Wattpad Original
There is 1 more free part

Chapter 13

117K 2.5K 35
                                    

Chapter 13

I don't know how...

Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko habang nakatalukbong ang kumot sa katawan ko hanggang sa leeg. Naisip ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang linggo. Ang daming nagbago sa dalawang linggong nakalipas.

I was thinking if there's no such dare happened, what I was doing right now? Maybe I am probably reading a new book at hindi nag-iisip ng ganitong bagay. I am probably falling in love with a new fictional character pero sa ngayon ay hindi fictional ang naiisip ko, it's a true person this time at nakakapanibago.

That guy stole my first kiss, s'ya na rin ang una kong naging boyfriend ever, well, not technically but parang ganun na rin, kahit sabihin na nating pagpapanggap lang iyon.

Ipinikit ko nalang ang mata ko at bumuga ng hininga.

I am tempted to close my eyes and I did but it was suddenly cut off when I heard a soft knock from the door.

"Sino 'yan?" Pasigaw kong sabi habang nakahiga pa rin, nakasulyap sa pintuan. Nag-antay ako ng sagot pero wala akong natanggap at mas lumakas lang ang pagkatok sa pintuan.

I groaned at inabot ang eyeglasses ko bago tumayo at dumiretso sa pintuan.

Walang ngiting binuksan ko ang pintuan at natulos kaagad ako sa kinatatayuan ng makita si Cedrick na nakataas pa ang kamay sa ere na nasa aktong kakatok. Nanuyo ang lalamunan ko at kaagad na napaatras.

What the heck is this man doing here?

"A-Anong ginagawa mo rito?" Kumunot ang noo ko pero sinuklian nya lang ito ng mahinang pagtawa.

"Getting something from you..." Ngumisi sya pagkatapos at tinulak ang pintuan pabukas ng malaki at pumasok roon ng walang pasabi.

Kumabog ang dibdib ko ng makita ang ayos n'ya, nakaputing shirt sya at khaki pants, his hair was slightly disheveled na animo'y pinasadahan lang ng kamay at hindi inayos.

"Ano?" I composed myself pero nawala rin ito dahil sa pagkakabigla sa ginawa nya.

"This." He gave me peck on the lips at owtomatikong napahawak ako sa labi ko at nanlalaki ang matang tinignan sya.

"D-Did you just..." Bago ko pa madugtungan ang sasabihin ko ay kaagad syang lumapit sa akin at hinapit ang baywang ko, nakatulala lang ako hanggang sa naramdaman ko nalang na natakpan na ng labi nya ang labi ko.

Dahan-dahan syang umatras habang magkadikit pa ang labi naming at naramdaman ko ang pagtama ng likod ko sa dingding. Kumabog ang dibdib ko ng maramdaman ang paggalaw ng labi nya ng marahan sa labi ko pero hindi ako nakasagot. I don't know how... Shit!

Narinig ko ang pagtunog ng labi nya ng humiwalay s'ya sa akin at halos malunod ako sa lalim ng ginawa nyang pagtitig at seryosong nagsalita.

"Kiss me back, sweety..." Hinaplos nya ang pisngi ko at tinanggal ang salamin ko bago lumapat muli ang mga labi nya sa akin pero natulak ko sya at halos lumabas na ang puso ko mula sa dibdib.

"What..." He asked me, huskily, naghahabol sya ng hininga habang bumababang muli ang labi pero mabilis kong naipaling ang ulo kaya lumapat ito sa gilid ng labi ko. Nag-angat sya ng tingin at nakita ko ang pagtataka sa mga mata nya.

"I-I don't know how..." Hindi ko alam kung nasaan nanggaling ang boses ko ng sabihin ko iyon at nakita ko ang pag-angat ng labi n'ya, nagpipigil sya ng ngiti.

Muli n'yang hinaplos ang mukha ko, pabalik sa labi ko at sinalubong ako ng kanyang nang-aakit na mata.

"Follow my lead..." Malambing nyang sabi at nginitian ako bago inilapit ang labi sa akin. Mapanuya at mabagal ang nagging paghalik nya sa akin at hinahalina nya akong sundan ko ang paggalaw ng labi nya kaya wala sa sariling napapikit ako at sinundan ang galaw ng labi n'ya, kissing him back.

A Dare To Prepare (Published Under Bliss Books)Where stories live. Discover now