Wattpad Original
There are 5 more free parts

Chapter 9

128K 2.7K 36
                                    

Chapter 9

Kiss

Tulala pa din ako at hindi parin makapaniwala sa nangyari kanina sa clinic. Matapos 'nun ay parang walang kakaibang nangyari base sa kilos ni Lance.

How could he be so cool after that? Ni ako nga di pa din makarecover pero sya. No, scratch that. Malamang di naman big deal sa kanya yun. Sa dami ba naman ng babae na nahalikan n'ya. There's nothing special about it.

And I actually felt a slight pang on my chest upon thinking about that.

"You alright?" Napabalik ako sa wisyo sa biglaan nyang pagsasalita, tumango lang ako bilang sagot at binaling nalang ang paningin sa daan. That was my first freaking kiss, I just can't believe it.

"You know... I'm not sorry for that." Napatingin ako sa kanya at kita ko ang pagkamangha sa kanya at hindi rin nakaligtas sa akin ang mga patagong ngisi nya at nakagat ko ang labi.

"Sorry for what?" Nangunot ang noo ko.

"The kiss." Mas lalong lumaki ang kanina lang na tinatago nyang ngisi at uminit ang pisngi ko na gusto ko ng hawakan ang magkabila para lang uminit. No Chloe, just no. Wag ka magpadala. Paalala ko sa sarili ko.

It a weird thing that I can still taste his sweet lips. Damn it, Villafuerte! What was happening?

"M-Manahimik ka nalang." Umirap ako sa kawalan at narinig ko ang halakhak nya na nagpangilabot sa akin.

"Pero seryoso nga, girlfriend ko. Di ako magsosorry para roon. Bakit ako mag-so-sorry sa mga bagay na ginusto ko naman di ba?" Mahinang sabi nya at nahuli ko pa ang pagsulyap nya sa akin. Nakakainis lang, it was just pretend, okay? Just three months and everthing's done. Hindi ako mahuhulog.

"So, nandito na pala tayo." Ni Hindi ko napansin na nasa tapat na kami ng bahay dahil tulala lang ako madalas at hindi pinapatulan mga kabaliwan nya at kadaldalan nya habang nasa byahe kami.

"Ay, sige thanks, Lance and I'm sorry..." Mahinang sabi ko at kinapa ko ang ulo nya na may bukol. Bahagya naman syang napangiwi at marahang tinanggal ang kamay doon bago ngumiti sa akin pero bago pa man ako makalabas ay marahan nya kong hinila sa braso kaya napatingin ako sa kanya.

Malalalim na titig nanaman ang ibinigay nya sa akin at biglang bumaba ang tingin ko sa labi nya na binasa nya gamit ang dila.

"B-Bakit?" That's it! I'm stuttering again.

Nakatitig lang sya sakin at napakalapit ng mukha namin sa isa't-isa. Hindi naman katulad ng lapit sa clinic pero malapit parin kung tutuusin. Eto nanaman at hindi ko maipaliwanag ang dapat kong maramdaman.

Ngumiti sya sakin at biglang may kinuha sa backseat. Sinundan ko iyon ng tingin at nanlaki ang mata ko ng makitang isang malaking pumpon ng red roses yun.

"For you..." Nakangisi nyang inabot sa akin yun at kumindat pa, hindi naman ako nakapagreact habang nakatitig sa bulaklak.

"Sa akin?" Tanong ko at tinuro ko pa ang sarili ko. Tumango lang sya at halos mawala ako sa sarili dahil sa pagkakatitig nya sa akin. Nanginginig ang kamay ko ng kukunin ko na iyon kaya napahalakhak sya at inilayo sa akin ang bouquet.

"You're shaking!" Sabi nya at tumawa habang hawak pa rin nya ang bulaklak kaya napataas ang kilay ko.

"Anong nakakatawa?" Mataray kong sita. Kinakabahan na nga ako at nanginginig, sasabihin pa nya. Sino bang hindi mahihiya doon?

"You." Tumigil sya sa tawa at nilagay ang kamay sa chin nya nya na parang may iniisip at halos mapamura ako sa pagkakadepina ng panga nya.

Shit. Why so handsome? Why so manly? Why so charming? Why so attractive? Why so hot?

