Chapter 12

24.8K 520 53
                                    



Chapter 12
Oo



"Arghh ano ba wala padin ako regalo kay Gideon" napasabunot ako sa buhok ko habang upo sa dulo ng kama.

Papunta na kami sa Restaurant kung saan kami kakain para sa birthday ni Gideon pero hanggang ngayon ay wala padin akong maisip na regalo.

"Mandy bumaba ka na baka mag intay pa sila Akira" nadinig ko ang boses ni mama sa labas ng pintuan ko.

"Opo ma susunod na po"

Bahala na nga mamaya.

Tumayo ako sa kama at tsaka tumingin sa salamin. Inayos ko ang suot kong dress na medjo nagusot sa pag kakaupo ko at sinuklay ang buhok. Nag lagay lang din ako ng kaonting lipstick sa labi bago tuluyang bumaba.

Pag baba ko nakita kong sinusuklayan ni mama si Ethan at si dad at charlotte naman ay handa na.

"Let's go" aya ni dad ng matapos sila mama.

Sabay sabay kaming lumabas ng bahay at pumasok sa kotse. Si papa ang mag dadrive,si mama ay nasa passenger seat habang kaming tatlo ay nasa likod.

Siniguro ko muna ang mga seat belt ng mga kapatid ko bago nag lagay sa sarili at tsaka kami umalis.







"Happy birthday Gideon" bati ni mama kay Gideon at nakipag beso pa dito.

"Thank you tita" sagot niya at niyakap pa si mama

"Happy birthday" bati din ni papa at tsaka tinapik tapik ang likod nito.

Ako naman ay yumakap muna kila Tita Akira at Tito Galen. Kinamusta ko din sila Hayden at Serenity na naka upo na sa upuan bago ako lumapit kay Gideon.

"Happy birthday Gideon" ani ko at bigla naman akong niyakap ng mahigpit tsaka bumulong ng mahina sa tenga ko.

"Thank you baby" malambing niyang sagot.

Mag katabi kaming umupo ni Gideon sa table at tsaka nag simulang umorder ng pag kain.

"How's school?" tanong ni tito Galen habang naka tingin sa amin ni Gideon.

"Good"

"Ok naman po Tito"

Tumango tango lang si Tito sa amin at hindi nag tagal ay dumating na ang mga inorder namin.

Sobrang daming pag kain!

Nag nining ning nanaman ako mata ko sa dami ng pag kaing nakikita ko sa lamesa.

May inorder din silang cake para kay Gideon.

Kinantahan ng lahat ito bago tuluyang hinipan ang kandila at nag simulang mag kainan.








"Oh basta dyan lang kayo wag kayong lalayo" paalala ni tita Akira sa mga anak niya at kapatid ko. Nag paalam kasi ang mga ito nag mag lalaro daw dito sa Garden ng restaurant.Nag presinta naman kami ni Gideon na mag bantay sa mga ito.

"Kayo ng bahala sa kanila" sabi ni Tita habang nakatingin sa amin.

"Yes ma"

"Yes Tita"







"Ate doon lang po kami" turo ni Ethan sa may puno habang nilalagyan ko ng bimpo ang likod nito dahil siguradong pawisan nanaman to mamaya.

"Basta huwag lalayo.Mag laro lang kayo nila Serenity doon" paalala ko. Mabilis itong tumango at tsaka sila nag tatakbo. Nakita ko ding nakipag laro sa kanila sina Charlotte at Hayden.

Napatigil ako sa pag papanood sa kanila ng maramdaman kong umakbay sa akin si Gideon. Naka upo kami sa isang bakal na upuan sa likod ng restaurant.

"Gideon alisin mo nga yan baka makita pa tayo nila mama"

"Baby busy sila. Tsaka wala namang tao" pinulupot nito ang mga kamay sa bewang ko at ipinatong ang baba niya sa balikat ko kaya nag mumukang naka yakap siya sa akin mula sa likod.

Nilingon ko naman siya kaya mag kalapit na ang mga mukha namin.

"I'm sorry wala akong nabiling regalo" nahihiya ko sabi sakaniya.

"It's ok baby. Hindi ko naman kailangan ng regalo. Ikaw lang sapat na" nang aasar pa itong ngumiti sa akin.

"kaya...." sabi ko at tsaka inilapit ang bibig sa tenga niya at bumulong doon.

"Yung oo ko nalang" nangingiti kong bulong sa kaniya na nakapag pa bato naman dito. Nawala ang mga mapang asar na ngiti nito at hindi makapaniwalng tumingin sa akin.

"W-What did you say?" naguguluhan niyang tanong.

"Ayoko na hindi ko na uulitin" nahihiya na kasi akong ulitin pa ang sinabi ko.

"Baby please ano yung sinabi mo?" malaki ang ngiti sa mga labu nito.

Itinaas ko ang kamay ko para haplosin ang pisnge niya habang nakatitig sa mga mata nito.

"Ang sabi ko tayo na" mahina kong sabi dahil medjo nahihiya padin ako.

Bigla niyang kinabig ang leeg ko at tsaka ako hinalikan. Hindi ko na rin napigilan at humalik ako pabalik.

Tumagal iyong ng isang minuto bago kami tuluyang mag hiwalay sa isa't isa.

"I love you baby. I love you" sabi niya sa akin habang mag kadikit ang mga noo namin.

"I love you too"

Ako na mismo ang nag lapit ng mukha ko sa kaniya at hinalikan sa mga labi pero hindi pa iyon nag tatagal ng ilang segundo ay may narinig ako boses na tumawag sa akin.


"Ate?"






FOLLOW,COMMENT&VOTE

FOLLOW,COMMENT&VOTE

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.
My Uncle's Daughter Where stories live. Discover now