Cumulus 3

47 3 0
                                    


Chapter 3
OFFER

Ilang sandali pa'y nakatulog na rin si Ate sa kaiiyak. Ganoon din si Clarence. Pagod ako sa araw na iyon pero hindi ko magawang magpahinga. Hindi ako makatulog. Nabuhay ang lahat ng lamang-loob ko noong kausapin ako ng doktor kanina tungkol sa pahintulot ng operasyon para kay Papa... at sa pagputol ng isang binti niya.

Kahit mahirap at masakit sa akin iyon, iyon lang ang tanging paraan para mabuhay siya. I was determined to pursue the operation earlier pero ngayong mag-isa na lang ako sa labas at tinatanaw ang madilim na kalangitan, inatake na ako ng labis na pangamba. I know I should be glad that's there's available operating room and my father is lucky to be operated, pero hindi rin maaalis doon ang pangamba ko sa perang pambayad. Sa perang kukunin.

Hindi lang si Papa ang ooperahan. Si Mama rin. Wala ng ibang kumakayod sa amin kundi ako na lang. Si Papa, hindi rin makakapagtrabaho agad kapag gumaling.

Kung paano ako hindi pa nabaliw sa lahat ng ito'y hindi ko na alam. Suminghap ako. Hindi ako umiiyak pero sa pagkakataong iyon, tahimik kong hinayaan ang mga luha kong bumuhos hanggang sa unti-unti akong humagulhol. I was wondering how I handle all of my emotions earlier gayong nilulukumos sa sobrang sakit ang dibdib ko. Ngayon lang talaga sumabog. I finally can't help it. Sobra-sobra ang pangamba't pag-aalala ko para sa lahat.

Suminghap ako, mas lalong naninikip ang dibdib sa lahat. I don't know how long I've been staring at the dark sky outside pero nang magbaba ako ng tingin sa cellphone ko'y alas kwatro na ng umaga. Hindi na ako nakatulog. Bumuntong-hininga ako at tumayo para makauwi sa bahay at makapagluto ng agahan.

Alas sais na ng makabalik ako sa hospital dala ang agahan. Si Ate pa ang gising kaya sa kanya ako nagpaalam na aalis muna para makapag-apply ng trabaho. She smiled sadly at me.

"Magtatrabaho na rin siguro ako. Ayos lang siguro na si Clarence muna ang magbantay kay Mama. Iuuwi ko na rin siya ngayon kaya pwedeng sa bahay na bantayan ni Clarence."

Nilingon ko si Mama at mapait na bumuntong-hininga. Kinagat ko ang labi ko.

Nalulungkot at nasasaktan ako dahil hindi na ako sigurado ngayon kung kailan maooperahan si Mama. Gagamitin ang ilan sa donasyong naipon namin para kay Papa. Malaki pa naman ang natira pero hindi sapat iyon sa partial payment ng operation ni Mama. Now that I'm jobless, mas naging mahirap lalo. At kahit pa makapagtrabaho ako ngayon, alam kong hindi ako makapag-ipon agad.

I feel so disheartened. Ang sakit sakit sa akin na ganito... na kailangan pang magtiis ulit ni Mama ng ilang araw. Pero wala naman akong magagawa maliban sa kumayod ng kumayod. Puno na kami sa utang noong nagkasakit si Clarence, hindi na rin kami pwedeng umasa roon para sa pandagdag.

Pinuntahan ko ang drug store at nanghina nang makitang hindi na vacant ang position doon. Nagtanong ako at nalamang may nag-apply na nga. Napahilamos ako ng mukha at halos mapanghinaan ng loob.

Damn it! Malas ba ako buong buhay ko? Minsan tuloy naiisip ko kung saan ako nagkasala at bakit puro kamalasan ang pinaparanas sa akin. Gusto ko lang naman magtrabaho, makapag-ipon at makatulong sa bayarin sa hospital!

Gusto kong maiyak sa lahat ng nangyayari. I sighed heavily. I was so disheartened pero wala akong choice kundi ang magpatuloy sa araw na iyon. Buong umaga akong naghanap ng trabaho at nang magutom ay kumain lang ng street foods sa gilid-gilid. Pagkatapos ay nagpatuloy ulit sa paghahanap.

The chilly wind blew my dress and whispers something in me while I was walking. Kagaya ng kusa ko ng ginagawa, umangat ulit ang tingin ko sa kalangitan.

Slowly, a sincere smile appeared in my lips when I saw the good figures shaped wonderfully in the sky. May ibang hugis puso, may ibang parang kalat na bear at iba ring hugis maliliit na halo. Hindi kagaya kahapon, maganda ang kalangitan ngayon. It's a wonderful cumulus day.

Sign by the Cumulus (Cloud Series #3) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now