NAKATUNGHAY LANG si Lawrence sa asawa na wala pa ring malay at nakahiga na sa kama. Nakatulog na ang mga bata matapos niyang pinayapa ang mga ito. Kahit na nangangamba pa rin siya ay nagpapasalamat na lang din si Lawrence na tinanggap ng mga anak ang sagot niyang napagod lang ang ina ng mga ito.
Nang nakapasok na sila sa cottage mula sa tabing dagat ay agad niyang pinatawag si Dana ng doktor. Ang sabi ng doktor na tumingin kay Kristinne ay mukhang napagod lang daw ito. Overfatigue. So far, wala naman itong ibang abnormal na napansin dito. Pero para makasiguro daw, pwede silang magpunta sa hospital para ma-thoroughly check up si Kristinne.
Tinanguan na lang niya ito at sinabihan na iyon ang gagawin nila once she gains consciousness. Pero nakaalis na't lahat ang doktor ay nanatili pa ring walang malay ang asawa. Maputla pa rin ito at nag-aalala na siya kasi hindi pa ito nakakapaghapunan.
Lumapit siya sa kama, umupo sa gilid, at pinagmasdan ito. Ginagap niya ang kamay nito at itinaas iyon para kintalan ng mumunting halik. Hindi man lang ito natinag sa ginawa niya.
"Ano ba ang nangyari, Tinne? Dahil ba hindi mo na nakayanan ang lahat ng nangyayari sa 'tin?" inilapat niya ang kamay nito sa kanyang pisngi, pumikit, at dinama ang pagkakadikit ng kamay nito sa kanyang balat.
Nang magmulat siya ay agad na dito nakatuon ang kanyang mga mata. Even in slumber, she looked troubled. Hind ito payapa kung pagmamasdan. And it bothered him so that she was so pale and looked to be in some kind of physical pain.
Umusod siya palapit at hinaplos ang pisngi nito.
"No matter how many times I'd ask for your forgiveness, it will never be enough. The hurt I've caused you is too much. I was so selfish. I'm a tool. I don't deserve you. Tama ka, what's done couldn't be undone. At walang ibang dapat sisihin kundi ako lang. isa akong hangal para makalimutan ka ng kahit isang saglit, Tinne. Nag-nagsisisi na ako . . . but what good would that do?"
Hindi siya agad nakapagpatuloy as he was overcome by emotions. Masagana ang pagdaloy ng kanyang mga luha, "A-ako man ay hindi mapapatawad ang sarili sa nagawa ko sa iyo. I-I'm sorry. I'm sorry. G-gusto kong magmakaawa sa iyo. Gusto kong hindi na ituloy ang annulment, p-pero-pero hindi ko alam kung kaya mo pa akong tanggapin."
This time, bumaba siya sa kama at lumuhod sa tabi niyon para makapantay niya ang mukha nito. Hawak pa rin siya ang kamay nito. Hinaplos ng kabila niyang kamay ang pisngi nito.
"I-I love you, Kristinne. I do. And I'm sorry. I'm a jerk, an asshole, a fucking bastard," ang pagtangis niya.
Wala na siyang pakialam kung nag-iiyak siya sa tabi ng asawa. He somehow felt like pouring his heart out. Tawagin na siyang duwag pero malakas ang loob niyang ilabasa ang lahat ng nakapagbibigat ng kanyang kalooban habang walang malay pa si Kristinne. Umiiyak na inilapit niya ang mukha sa mukha nito. Hinayaan na niya ang mga luha na maglandas sa kanyang mga pisngi.
"I know I don't deserve everything you're doing to fix our dysfunctional family, Tinne. Pero-pero hayaan mo na muna akong makasama ka ng ganito. Hayaan mo na muna akong makalapit sa iyo ng ganito. Alam kong hindi na ako ulit mabibigyan ng pagkakataong tulad nito," kinintalan niyang muli ng halik ang kamay nitong hawak niya. "Kaya hayaan mo muna akong makapiling ka ng ganito."
Umangat sa ulo nito ang kanyang kamay at ang buhok naman nito ang hinaplos niya. Sasamantalahin na niya ang pagkakataong iyon. Unti-unti niyang inilapit ang mukha at pinagmasdan ang magandang mukha ng asawa.
Ito ang iiwanan mo, Lawrence. And only a fool would do that!
"I love you, Kristinne. I will try to make things right. I have to, no matter the consequence," aniya at hindi na tinikis ang sarili. Dahan-dahan niyang inilapat ang mag labi sa mga labi nito. Of course there was no response from her, but it was enough.
YOU ARE READING
The Shattered Vow
General FictionKristinne thought everything was perfect in her world. She had a loving husband and two sweet children. She had been a loving wife and mother and thought that those were the perfect ingredients to create her perfect home. But fate decided to interfe...