Chapter 1

43.9K 727 20
                                    



Chapter 1
Quins





"Anak dalian mo kanina pa nasa labas si Gideon" sigaw ni Beatrice na nanay nila Mandy.


Binilisan ni Mandya ang pag sisipilyo sa kanilang banyo.


Bat ba kasi ang aga nitong si Gideon ngayon? Pasado alas siete palang at alas otso pa ang simula ng klase nila.


"Mauna na po kami ma" paalma ko dito. Narining ko ding nag paalam na ang dalawa ko g kapatid.

Sasabay sila ngayon sa amin. Hindi sila naihatid ni papa ngayon sa eskwelahan nila dahil maaga itong umalis para sa trabaho.


"Goodmorning!" masiglang bati ni Gideon sa akin.

"Ang aga mo Gideon" sabi ko pag ka bukas ng pintuan ng back seat para pasakayin ang dalawa kong kapatid.

"Maaga kasi akong nagising ngayon eh"

Isinara ko ang pinto ng back seat at pumasok sa passenger seat ng kotse.


"Hi Kuya Gideon" kung masigla ang pag bati ni Gideon sa amin kanina mas masigla pa ang bati ni Ethan.


"Hi buddy. Musta tagal kong hindi naka punta sainyo ah." Sabi nito at nag simula ng mag drive.


"Ok lang kuya. Kuya kailan ka bibisita? Akala ko ba ay tuturuan mo pa ako g mag swimming?" Isanag buwan ng kinukulit ni Ethan si Gideon na turuan siyang lumangoy.


"Next week pupunta ako sa inyo. Isasama ko din sila Hunter at Serenity kung gusto nila" Mas lalong naging excited si Ethan ng madinig na isasama ni Gideon ang mga kapatid.


Napatingin ako sa read view mirror ng sasakyan para tignan si Charlotte. As usual naka head seat nanaman ito habang may pinapanood sa telepono. Sigurado siyang nanonood nanaman ito ng katatakutan.


Anim na taong gulang palang si Charlotte ay puro Horror movies na ang pinapanood nito.Pinag sasabihin din ito nila mama pero wala talagang hilig niya iyon. Mabuti nalang at kahit gaano ito ka adik sa panonood ay hindi siya nag papapabaya sa pag aaral.


Walang ibang ginawa si Ethan kung hindi kuliting ang Kuya Gideon nito hanggang sa makrating kami sa eskwelahan nila.





"Wag na wag kayong sasama kahit kanino.Intayin niyo si Dad dito ha" Pag papa alala ko sa dalawa. Tumango ang mga ito bago nag si takbuhan papasok sa kanilang paaralan.


"Na miss ko dito" sabi ni Gideon habang naka akbay sa akin at naka tingin sa dating naming eskwelahan kung saan nag aaral ang mga kapatid ko.


"Na miss? Alin yung pakikipag away mo? Ayun oh doon sa may likuran ng building ka laging nakikipag bugbugan" Inis na sabi ko habang nakaturo sa likod ng isa sa mga building.

Tumawa ito at nginudngod ang kamay niya sa mukha mo gamit ang kamay na naka akbay sa akin.


Inis ko namang tingal ang kamay nito at tinapunan ng masamang tingin. Hilig na hilig niya iyong gagawin sa akin.


"Tara na nga" pag aaya niya at bumalik na kami sa kotse niya.





"Kumain ka na ba?" Pag tanong niya habang nasa daan kami.

"Yes naka kain pa naman ako"

Tumango tango nalang ito habang nasa daan padin ang tingin.







"Omg ayan na si Gideon!"




"Si Gideon!"




"Ang gwapo gwapo mo talaga"




"Gideon pa kiss!"





Ayan ang ilan sa mga sigaw ng babae pag kababa namin ng kotse ni Gideon. Sanay na sanay na ako sa ganitong sitwasyon. Halos araw araw dinudumog ng mga babae si Gideon. Sikat siya dito sa University namin dahil isa siya sa basketball player at dahil nadin sa lagi nitong pakikipag basag ulo.


Nang makapasok kami sa classroom agad napunta sa amin ang tingin ng lahat. Lalo na ni Quins at tropa nito. Isa din sa mga ka away ni Gideon.


Si Quins ay matagal ng may gusto sa akin. Highschool palang ay kaklase na namin siya. Gusto akong ligawan nito noon pero pinigilan siya ni Gideon at sinabi bawal. Doon nag simula ang away ng dalawa.


"Tama na maupo ka na" Bulong ko kay Gideon nang makita kong masama ang titig niya kay Quins.


Hindi nagtagal at dumating na din ang professor namin at nag simula ang klase.






"Kita tayo mamayang lunch" Ani ni Gideon bago umiba ng daan. Hindi kasi kami pareho ng susunod na klase.

Habang nag lalakad ako papunta sa susunod ko classroom narinig kong may sumigaw ng pangalan ko.


"Mandy!"


Napapikit ako ng mata at napatigil sa pag lalakad ng mapag tanto kung kaninong boses iyon.



Kay Quins.



"Mandy kay Ms.Santos ba next class mo?" Idinilat ko ang mata ko at nakitang nasa harapan ko na si Quins at nasa likod niya ang mga ka tropa.


"Yes. Excuse me baka ma late pa ako" Akmang mag lalakad ako pa alis ng bigla nitong hawakan ang braso ko para patigilin.


"Sumabay ka na samin doon din ang klase namin" Nakangising ani nito.


"No thanks. Kaya kong mag lakad mag isa papunta doon" Inalis ko ang pag kakahawak nito sa braso ko at nilagpasan sila.


Nadinig ko pa ang pag tatawanan ng mga tropa nito dahil sa ginawa ko.


"Wala ka pala bro"



"Mahina ka bro. Wala ka talagang pag asa diyan kay Mandy"


"Manahimik kayo!" Yun nalang ang huling kong narinig sa pag uusapan nila hanggang sa makalayo ako at makarating sa klase.






It's Lunch time. Bumili kami ni Gideon ng pag kain sa cafeteria at naupo sa table na madalas naming upuan.Ayaw na ayaw ni Gideon na may ibang umuupo dito.


"Ginulo ka nanaman ba nila Quins?" tanong ni Gideon nang mag simula kaming kumain.


"Noong papunta akong classroom kanina hinarang nila ko sabay na daw kaming pumasok" tamad ko kwento dito. Halos araw araw namang nangyayari iyon. Araw araw akong kinukulit ni Quins.


"Tsk" yun nalang ang naisagot ni Gideon habang pailing iling.






FOLLOW,COMMENT&VOTE


FOLLOW,COMMENT&VOTE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
My Uncle's Daughter Where stories live. Discover now