Wattpad Original
There are 12 more free parts

Chapter 2

186K 4.5K 249
                                    

Chapter 2

Relationship

"And this dare will lasts after three consecutive months." Napatigil ako at ganun din ang mga kaklase ko. Nagumpisa ang bulungan at reklamo nila at akmang magsasalita si Britney pero agad syang naunahan ni Mitch.

"Shut up, Britney! Sasali ka pa?! Makinig muna kasi kayo." Seryoso nyang sabi. Tumahimik din naman sila agad, ako naman ay nakikinig lang. Hindi rin mawala sa utak ko ang sinabi nya, pati na rin ang pagtitig sa akin ng makahulugan kani-kanina lang ay nasa utak ko pa rin.

"Okay, lilinawin ko, ah. First of all, I just want to apologize dahil may ganito nanaman akong kabaliwan, this dare has a purpose. This is for you to be responsible enough sa mga ginagawa n'yo. I guess alam nyo na ang mga nangyari sa nag-vandalism sa labas ng university, right? Nakick-out sila at marami pang ibang graduating students ang napaalis dito dahil sa mga immature na gawain." Malungkot syang ngumiti at sumandal sa may pader.

"So, please, bear with me." Wala silang nagawa kung hindi ang tumango kahit hindi sang-ayon. Napailing nalang ako at tinignan ang sapatos ko.

Nanghihinayang ako sa mga nakick-out. They just wasted their chance to finish their studies, sayang ang perang ipinang-aaral sa kanila ng magulang nila. Sayang ang tiwala na ibinigay sa kanila ng magulang nila, to think na graduating na sila katulad namin, sayang talaga.

"Lahat naman kayo matuto dito sa dare na 'to, eh." Dagdag nya at inabot ang bote sa lamesa na hawak nya.

"So, let's start!" Pinaikot na nya yung mga bote sa amin pero napansin kong may dalawa pa syang hawak na hindi nakalagay sa bottle, bakit kaya?

Sinabi naman nya na sabay-sabay na bubuksan yung papel, naubos na yung mga papel sa bottle at nagtaka ako nang ibigay sa akin ni Mitch yung isa sa hawak nyang papel at yung isa naman ay ibinigay nya sa kapatid na si Lance na natatawa sa speech ng kapatid niya.

"Okay, so it's done!" Pumalakpak sya at malapad na ngumiti.

"In the count of three sabay-sabay nyong bubuksan, okay? One... Two... Three!" Sabay-sabay din naman nilang binuksan yung mga papel at napansin kong napangiwi ang iba. Hindi ko binuksan ang akin dahil sa parang kinabahan ako. Mamaya nalang ko nalang siguro bubuksan.

Napabaling kami sa biglaang pagreact ni Britney sa likod. Tumili pa sya habang hawak yung papel.

"Over ka, ah. Ano bang nakuha mo?" tanong ni Mitch at kinuha ang papel na hawak ni Britney, pagkatapos basahin ay biglang napahagalpak ng tawa.

"Magme-maintain ka ng haba ng damo sa field? Isn't it cool?" sabi nya ng pang-asar at tumawa pa. Napangiti na rin naman ako at pinilit na h'wag matawa. Seriously? What kind of dare was that?

"Whatever! Sino bang bwisit ang kasama ko sa lintek na dare na 'to?!" Inis na sigaw ni Britney at inilibot ang tingin. Walang sumasagot sa amin nang maya-maya at naagaw ang atensyon naming sa nagsalita.

"A..ako po," Napatingin kaming lahat sa nagsalita, It's Johan. Iyong kaklase naming tahimik, minsan nga ay napagkakamalang bakla dahil sa sobrang tahimik. Madalang lang magsalita.

"I-ikaw?" Nauutal na tanong ni Britney na ipinagtaka ko. Is she stuttering?

Tumango nalang si Johan at tumungo ulit.

"Ano bang buhay 'to?!" biglang bulong naman ni Mika sa harap ko na narinig ko naman mula sa pwesto ko.

