Nakakapanibagong isipin na parang unang araw siyang titira sa bahay nila when in fact he's been living there for two years. Pero ng dahil sa kanyang makasalanang sarili ay nagawa niyang maging awkward ang lahat. Hindi niya alam kung paano umasta na parang walang nagbago sa samahan nila ng asawa. Paano niya ipapakita sa mga bata na maayos pa rin sila ng mama ng mga ito?
Buong maghapon silang naglaro ng mga bata kasama si Kristinne. For a moment, it was like the past five months never happened. Parang pansamantala ay nakalimutan nila na may problema pala sila. Naramdaman niya ang saya sa piling ng pamilya. Every time na nilalambing siya ng mga bata at nakangiti silang pinagmamasdan ni Kristinne ay nababalik siya sa masasayang panahon na magkasama sila ng mag-anak. At sa bawat ganoong pagkakataon ay napapaisip siya kung nagpadalos-dalos ba siya. Parang noon niya lang na-realize kung ano ang mawawala sa kanya. A loving wife and two beautiful kids for one tempting mistress. What an ass he was.
"P-papa, thtowy?" halos pabulong na tanong ni Pepper habang nakatingala sa kanya na para bang nahihiya.
"Yeth! Thtory!" masayang pagsegunda naman ng kambal nitong si Mint.
Nasa kwarto siya ng mga bata at pinapatulog na ang mga ito matapos ang evening rituals. Ibinaling niya ang tingin sa anak na babae. Mukhang nahihiya pa itong magtanong. For the past five months kasi, kapag natapos na sa kanilang mga rituals ang mga anak ay basta na lang niyang iniiwan ang mga ito sa kwarto para matulog na. Taliwas kay Mint, Pepper had always been quiet and shy. Gusto niyang bugbugin ang sarili kasi mas inuna pa niya ang makamundong pangangailangan kaysa sa mga anak who must've really needed him lalo pa at wala sa tabi ng mga ito ang ina. Kaya gayon na lang siguro ang pag-asta ng anak toward him.
Natagalan yata siya sa pagsagot dahil nakita na lang niyang nanunubig na ang mga mata ni Pepper at kumibot-kibot pa ang mga labi na parang naiiyak na.
"B-baby-" tangka niyang pag-alo rito.
"Mama will tell you a story, baby," salo ni Kristinne na naupo din sa kama. Inabot nito si Pepper at niyakap, "Okay lang ba sayo?"
Tiningala ng bata ang ina at tumango pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa leeg nito.
"Mama!" always a happy child, dinamba ni Mint ang ina at niyakap din ito sa leeg.
Pakiramdam niya ay parang na-out of place siya habang nakatingin sa mag-iina. Parang may sarili silang mundo na hindi siya kasali. And he felt that void in his heart as he watched them hug each other, umaamot ng lakas sa bawat isa.
Nakatalikod ang mga bata sa kanya kaya si Kristinne ang kaharap niya. Nang dumilat ito ay tinapunan siya ng isang nasusuklam na tingin.
MATAPOS ANG dalawang kwento ay mahimbing nang nakatulog ang kambal. Dumiretso si Kristinne sa kusina at sumunod naman sa kanya si Lawrence. Doon na niya inilabas ang hinanakit dito.
"Lawrence, before you do anything na makaka-upset sa mga bata, sabihan mo muna ako. Hindi 'yong bigla-bigla mo na lang paiiyakin ang mga anak ko. Mint may be a cheerful child at mahirap hanapan ng bagay na makakapagpalungkot dito but you know very well that Pepper is another matter." Aniya.
Kumunot ang noo nito, "Anong ibig mong sabihin? What brought this on?"
"Hindi ba't naglambing ang bata ng kwento? Kung ayaw mong pagbigyan ang anak mo, huwag mo naman sanang sobrang ipahalata. Bata lang siya at walang kamuwang-muwang na may iba nang pinapaboran ang ama kaysa sa kanya,"
"I - I didn't mean to do that-,"
"Save it. I don't need your explanation. Ang gusto ko lang ay ang umayos ka kapag kaharap mo ang mga bata, that's all," saway niya rito bago kumuha ng pinggan at mga kubyertos.
BINABASA MO ANG
The Shattered Vow
General FictionKristinne thought everything was perfect in her world. She had a loving husband and two sweet children. She had been a loving wife and mother and thought that those were the perfect ingredients to create her perfect home. But fate decided to interfe...