Chapter Twenty-Two

10.3K 228 30
                                    

Hi, guys! Hiatus muna tayo sa iyakan for this chapter. I just felt like doing a chapter with the Bisaya cousins and the twins. Hehehe.

≧ω≦

- - - - - - - - - - -

U N E D I T E D

- - - - - - - - - - - -

"O, kayo na muna ni Dana ang bahala dito sa bahay, ha? Kailangan na naming bumalik ni Joana sa ospital at baka may resulta na ang mga laboratories ni Ate Kristinne niyo. Dahil bawal pa silang dalhin kaya dito na muna ang mga bata. Alagaan niyong mabuti ang kambal, ha?" pagpapaalala ng among si Devlin kay Vanessa.

Patapos na silang magtanghalian ng dumating ito. Umuwi lamang ito para kumuha ng mga gamit para sa mag-ina nito. Kasama nitong babalik ang pamangking si Joana. Ang amo namang si Kief ay hindi mahagilap sa kasalukuyan kaya sila na muna ng pinsan niyang si Dana ang maiiwan sa bahay kasama ang kambal.

Palabas na ito para doon na lang hintayin si Joana sa sasakayan. Iniiwasan ng amo na makita ito ng mga bata at baka umungot ang mga iyon na sumama at magiiyak na naman. Sa ngayon ay nasa kwarto ang mga ito at pinapatulog ni Dana.

"Vanessa," untag nito sa kanya.

"Ah! Sigi-sigi, ser! Kami na ni Dana dinhi [dito]," sagot niya.

"Okay, good,"

Akma na itong lalabas nang biglang nagtatatakbo patungo rito si Mint. Mukhang nakalabas ang bata at 'di yata namalayan ni Dana.

"Yoyo!" tawag nito at inangat ang mga kamay na animo ay magpapakarga at agad naman itong kinarga ng matanda. "Than ka punta?"

"Lolo's going back to the hospital to Lola and your Mama,"

"Thama Mint, Yoyo. Pweathe?"

"Me too, Yoyo! Me too!"

Napalingon sila sa boses ni Pepper sa likod nila. Karga-karga ito ni Joana at nakasunod naman si Dana. Pupungas-pungas pa ang bata. Halatang nakatulog na ito at naalimpungatan lang. Ibinalik nito ang atensyon kay Mint ng hawakan ng bata ang magkabilang pisngi ng matanda.

"Thama kami Peppew, Yoyo, ha?"

"I can't take you with me, baby. Bawal kayo doon ni Pepper, eh."

"Why?" ani Mint.

Binalingan ni Pepper ang tiyahin at nangunyapit sa leeg nito at bumulong, "Thama, Mint at Peppew, Tita, pweathe?"

Ka-cute jud aning mga bataa oi! Murag mga i-stap toys, lami kaayo pang-gakson! [Ang cute talaga ng mga batang ito! Parang mga stuffed toys, ang sarap yakapin!] ang nanggigigil na naisip ni Vanessa habang pinagmasdan ang tiyahin ng bata na hagkan ito sa bumbunan. Bahagyang nainggit ang katulong.

"Oh, baby, bawal kasi doon ang mga bata. But don't worry, tatawag agad kami pagdating namin doon, ha? We'll let you speak with your mama, okay?" sagot ni Joana.

Kumibot-kibot ang mga labi ni Pepper at namamasa na ang mga mata. Naiiyak na nga ito. Nilingon siya ni Joana na tila nagpapatulong. Binalingan naman niya kaagad ang pinsan.

"Dana! Kuhaa si Pepper kang Ate Joana. Ako na kang Mint [Kunin mo si Pepper kay Ate Joana. Ako na kay Mint]," aniya.

"O, sigi-sigi," sagot nito at dali-daling pumunta kay Joana. Binalingan ng pinsan ang batang babae at nilambing ito, "Dali kang yaya, bebe. Yor teta en lolo go to Mama Kristen. No bebes man gud sa ospital. Dey kol as, bitaw. Sige na, bebe. Yor good ger man, diba?"

The Shattered Vow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon