Cumulus 18

47 1 0
                                    


Chapter 18
UGLY

Nakatitig lang sa akin si Third habang tiim-bagang na sinagot ang tawag na iyon. Pagkatapos ay bigla siyang tumalikod at walang pasubaling umalis sa library.

Sa taranta ko na maiwan mag-isa sa library, lumabas din ako at sinundan siya. Huli na nang mapagtanto kong kaya siya nagmamadali ay dahil may hindi siya inaasahang bisita. Rino together with Kyla behind him just arrived at the living room. Natigilan ako at pinanood si Third na si Rino agad ang pinuntahan imbis na si Kyla.

"What are you doing here?!" agresibong pagkatatanong niya kay Rino.

Rino looked at him in awe and laughed. "What the fuck, couz? Can't I visit the mansion now?"

"You're still not allowed here!"

"Why not?" Ngumisi si Rino at natagpuan agad ako sa likod. "Oh, there you are!"

Mabilis ang pagngisi niya at paglapit sa akin. Hindi ko naman malaman ang gagawin ko. Third looked me intently then glared at Rino.

"Damn, I didn't inform you I'd be here but here you are! Naramdaman mo rin bang pupunta ako? Is this a sign that we're soulmates?" tumaas-taas pa ang kilay niya sa akin.

"Tss," Third asserted with sarcasm and amusement. Bumaling siya kay Kyla na noo'y nanatili ang tingin sa akin.

Ngumiti ako kay Rino.

"Hindi ka nagrereply masyado sa mga messages ko, ah? Anong pinagkakaabalahan mo rito? Gusto ko makita mga paintings mo!"

What...

Nakita ko ang mabilis na pagbaling si Third sa amin. Kung kanina iritado siya, ngayon parang sasabog na. He looked at me like I did a very horrible mistake. Napatikhim ako.

"Uh, nahihiya akong ipakita, e... Hindi rin naman kagandahan 'yon kaya—"

"I didn't see it so don't conclude yet! Magkaiba naman tayo ng pananaw. Don't be shy. I know they're all pretty like you!"

"Well, uh... how about this? I'll paint something for you na lang. I'll give it to you once I finish it. Is that okay?"

Delight immediately flashed on his face. "Really? Of course it's okay! I'd like that!"

Natanaw ko ang pagmartsa ni Third at Kyla papalayo. Tinanaw ko sila habang nagsasalita si Rino sa excitement niya. Hindi ko alam bakit tuwang-tuwa siya. It's not like it was the first time someone paint for him.

Hindi agad umalis si Rino. Naglibot-libot kami sa mansion at sa huli, nanatili sa sala para magkuwentuhan. Ang dami niyang kwento. His work experiences, business, friends, bar and clubbing days, hobbies and all of that. Nakakaaliw siyang magkuwento kaya hindi ko rin namalayan na ilang oras na pala kaming nagkukuwentuhan.

"Mahilig kaming magpipinsan sa sports. I'm more on extreme sports like car race and motocross."

"And Third?" tanong kong dinugtugan ko agad para hindi mahalatang kuryuso. "May ibang pinsan pa ba kayo?"

"Meron. Isa. But he's out of the country."

He. Lalaki pa rin. Tatlo lang sila?

"Ano namang, uh, mga hilig ni Third?" 

"He likes to do hiking and some sports. Hindi siya mahilig sa extreme sports pero naglalaro rin minsan."

Tumango ako at napasulyap sa kinaroroonan nila Third. Medyo malayo sila at kanina ko pa napapansing hindi sila nagagalaw sa pwesto. They've been talking for more than an hour now. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan. I'm suddenly curious how serious they're talking about.

Sign by the Cumulus (Cloud Series #3) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now