Wattpad độc quyền
Còn 3 chương miễn phí

Chapter 11

122K 2.5K 102
                                    

Chapter 11

Cedrick

"Come on, let's have a date." Lumayo na sya sa akin pero hindi pa rin kumakalma ang puso ko.

"Ano?" I snapped at ngumiti sya sa akin pero hindi naman nawala ang tingin ko sa labi nya na may cut. Mukhang sariwa pa ang sugat at ayaw nyang sabihin sa akin kung anong nangyari.

"Date tayo, I won't accept no as an aswer. Tara!" Hinila nya ang kamay ko patayo at wala sa sariling napasunod ako, nanatili pa rin ang pagproseso sa utak ko ng mga sinabi nya at napakurap ng marealize ko ang ibig sabihin nya.

Date? Anong... Bakit may date?

Napapreno akong bigla sa paglalakad at napatigil din s'ya dahil sa hawak nga nya ang kamay ko.

"Why'd you stop?" Tanong n'ya.

"Anong date pinagsasabi mo dyan? Hoy, wala 'to sa dare ah! Tsaka.. sa loob lang yun ng campus, nasa labas na tayo kaya bakit.." Hindi nya ako pinatapos at halos kaladkadin na n'ya ako papunta sa kotse nya. Pinatunog n'ya ito at hinila ulit ako.

"Get in." Nakasimangot nyang sabi at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Ayoko. Bakit ako papasok? P-Pumayag ba akong makipag...makipagdate sa'yo?" Tinapangan ko ang boses ko at inayos ang malalaglag ko ng eyeglasses dahil sa pagkakahatak nya.

"Mga babae nga talaga. Pakipot, kainis!" Nag-iwas sya ng tingin at umiling at nagsalubong ang kilay ko.

"Tse! Pakipot pala ha?! Sige, magdate ka mag-isa mo, bwiset." Inirapan ko sya at akmang lalayo ng hawakan nya ang braso ko ng ginawa ko iyon.

"Magdedate tayo." Matigas nyang sabi at hinawakan ang braso ko para iharap ako sa kanya.

"Ayoko." Umiwas ako ng tingin dahil sa nakaramdam ako ng pagkailang.

"One..." Tinitigan nya ko pero hindi ako nagpatalo sa pagkailang at tinawanan ko s'ya.

"Two..." I mimicked, inaasar sya na mukha namang gumagana. Unti-unti ko na kasing nakikita na nagsasalubong ang perpekto nyang kilay and his well chiseled jaw clenched.

"Isa nalang Chloe, ah. Kapag naging tatlo 'to, sinasabi ko sa'yo, hahalikan kita." Banta nya at kaagad na uminit ang pisngi ko. The thought of his lips on mine sounds damn tempting and I shouldn't be thinking like this.

"Halikan mo mukha mo!" Nag-iwas ako ng tingin dahil sa kinakabahan ako dahil iba ang kabog ng dibdib ko ngayon. Ngumisi s'ya and held my chin. Kahit anong iwas ko ng tingin sa kanya ay natagpuan ko lang ang sarili kong nakatitig na rin sa mga mata nya at noong nakita n'ya ang pagtitig ko ay lalo syang ngumisi at umiling.

"Ayoko. Gusto ko mukha mo." Nakanguso nyang sabi at yun nalang ang panlalaki ng mata ko at hinanda ang kamay kong sapakin sya nang mahawakan nya agad ito at walang babalang ninakawan ako ng halik at nagmamadaling tumakbo habang natatawa sa tulala kong itsura.

"Cruz!" Patili kong sabi at hinabol sya, para kaming tangang paikot-ikot sa sasakyan nya at naghahabulan, hindi ko na rin nakontrol ang sarili ko, hindi dahil sa inis sa kanya kundi sa inis sa sarili ko. My heart shoudn't be beating like this. Hindi dapat ako natutuwa sa halik nya.

Parang bata lang kaming naghahabulan paikot sa kotse nya at hindi ko sya maabot-abot, masyado kasing mabilis tumakbo. Porke ang bias, nakakainis!

Hindi ako tumigil sa pagtakbo pero dahil sa hinapo akong bigla ay napatigil ako, medyo nahihirapan din akong huminga at doon lang bumalik sa utak ko ang sakit ko.

Nawala sa utak ko na may asthma ako at hindi dapat masyadong nagtatakbo.

Napahawak ako sa dibdib ko at pilit na humihinga ng maayos, medyo napaupo ako sa lapag dahil nahihirapan ako sa paghinga. Wala akong mahagilap na hangin kahit na anong pilit ko.

A Dare To Prepare (Published Under Bliss Books)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