Chapter 7

25K 582 110
                                    





Chapter 7
Grocery


It's been 1 month. Wala namang nag bago. Si Charlotte nakalipat na nang eskwelahan. Ang birthday ni Ethan ay sa isang linggo na at si Gideon? Ayun isang buwan na din kaming hindi masyadong nakakapag usap. Araw araw nitong kasama yung bruha niyang girlfriend. Lagi na din akong kay Papa nasabay papasok dahil hindi na ako sinusundo nito. Pag uwi naman ay sina sabay ako ni Quins.


"Anak ok lang ba talaga kayo ni Gideon? Halos isang buwan ka na niyang hindi hinahatid sundo yung Quins ang laging nag hahatid sayo" si mama

"Yes ma,Busy lang po yung sa girlfriend niya"

"Oh girlfriend? sino?" tanong ni mama habang kumukuha ng mga canned goods. Sinamahan ko kasi siyang mag grocery ngayon.

"Si Dennise ma"

"Dennise? Hindi bat yun yung nangiwan sa kaniya non?"

Tumango tango ako dito at tinulak ang cart namin papunta sa kabilang Aisle.

Pumunta ako sa mga Chocolate section para bumili para sa amin ng mga kapatid ko habang si mama ay pumunta sa meat section.

"Daniel ano ba" sabi ng isang pamilyar na boses habang tumawata. Tinulak ko ang cart papalapit kung saan ko narinig ang boses. Sa dulong Aisle.

"Come on babe wala namang makakakita"sabi ng boses ng isang lalaki.

Itinigil ko ang cart ko at sumilip sa dulong aisle.

Ang babae ay naka sandal sa isang shelf at ang lalaki ay nasa harapan nito at hinahalikan siya ng mariin. Nang una ay hindi ko pa sila mamukaan dahil pareho silang naka suot ng hoodie pero ng inilayo ng lalaki ang mukha niya sa babae ay nagulat ako kung sino iyon.


Si Dennise!


Sina sabi ko na eh bruha talaga to.

Hindi pa sila nakuntento sa pag hahalikan nila at si Dennise pa mismo ang humatak sa leeg nito para mag lapit ulit ang mga labi nila. Nakita ko namang dahan dahang pinapasok ng lalaki ang kamay niya sa loob ng skirt ni Dennise.

Dali dali kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko at patago itong pinicturan. Tsinempohan ko na mag kahiwalay ang mga labi nito para kita ang mukha ni Dennise.

Mukha namang nakahalata ang lalaki na may nanonood sa kanila dahil napalingon ito sa gawi ko buti nalang at mabilis akong nakapag tago sa kabilang aisle. Dali dali kong isinend kay Gideon ang picture at tsaka tinulak ang cart pabalik kung nasaan si Mama.

"Ikaw bata ka kung saan saan ka nag pupunta ang dami dami ko tuloy dala" pag susuway sa akin ni mama habang may mga dalang manok at karne.

"Sorry ma" sabi ko at tsaka kami nag ikot muli.

Nang mag babayad na kami sa cashier sakto naman at palabas nadin sila Dennise ng grocery store. Naka lingkis ito sa braso ng lalaki habang ang lalaki ay may hawak hawak na plastic bag.


Huling huli ka na Dennise.


Napa iling iling nalang ako at tsaka isa isang inilagay ang mga pinamili namin sa likod ng kotse.



Nang maka uwi kami sa bahay ay agad agad din akong umakyat ng kwarto dahil nakitang kong madaming missed call si Gideon.


"Mandy!" siga nito ng masagot ko sng tawag niya.


"Yes?" kalmado kong sabi.

"S-Si Dennise ba yon?" Kinakabahang tanong nito.

My Uncle's Daughter Where stories live. Discover now