Chapter Eighteen

8.8K 224 36
                                    

Hey, guys! This here's just gonna be a short update. I planned this chapter to contain four scenes kaso lang medyo busy ang lola niyo kaya isang scene pa ang natapos ko. Aside kasi sa day job ko, may sideline job din ako on my days off. Hindi pa ako nakaka-ungos sa scene two. Hehehe . . . Gusto ko sanang tapusin muna ang apat na scenes but you wanted an update, 'tas gusto ko na rin namang mag-update, eh. Matagal-tagal na rin kasi since my last update.

So isang scene lang muna, guys, ha? Hopefully, I can finish the remaining three scenes. Isang favor lang, guys, please? Comments naman, oh? Thank you! I lav ya! Hehehe . . .

- - - - - - - - U N E D I T E D

Ang tahimik sa loob ng sasakyan. Lima ang tao sa loob pero parang simbahan sa katahimikan. Si Dana at ang mga bata ay nasa likod. Si Kristinne naman ay nasa tabi niya sa harapan habang siya ang nasa driver's seat. Pauwi na sila mula sa resort.

Gusto pa sana ng kambal na magtagal doon pero nang sabihin nilang kailangan na nilang umuwi para makapagpahinga ang ina ay agad na pumayag ang mga ito. Tumulong pa nga ang mga bata na magligpit ng mga gamit nila.

Napangiti siya nang maalala ang ginawa nilang pagliligpit ng mga gamit. Si Kristinne at Dana ang nag-asikaso ng mga pagkain na dadalhin nila habang nasa biyahe sila. Para kung baka sakali daw na gutumin ang mga bata ay may maipapakain sila sa mga ito. Siya naman ay nagpresinta na magligpit ng mga damit. Hindi pa nga siya pinayagan ni Dana. Ito na lang daw ang bahala doon pagkatapos niyang tulungan si Kristinne. Pero nag-insist siya kaya pumayag na rin ito.

Habang nagliligpit siya ng mga damit doon sa kwarto ay pumasok sina Pepper at Mint. Pinagmasdan siya ng dalawa ng ilang segundo bago lumapit sa kanya.

"We hewp, Papa?" ani Pepper.

Napangiti siya, "Sure, baby. Why not? All you have to do is put those things in this bag, okay?" sabi niya at itinuro ang mga gamit na nakakalat sa kama. Ang extra bag na dala nila ay inilapag naman niya sa sahig para doon ilagay ng mga anak ang maililigpit ng mga ito.

"Okay!" sabay na sagot ng dalawa at agad na umabot ng mga gamit na kaya nilang abutin mula sa kama. Nagmistulang maliliit na helpers ni Lawrence ang mga anak. Salit-salitan ang mga ito sa pagkuha ng gamit sa kama at basta-basta na lang inilalagay sa bag. Hinayaan na lang niya kahit pa hindi maayos ang pagkakaligpit. Mga damit lang din naman iyon, eh. Lalo pa at mukhang naaaliw ang mga anak sa ginagawa.

Siya naman ay pumasok sa banyo para imisin ang toiletries na dala nila. Saglit lang 'yon pero pagbalik niya sa kwarto ay nagulat na lang siyang makita na pilit ipinapasok ng mga anak ang isang malaking unan sa bag na mukhang naguumapaw na sa mga gamit. Sigurado si Lawrence na wala silang dinalang mga unan mula sa bahay. Kung meron man ay yung mga throw pillows na nasa loob ng sasakyan nila.

Nilapitan niya ang mga anak, "Pepper, Mint, bakit niyo inilalagay ang pillow sa bag?"

"Kathi thabi mo, Papa, put the thingth in the bag. Diba?" sagot ni Pepper habang nakaturo sa kama.

Mukhang literal naman ang pagkakaintindi ng mga anak sa kanyang sinabi. Iniligpit nga ng mga ito ang mga gamit na nasa ibabaw ng kama pati na iyong mga gamit na pagmamay-ari ng resort katulad nga ng unan na 'yon.

Hindi niya maiwasang mapangiti sa alaalang iyon. Sinabihan na lang niya ang mga ito na ang mga gamit lang nila dapat ang ilagay sa bag. Na hindi sila dapat magdala ng gamit na hindi sa kanila palabas ng resort na iyon. Nag-okay lang ang mga ito at inilabas mula sa bag ang unan. But his smile slowly faded when he was brought back to reality.

The Shattered Vow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon