Chapter 20

26.5K 540 69
                                    




Chapter 20
Dugo



Pag kauwing pag kauwi namin ng pilipinas ay dumaretsyo kami sa sariling bahay ni Gideon.

Sobrang laki ng bahay nito at tanging siya at mga maids lang ang naka tira doon.

"Baby bilisan mo" dinig kong sigaw ni Gideon sa labas ng kwarto.

"Wait patapos na" Sigaw ko pabalik habang nag lalagay ng blush on.

Papunta kami ngayon sa hospital para bisitahin si lolo. Ito ang pangalawang araw namin dito. Kahapon ay nag pahinga lang kami buong mag araw dito sa bahay.

"Ok i'm ready" sabi ko ng makalabas ng baniyo. Agad itong tumayo sa pag kakaupo sa dulo ng kama at lumapit sa akin.

"Baby hindi mo naman kailangan pang mag make up. Maganda ka na" nag lalambing pa itong yumakap at humalik.

"Ikaw ang galing galing mo talagang mambola" kinurot ko pa ang pisnge niya.

"Hindi bola yun ah, maganda ka talaga" nag nakaw pa ito ng mabilis pero mariing halik.

"Let's go puntahan na natin sila lolo"

Mag kahawak kamay kaming bumaba ng hagdan nakita naman naming nag lilinis nang bahay ang mga maids.

"Nay Alicia alis na ho kami,kayo na ho muna bahala dito"

"Osige hijo mag ingat kayo."

At tsaka kami tuluyang lumabas ni Gideon at sumakay sa kotse nito.







"Room 205 sir"

"Ok thank you" sabi no Gideon sa nurse at hinila ako papunta sa kwarto ni lolo.

"Apo" boses ni lola ang narinig namin ng makapasok kami sa kwarto. Agad akong lumapit at yumakap dito.

"Lola! Namiss po kita" hinaplos haplos naman niya ang likod ko.

"I miss you too apo...Ang lalaki niyo na" sabi niya habang nakatingin kay Gideon.

Lumapit naman din si Gideon at nag mano dito.

"Kamusta si lolo la?" tanong ko habang nakatingin kay lolo na natutulog.

"Sa ngayon ay maayos na ang lagay niya at nag papahinga nalang" iginaya kami ni lola papaupo sa mahabang sofa.

"Kamusta naman kayong dalawa? Nabalitaan ko sa mga magulang ninyo ang nangyari noon" nagulat ako sa sinabi ni lola.

"A-Alam niyo ho la?" nag tataka ding tanong ni Gideon.

"Oo. Pero wag kayong mag alala dahil ako...botong boto ako sainyo dalawa."

Agad kong sinugod ng mahigpit na yakap si lola.

"Thank you lola..."

"Wag kayong mag alala...matatangap din nila kayo ha?"

naramdaman ko ang pagka basa ng pisnge ko. Tumango tumango ako kay lola habang patuloy padin sa pag yakap.

Ilang oras kaming nag kwentuhan nila lola pero hindi gumising si lolo. Siguradong sobrang pagod nito kaya't hinayaan nalang naming mag pahinga.

"La sigurado ho ba kayong maiiwan kayo rito? pupwede naman ho namin kayo samahan ni Mandy dito" sabi ni Gideon kay lola. Nasa labas na kami ngayon ng kwarto ni lolo dahil gabi na din.

"Oo apo andyan naman yung katulong namin,sige na umuwi na kayo't alam kong may jetlag pa kayong dalawa ha"

"Babalik ho kami bukas. Mag ingat ho kayo" paalam ko at nag mano pa ulit kami ni Gideon bago tuluyang unalis ng hospital.









Ang buong akala ko'y pag tapos ng isang linggo ay uuwi na sila mama pero nakalipas na ang isa't kalahating buwan ay wala padin ang mga ito.

Hanggang ngayon ay hindi padin kami nag papakita kila Tita Akira at Tito Galen. Wala kaming ibang ginawa ni Gideon kung hindi mag trabaho at bisitahin sila lola.At syempre yung ano...basta alam niyo na yon.

"Baby nakita mo ba yung blue folder ko?" stress na tanong ni Gideon habang hinahalughog ang drawer ng opisina niya dito sa bahay.

Nakaupo ako ngayon sa table nito at nakaharap sa laptop habang siya'y nasa sofa nag tatrabaho.

"There" sagot ko sabay turo sa pinaka babang drawer.

"i'm sorry nag ligpit kasi ako kahapon kaya nabago ang pwesto" pag hingi ko ng paumanhin.Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa labi bago bumalik sa ginagawa niya.

Napatigil kaming pareho sa mga ginagawa namin ng may kumatok sa pintuan.

"Maam,sir? May nag hahanap ho sa inyo sa labas magulang daw ho ni maam Mandy" boses ng isa sa mga katulong.

Agad akong nakaramdan ng matinding kaba. Nag aalala akong tumingin kay Gideon. Agad itong tumayo at hinawakan ako sa kamay.

"It's ok. Kakausapin natin sila ha?" nangungusap ang mga mata nito. Tumango ako sa kaniya at mag kahawak kamay kaming lumabas ng opisina.

Nakita naming naka upo sina mama at dad sa salas. Papalapit palang kami ay iba na ang timpla ng mukha ni Dad.

"Ma,Dad" bati ko sa kanila ng makaupo kami sa harapan nila.

"Hindi na kami mag tatagal pa.Nandito kami para kuhanin ang anak namin" Daretsyong sabi ni Dad.

"Tito pasensya na ho. Nirerespeto ko ho kayo ni Tita pero kahit ho anong gawin niyo hinding hindi niyo na ho kami mapag hihiwalay ni Mandy"

"Gideon ibigay mo na ang anak namin kung ayaw mong mag kagulo pa tayo dito" mariing sabi ni Dad habang si mama ay pilit ako inilalayo kay Gideon.

"Ma,Dad please hayaan niyo na ho kami ni Gideon. Pasensya na ho pero hinding hindi ko na iiwanan ulit si Gideon. Tama na ang pitong taon niyo pag hihiwalay sa amin" pumatak na ang mga luha ko.

"Mandy ano bang hindi mo maintindihan sa hindi nga kayo pwede ni Gideon?" sagot ni mama.

"Ma ano rin ho bang hindi niyo maintindihan sa mahal ho namin ang isa't isa at masaya ako sa piling ni Gideon?" hindi ko na napigilan ang sarili kong sagutin si mama.

Natigilan si mama sa sinabi ko. Yayakap na sana ako kay Gideon nang may bigla akong naramdaman na likidong umagos sa hita ko. Napa baba ang tingin ko doon at nanlaki ang mata ko sa gulat.

Dugo

"Mandy!" sigaw ni mama na agad akong nilapitan para alalayan.

"G-Gideon..." nanghihina kong tawag sa kaniya pero bago ko pa siya malingon ay umikot ang paningin ko at unti unti iyong nag dilim. Naramdaman ko nalang ang pag bagsak ko sa bisig ni Gideon at narinig ang mga tawag nila sa akin bago tuluyang nawalan ng malay.






FOLLOW,COMMENT&VOTE

Epilogue next

Epilogue next

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
My Uncle's Daughter Where stories live. Discover now