Chapter 6

25K 608 40
                                    




Chapter 6
Date?



"Dahan dahan naman Mandy baka
mabulunan ka diyan" saway ni Quins kay Mandy na kumakain.


"Sorry naman gutom lang talaga ko" Sagot niya dito.

Nandito sila ngayon sa mall at kumakain sa isang mamahalin na restaurant.


"May klase ka pa ba pag tapos nito?"

"Yup isa nalang pero 1:30pm pa naman" Sagot ko dito.

"Hmm Mandy pwede ba kitang ihatid?" mahinang tanong ni Quins sa akin.

"Hatid?"


"Yeah pauwi. Pwede ba? Iintayin kita hanggang sa matapos klase mo"

"Bakit may klase ka pa rin ba pag tapos nito?"

"No wala na"

"Yun naman pala eh wag na mag aantay ka pa" Ani ko dito at pinag patuloy ang pag subo ng kanin. Ayokong mag hintay siya ng matagal noh.


"No it's ok aantayin kita. Gusto kitang ihatid" pangungulit nito.


"Fine bahala ka matagal kang mag hihintay"

"Matagal na talaga kitang inaantay Mandy" bulong ni Quins pero hindi nading ng dalaga.

"Ha? Ano yon?"

"Wala sabi ko kumain ka pa" sabi nito sa dalaga at binigyan pa ng extra rice.





"Waiter bill" tawag ko sa isang wait at sinensyasan pa ito.

Agad din itong lumapit sa amin at akmang aabutin ko na para tignan nang bigla itong hinablot ni Quins.


"Quins mag kano?" tanong ko at sabay labas ng wallet.


"No it's on me ako ng bahala." sagot niya sabay patong ng card at binalik sa waiter na ikinalaki ng mata ko.

"Hoy! Hoy hindi ah mag babayad ako. Mag kano yung nakain ko? ang dami kaya non"sabay abot sa kaniya ng isang libo.

"Mandy it's fine,Wala yon" umiling siya at itinutulak ang kamay ko pabalik.

"Quins naman eh...hindi na ako sasama ulit kumain sayo"

Bigla namang kinabahan ang itsura ni Quins.

"H-Ha? Mandy wag naman ganon. Ayoko lang pag bayadin ka.It's our first date."

Ano daw?


First date?


Sinong nag sabing date to?



"Date? Hindi to date noh sumama lang akong kumain sayo" sabi ko habang binabalik ang wallet sa bag ko.

"For you it's not a date pero sakin...date to"

"Ewan ko sayo bahala ka kung anong gusto mong isipin. Tara na malapit na mag simula ang klase ko." dumating na kasi ang waiter at ibinalik kay Quins ang card nito.





Hinatid pa ako nito hanggang sa susunod ko klase.

"Quins pwede ka na talagang umuwi ok lang. Mamaya pa ang tapos nitong klase ko"

"Mandy ok nga lang tsaka nandyan naman yung mga tropa ko"


Mukang wala na talaga akong magagawa. Ayoko sana siyang pag hintayin pero makulit eh.


"Ok sige see you later"

"See you" sagot pa niya at tsaka nag lakad papaalis.








"Class Dismissed"

Dali dali akong tumayo at nauna ng lumabas ng klase dahil alas kwatro na nang hapon at dalawang oras na ding nag aantay si Quins.

Natagpuan ko ang mga ito sa harap ng gate ng university at nakikipag kwentuhan sa mga tropa niya.

"Oh ayan na pala si Mandy mo eh" pang aasar pa ng kaibigan niya ng makalapit ako na ikina ngisi naman ni Quins.

"Tarantado mag si uwi na nga kayo" nag tawanan lang ang mga ito at tsaka isa isang nag paalam at nauna ng lumabas.

"Ok ka na? Let's go?"

"Yup"






"Thank you Quins ha" sabi ko ng makababa ako ng kotse niya.

"No problem Mandy. Anytime." Sabay ngiti niya ng malaki sa akin "Sana hindi pa to huli"

"Oo naman" nginitian ko din to bago nag paalam at pumasok sa bahay.

Nakita ko si Ethan na nag lalaro ng kotse kotsehan sa sala at si Charlotte na kumakin ng cake habang nanonood.

Si mama at papa naman ay nasa kusina at nag uusap.


"Ma,Pa" tawag ko sa kanila kaya napalingon ito sa akin.

"Oh anak nakauwi ka na pala. May cake diyan sa lamesa kumain ka na" sabi ni papa at hinalikan ako sa noo.

"Pa,paano na po yung school ni Charlotte?"

"Anak wag mo ng isipin yon,na ayos na namin ng mama iyon. Doon na siya mag aaral sa pinapasukan ng mga anak ni kuya" sagot ni papa habang naka yakap sa bewang ni mama.

Si Papa talaga feeling bata minsan. Well mas bata naman talaga siya kay mama. Ang kwento nila noon isa daw si mama sa Professor ni papa noon. Limang taon din ang tanda ni mama sa kaniya.

"Hay nako si papa feeling teenager ang tanda tanda na naman"

"Hoy sinong matanda ha? Hindi pa ako matanda Mandy ha" reklamo ni papa at unti unting lumalakad papalapit sa akin.


alam ko na to...


1



2



3



Takbo!



"Mandy! Bumalik ka dito!" Sigaw ni papa ng tumakbo ako paitas dahil alam kong kikilitiin ako nito at hindi niya ako titigilan hanggang sa sumakit ang tyan ko.

Narinig ko pa ang pag tawa ni mama at mga kapatid ko dahil sa inasta ni papa.








FOLLOW,COMMENT&VOTE

FOLLOW,COMMENT&VOTE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
My Uncle's Daughter Where stories live. Discover now