"Anu, Ate?! Nangabit si Kuya?! Kagwapa mu, nangabit pa jud siya?! Kang Kuren pa jud?! [Ano, Ate?! May kabit si Kuya?! Sa ganda mong 'yan ay nangabit pa talaga si Kuya?! Kay Corinne pa talaga?!]"
Sinolo niya si Dana para sabihin dito ang kasalukuyang sitwasyon. Kasama ni Lawrence ang mga bata sa pool area para mabigyan sila ng privacy ng kasambahay. Nasabi na niya rito ang current status nila ng asawa. At ito na nga ang naging reaksyon ng dalaga. Mabuti na lang at nasa kwarto sila ng kambal, malayo at hindi maririnig mula sa baba.
Napahagulhol ito na tila ito ang naagrabyado. May bahid ng pait ang ngiti niya. Na-realize niya na marami ang nagmamahal sa kanya at ng kanyang mga anak. Kaya kahit masakit man ang magiging paghihiwalay nila ni Lawrence ay may pupuno naman sa kakulangang iiwan nito.
"Kaya ba aku pinagbakasyun ni Kuya, Ate para dili ku malaman ang ginawa niya mintras naa ka sa Amerika?" tanong nito habang malayang namamalisbis ang mga luha nito sa pisngi.
"Hindi ko masasabi kung 'yon ba talaga ang dahilan kung bakit ka niya pinauwi. Ang importante sa akin ngayon ay ang kooperasyon mo sa pagpapaintindi namin sa mga bata sa paghihiwalay naming dalawa-"
"Mag-buwag mo, Ate?! Pisti man ni si Kuya, oi! Nganong nangabit paman jud siya ni Kuren na kagwapa na ug kabuotan nimo?! Unsa may iyang nakita atong Kuren na pagkamaldita naman lang jud ato niya! Plastic! Bigaon! Bits! Abi ku ug maayong tao si Kuya. Bigaon sad di-ay! Ate! Ang mga bata! Paanu na lang sila? Kaluoy nilang Pipper ug Ment, dili paman intawn to sila makasabot! [Maghihiwalay kayo, Ate?! Pisti talaga itong si Kuya! Bakit pa siya nangabit kay Corinne sa ganda at kabaitan mong yan. Ano ba ang nakita niya sa Corinne na 'yon na napaka-maldita non! Plastic! Malandi! Bitch! Akala ko mabuting tao si Kuya. Malandi rin pala! Ate! Ang mga bata! Paano na lang sila? Kawawa naman sila ni Pepper at Mint, hindi pa maiintindihan ng mga 'yon ang lahat!]" hagulhol nito.
Kahit isang sentence lang ang naintindiha n ni Kristinne sa outburst ni Dana ay naramdaman pa rin niya ang sinseridad nito. Totoo ang ipinapakita nitong pighati para sa kanya at sa mga anak niya.
"Gustuhin ko mang ma-iba ang sitwasyon, Dana ay hindi na mababago ang lahat ng nangyari. Mananatili ang katotohanang iyon. Ang pakiusap ko lang sana ay pakitunguhan mo lang ng maayos si Lawrence. The children adore you and they look up to you. They even imitate you at times. Kaya sana mag-iingat ka sa harap nila, okay? Ayokong pumangit ang pakikitungo ng mga bata sa ama nila. Gusto kong hindi magkaroon ng lamat ang relasyon ng mag-aama kahit na hiwalay na kami ni Lawrence." mahinahon niyang paliwanag dito.
Sandaling nakatitig lang ito sa kanya, tumutulo pa rin ang mga luha.
"Bakit ka ganyan, Ate? Ka-bait-bait mo. Gina-isip mo pa rin ang rilasyon ni Kuya ug sa mga bata. Kung aku sa imu, gina-putol ku na ang uten ni Kuya. Tapos paga-sagpa-sagpa-on [pagsasampal-sampalin] ku na si Kuren."
Malungkot ang naging ngiti niya rito, "Maraming salamat, Dana. Maraming salamat sa ibinibigay mong pagmamahal para sa aminng mga bata. Salamat."
Tinanggap niya lang ang yakap na iginawad ng dalaga sa kanya.
"Basta, Ate, andito lang aku. Anditu lang aku para sa inyu sa mga bata. Don wori, hindi aku magmaldita kang Kuya. Pero dili lang ku mag-pramis, Ate, ha? Pero sila Ma'am ug Sir, Ate? Alam na ba nila?" tanong nito na ang tinutukoy ay ang mga magulang niya.
Napabuga siya ng malalim na hininga, "Hindi pa nila alam. Ang mga bata muna ang sasabihan namin bago ako aamin kina mama. Hindi pa ako handang harapin ang mga magulang ko. Lalo pa at ang babaeng kapalit ko sa puso ni Lawrence ay mismong pamangkin nila."
BINABASA MO ANG
The Shattered Vow
General FictionKristinne thought everything was perfect in her world. She had a loving husband and two sweet children. She had been a loving wife and mother and thought that those were the perfect ingredients to create her perfect home. But fate decided to interfe...