Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Chapter 6

144K 3K 57
                                    

Chapter 6

Ced

"Thanks..." Pasalamat ko sa kanya pagkalabas ko ng sasakyan n'ya, hinatid nya kasi ako pagkatapos ng klase. Wala naman kaming subject ngayong araw na magkaklase kaya nagulat talaga ako ng makita ko sya na nakaabang sa akin sa labas ng classroom. I never expected him to wait and take me home, actually. To think na tatlong oras ang klase ko ngayon, well, that's really something.

"Welcome, Chloe ko." Napangiti nalang ako bigla at napaling ang ulo ko. Damn that 'ko' at the last part. Nagkibit-balikat nalang ako at magpapaalam na talaga sakanya na papasok na ako pero yun nalang ang pagtataka ko ng bahagyang pumungay ang mata nya at i-nginuso ang mapulang labi.

"Kiss ko." Biglang hirit nya pa at ngumuso.

"Manahimik ka nga!" Nag-init ang pisngi ko sa sinabi nya at mabilis na pumihit patalikod.

"Asus! Kinilig sya diba? Kinilig ka? Kinilig ka?" Biglang pahabol nya at napatili na lang ako nang kiniliti nya ako sa tagiliran mula sa likuran at hindi ko na napansin na nakalabas na sya sa kotse nya.

"A-Ano ba! Lance! Bwiset ka! Tama n-na!" Tawa lang ang isinagot nya sa akin at ipinagpatuloy ang pagkiliti sa tagiliran ko. Nahihirapan naman akong awatin siya habang tumatawa at pilit na inaalis yung kamay nya sa bewang ko.

"Aminin mo na kasi, kinilig ka di ba?" Mapang-asar nyang sabi habang kinikiliti ako.

"H-Hindi nga!" Patuloy pa rin ako sa pagtanggal ng kamay nya.

"Weh? Amin na kasi!" Natatawang giit nya at halos makapusan na ako ng hninga sa ginawa nya, napahawak ako sa dibdib ko at alam kong wala na akong choice.

"Tama na k-kasi! O-Oo na!" Pasigaw kong sabi at doon nya lang ako tinigilan. Nakapaskil naman sa mukha nya ang isang nakakalokong ngisi at kaagad akong nag-iwas ng tingin.

"Anong oo na? Na kinikilig ka?" Tukso nya at alam kong nakangisi pa rin sya habang sinasabi yan.

"Wala!" Biglang bawi ko, nag-umpisa na akong maglakad na puno ng kahihiyan pero hindi nya ako hinayaan at naramdaman ko ang kamay nya sa braso ko. Pinaharap nya ako sa kanya at tumigil ang hininga ko ng umakyat ang kamay nya sa pisngi ko at hinaplos ito.

"You're blushing!" He grinned at handa na sana akong singhalan sya pero hindi ko na nagawa dahil sa pareho kaming nagulat sa biglang pagbusina ng isang puting sasakyan sa likuran namin mismo.

"Hoy! Mga bata! H'wag nga kayong maglandian sa gitna ng kalsada! Mga perwisyo!" Singhal sa amin ng matandang lalaking nasa loob ng sasakyan at naagaw ng pansin ko ang bigote nya na may kurba sa ibabaw ng labi nya.

Naramdaman ko ang marahang paghigit sa akin ni Lance paalis sa may daan at bigla akong natawa ng magkatapat ang mukha namin. Nakangisi din sya at natawa ng tumawa ako.

"Ikaw kasi!" Turo ko sa kanya habang pigil ang tawa.

"Ikaw kaya yun!" Sabi din nya sa akin at matawa-tawang sinundan ng tingin ang sasakyan ng lalaki kanina na papalayo.

"Ikaw nga nangingiliti dyan! Kainis! " Sumeryoso akong bigla at kinunot ko ang noo ko para kunwari naiinis ako pero agad napawi at napatawa nalang ulit nang ginaya nya si kuyang may mustache.

"Hoy! Mga bata! H'wag nga kayong maglandian sa gitna ng kalsada! Mga perwisyo!" sabi nya at hinawakan pa ang baywang na parang matanda. "Tama na nga yan! Yung mustache ang nagdala!" pigil ko sa ginagawa nya na matawa-tawa.

"Napansin mo din yung mustache?!" Tuloy nyang sabi habang tawa ng tawa, patuloy lang naman ako sa pagtango at sya naman ay humalakhak pero makalipas ang ilang segundo at tuimigil at napaso kaagad ako sa ibinigay nya sa aking tingin.

"Back to the topic, anong sabi mo kanina?" bigla nyang sabi na sumeryoso ang mukha at tinitigan ako. Uminit nanaman ang pisngi ko at napa-iwas ng tingin "M-May sinabi ba ako?" todo-iwas kong sagot.

"Uh-huh! Kunwari ka pa... Nagconfess ka na nga!" Ngumisi sya at hinawakan pa ang baba ko para mapatingin sa kanya.

"C-Confess mo mukha mo!" Tinulak ko sya ng bahagya at inayos ang buhok ko na nalaglag sa noo ko.

"Weh? In denial tayo girlfriend?" Tinaasan nya ako ng kilay at naglalaro ang ngisi nya sa labi.

"Wala naman kasi akong sinasabi!" Defensive kong sagot.

"Defensive!" Nakangisi nyang puna at hinuli ang kamay ko na hahampas sana sa braso nya.

"Sa ngayon, magdeny ka lang but I know you will admit it someday." Confident n'yang sabi at nakataas-noo pa, napangiwi naman ako at inilingan s'ya.

"Dream on, Mr. Cruz." Inirapan ko sya pero ngumiti din ako pagkatapos. Lumapit ako ng bahagya sa kanya para ayusin ang nagulo nyang kwelyo at patuloy lang naman sya sa kakadaldal sa harapan ko.

"Totoo naman, ah! Time will come and you will say na kinikilig ka." Pangungulit nya at kinindatan ako.

"Hanggang pangarap nalang y--" Naputol ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang gate ng bahay at lumabas si Ate na parang excited at tuloy-tuloy na nagsalita. "Chloe, nadyan ka na pala! Bilis! May surprise ako!" Sabi nya na parang hindi napapansin ang tao sa tabi ko, nakatitig lang sya sa akin pero nakita ko ang pagtigil ng sinasabi nya sa ere nang mapalingon sa kasama ko.

I cleared my throat.

"Ate, si Lance nga pala—"

"Ced.." Putol nya sa sasabihin ko at yun nalang ang pagkunot ng noo ko sa tawag nya kay Lance.

Ced? As in, Cedrick? Bakit?

Magtatanong na sana ako pero hindi pa man ako nagkakapagsalita ay naunahan na ako ng pamamaalam ni Lance.

"Ah sige, Chloe, I'm going, Goodnight." Halos kilabutan ako sa lamig ng boses ni Lance sa tabi ko na parang hindi napansin si Ate sa harapan na nagsalita, nagitla pa ako sa gulat ng marahan nya akong hinahin sa kanya bago hinalikan ang noo ko at mabilis na pinasibat ang sasakyan paalis.

Napatingin naman ako kay Ate at napansin ko ang magkahalong pagkabigla at pagkadismaya sa itsura nya. "Ate..." pukol ko sa atensyon nya at mukhang nagulat sya sa pagsasalita ko.

"Oo! Halika Chloe M-May surprise ako." Sabi nya na halatang pinilit na sumaya ang tono ng pagsasalita nya at hinila ako papasok sa bahay.



A Dare To Prepare (Published Under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon