Chapter Eight

9K 228 19
                                    

"So childhood friends pala kayo?" sabi ni Amarie nang bitawan ni Dexter si Kristinne.

"Yes," ang masayang sagot ng binata.

A vague image of a little boy, two years her junior, na palaging nakabuntot sa kanya kahit saan siya magpunta entered her mind. Naalala niya ang masayahing batang kapitbahay niya na iyon. Si Dex-Dex, ang childhood friend niya na noon ay halos araw-araw kung i-deklara na pakakasalan siya pagtanda nito. He adored her then like a puppy did to its owner. Ang batang palakaibigan, makulit, at palangiti.

Pero ang ngiti sa mga labi nito ngayon ay dagling napalis at nakakunot ang noong binalingan si Amarie, "Wait, tama ba ang pagkaka-intindi kong si Kristinne ang tinutukoy mong bago nating pasyente?"

Nang balingan niya ang kaibigan ay nakita niya ang paglambong ng mga mata nito. Nilingon siya at napabuntong-hininga ito, "I had no idea na ang sarili niya pala ang pinatutungkulan niya nang tumawag siya kanina at sabihing may ipapakonsulta siyang kakilala na may cancer sa akin."

Hindi siya naka-imik. Nakakapanlumo pa ring malaman na may malubha siyang sakit. Isang sakit na puwede niyang ikamatay. Sa lahat siguro ng sakit na puwedeng dumapo sa isang tao, cancer would be the least favorite of all.

"This can't be! Ngayon lang tayo ulit na nagkita after ten long years, pagkatapos ay malalaman ko lang na may ganito kang karamdaman?" malakas ang boses na bulalas ni Dexter. Hinigit siya nito sa braso at iginiya pabalik sa inupuan niya kanina. With determined steps, he marched over Amarie's desk and scanned her medical results. Since naka-upo na ito sa silya ng kaibigan niya ay pumwesto na lang si Amarie sa silyang katapat ni Kristinne.

Pinagmasdan nilang dalawa ang binata habang binabasa nito ang mga dokumento niya. Unlike her friend, seryoso ang mukha nito the whole time he ran through every page. Hindi siya nagsalita hanggang sa umabot siya sa huling pahina.

Hindi niya napansin na pinipigilan na pala niya ang kanyang hininga not until he looked up at her and Amarie. She let out a deep breath and waited for what he was about to say. Dinaanan nito ng tingin si Amarie bago nito itinutok ang pansin sa kanya.

"According to the findings, the cells found were definitely cancerous. Totoong nasa second stage ka na sa colon cancer," anito.

Kumunot ang noo niya, and for the first time mula nang makita niya itong muli ay nagsalita na siya, "Is that supposed to comfort me?"

Naramdaman niyang ginagap ni Amarie ang kanang kamay niya kaya nabaling dito ang atensyon niya.

"It should, friend. I'm not saying na hindi seryosong bagay ang cancer, but you have to look on the bright side. Stage 2 pa siya. Kayang-kaya pa siyang i-remedy."

Sa sinabi ng kaibigan ay nabuhayan siya ng loob. Magmula nang malaman niya ang tungkol sa kanyang karamdaman ay noon lang yata siya nagkaroon ng pagasa.

"Pasensya na at hindi ko agad nasabi sa iyo kanina, Tinne. Nadala lang ako sa emosyon ko at that time. Sasabihin ko na sana nang dumating itong si Dexter."

Kristinne's chest felt light as if a heavy boulder was lifted from it. She was about to say something when she felt her phone vibrate.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa nakitang pangalan na nakarehistro ng nagpadala ng mensahe sa cellphone niya.

My Boo

She felt blank for a few seconds nang mabasa iyon. Naalala niya noong magkasintahan pa lang sila ay ito ang nagpangalan nito sa sarili sa cellphone niya. Pinagtawanan pa nga niya ito noon dahil nakornihan siya sa napili nitong endearment nila. She might've laughed at him then pero kinilig din naman pala siya. But now, iba na ang sitwasyon. Hindi na kilig kundi sakit na ang naidudulot ng pagkakabasa man lang sa endearment na iyon. Sa dami ng nangyari sa buhay niya ay nawala na sa isip niya na palitan ang pangalan ni Lawrence sa telepono niya.

The Shattered Vow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon