yun, instinct lang?

Napailing nalang ako sa mga naiisip ko, para kong baliw. Napatingin ako sa kanya ng bahagyang gumalaw yung ulo nya at kumunot ang noo. Bumalik nanaman ang pagkakakonsensya ko.

Nagmulat siya ng mata at nang magkasalubong ang mata namin ay agad akong lumapit sa kanya. I bit my lower lip at inabot ang pisngi nya.

"L-Lance, ayos ka lang? I'm sorry." Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla nyang hinila ang kamay ko na hahawak sana sa kanya at natagpuan ko nalang ang sarili kong halos konti nalang ay magkalapit na ang mukha namin.

My heart starts thumping and beating unknowingly fast pero pinilit ko paring magmukhang normal bago sya tanungin.

"A-Ayos ka na?" Nag-aalangan kong tanong at sa totoo lang ay gusto ko ng sapakin ang sarili ko sa tanong ko, malamang di sya ayos nagtatanong pa ako.

Umiling sya kaya napanguso ako.

"Sorr—" Napaawang ang labi ko ng walang sabing sakupin nya ang labi ko at marahan ang ginawa nyang paghalik roon, hindi ako nakagalaw lalo pa noong kagatin nya ang pang-ibabang labi ko na nagpagulo sa ulo ko.

"Ayos na." Ngumisi sya at pinakawalan akong tulala at wala sa sariling napahawak sa labi ko.

Did he just... Oh my God.



A Dare To Prepare (Published Under Bliss Books)Where stories live. Discover now