"You're checking me out." Anunsyo nya na parang sigurado sa sinasabi kaya umiling ako ng marahas at kinumpyansya ang sarili kong magtaray ulit kahit na hindi naman talaga yun ang gagawin ko.

"In your dreams! Akin na nga 'yang bulaklak!" Sabi ko at inagaw ito mula sa kanya pero hindi nya ako hinayaan at inilayo iyon sa akin.

"Ayoko nga!" Ngumisi sya.

"Akin na kasi!"

"Ayaw!" Nilabas nya pa ang dila nya at bumelat at bumuntong-hininga nalang ako at ipinaling ang ulo ko.

"Di h'wag!" Mariing sabi ko at napagdesisyunang lumabas nalang pero hinila nya lang ako pabalik at hinuli ang titig ko.

"Ito naman! Napakapikon. Joke lang, eh." Ngumuso sya and I found him super cute pero hindi ko ipinakita sa kanya na naa-attract ako sa itsura nya. I need to control myself.

"So, flowers for you, sweety..." Sumilay ang nahihiyang ngiti sa labi ko. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag binibigyan ng lalaki ang isang babae ng bulaklak? Bakit ang saya sa pakiramdam?

Inabot nya sakin pagkatapos ang bulaklak at inabot ko din kaagad pero hindi na ako nakapalag nang hawakan nya ang dalawang braso ko at walang pasabing sinakop ang labi ko at hinalikan ito.

I was stunned, halos tumigil sa pagkabog ang dibdib ko at nawala ata ako ng hininga ng bitiwan nya ang labi ko at nangingiting hinaplos iyon ng paulit-ulit.

"Just wanna taste it." Kumindat syang muli at kumislap ang mga mata nya. Walang pasabing lumabas sya sa side nya para pagbuksan ako ng pintuan. Wala sa sariling napalabas naman ako dahil sa hila nyang marahan palabas ng sasakyan.

"Good night, girlfriend. Dream of me." Humalik sya sa noo ko pero nakita ko ang pagkunot ng noo nya pagkatapos.

"Bakit?" I asked him pero umiling sya at nang sundan ko ang tingin nya ay nakita ko ang Ate ko na papalabas ng gate at nakatulala sa amin.

"Ate Rica!" I called her at kumaway, parang napilitang kumaway naman sya sa akin pabalik at napabaling ako kay Lance na tumikhim at napansin ko ang pag-abot nya sa kamay ko.

"Ate ko nga pala." Turo ko sa Ate ko at tinawag sya papalapit, she looks like she wants to runaway pero lumapit sya sa amin.

"Hi..." She greeted silently at napalabi ako. Nakita ko ang pagtango ni Lance at nginitian nya ako bago lumingon ulit sa kapatid ko.

"Nice meeting you," marahang sabi ni Lance at nakita ko ang paglunok nya. I tugged his polo at napatingin sya sa akin.

"You alright? Masakit ba ang ulo mo?" Umiling naman sya sa akin at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"I'm fine, I gotta go, sweety... Goodnight!" Hindi na ako nakasagot dahil sa bigla nalang syang bumalik sa kotse nya at wala pang isnag minuto ay nakita ko nalang na papalayo na ito.

Napatingin nalang ako sa bulaklak na hawak ko pabalik kay Ate na ngumiti sa akin.

"Boyfriend mo?" Tanong nya at gusto kong tumutol. Gusto ko sanang sabihin na kunwari lang but I know it will just sounds crazy. Kunwari tapos nahalikan na ako? Gosh, ano ba 'tong sumagi sa utak ko?

"Ah, oo..." Sagot ko nalang at napangiti ako ng maamoy ang mabangong bulaklak.

"Ganun ba?" Sabi nya at bumaba ang tingin sa hawak ko. "Naku, news ito kay Mama! Ma!" Biglang sigaw nya at nakita ko ang pagbalik ng sigla nya at nagtaka pa ako sa ginawa nya pero napangisi nalang din ako. Hinila na nya ako papasok at pinagsigawan sa kabahayan na lumandi na ako.



A Dare To Prepare (Published Under Bliss Books)Where stories live. Discover now