"Bessy, anong nabunot mo?" biglang tanong nya sakin at bakas ang iritasyon sa mukha.

"Ah, hindi ko alam." Nag-aalangan kong sagot at nagkibit-balikat.

"Di mo pa nabubuksan?" Tumango ako at tinitigan ang hawak kong nakabilot na papel.

"Ano bang sa'yo?" Tanong ko pabalik.

"Bwiset naman kasi! Ang dare ko, maglilinis ng classroom three times a week. Ang malas! Ano ako? Janitor?" Salubong ang kilay nya at napailing ako, malas nga.

Isa-isa nang nalaman ang mga dare nila at mga partner nila at ang partner ni Mika ay si Mike, na sa kamalas-malasan ay ex nya. Ang sisimple ng mga dare ng mga blockmates ko. Mga linis-linis lang, magiging student assistant, basta magiging responsible ka, baka ganun nga din ang dare ko. Medyo nakahinga ako ng maluwang.

Sana.

Kinuha ko ang papel ko at bubuksan na sana nang biglang lumitaw sa harap ko si Mitch na may sobrang tamis na ngiti sa labi habang papalapit sa akin.

"Hi, Chloe! Anong dare mo?" nakangiti nyang tanong.

"Hindi ko pa nabubuksan. Wait, babasahin ko na--" She suddenly cut me off.

"H'wag!" Putol nya sa sasabihin ko na ikinakunot ng noo ko. Tinignan ko sya na nagtataka at itinikom nalang ang bibig ko.

"Wait ha," Nakangiti nyang sabi at pinuntahan sa pwesto si Lance na kasalukuyang nakaub-ob sa lamesa. Sinipa nya ang upuan ni Lance kaya napabalikwas ito ng bangon at agad napaupo ng maayos.

"What?!" Inis nyang tanong sa kapatid nya.

"Nabasa mo na?!" nakataas-kilay na tanong ni Mitch sa kanya, nakahalukipkip pa ito sa harapan ng kapatid.

"Yung ano?!" Inis nyang sagot at napasulyap ako ng inginuso nya ang labi na mapula-pula.

"Yung sa papel!" naiiritang sabi nito nya.

"Malay." sagot ni Lance at ngumising nang-aasar.

"Hoy, Lance Cedrick! H'wag mo nga akong pinagloloko, Asan yung papel mo?!" tanong ni Mitch at inilahad ang kamay. Inabot naman nya yung papel kay Mitch at naub-ob ulit.

"Hoy! Huwag kang umob-ob! pagsinabi kong buksan mo, buksan mo, okay?" Tumango lang si Lance at bored na inabot ang papel. Bigla namang bumaling sa akin si Mitch at ngumiti ulit na parang nasolve ang problema nya.

"Pasensya ka na Chloe, ah. Pasaway kasi yang kapatid ko." Tumawa sya pagkasabi at nawe-weird-uhan man ay tumango at tipid na ngumiti.

"Okay, so in the count of three sabay niyong babasahin okay? One... Two... Three!" Dahan-dahan kong binuksan at binasa ko ang nasa papel at parang nagslow-motion ang mga bagay sa paligid ko. Muntik pa akong malaglag sa upuan ko at nakaawang lang ang labi ko.

Relationship with him.

"Anong..." My voice was almost a whisper ng sabihin ko iyon at hindi makapaniwalang napatingin sa kanila.

"What?!" Lance's violent and loud voice echoed the place at sabay kaming napatayo at napabaling kay Mitch na mukhang tanga na nakangisi sa amin.

"Ano 'to?!" Frustrated kong sabi at tinuro pa ang papel. Bumilis ang paghinga ko at umikot ang tyan ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Ano yan? Di nyo ba nababasa? Relationship with him and her, right? three month relationship nyo yan! So meaning, starting now, mag boyfriend-girlfriend na kayo!" Literal na nalaglag ang panga ko at kulang na lang himatayin sa mga oras na 'to.




A Dare To Prepare (Published Under Bliss Books)Where stories live. Discover now