Cumulus 26

47 2 0
                                    


Chapter 26
PRISTINE

"Mag-usap tayo,"

Parang bulkang gustong sumabog bigla ang dibdib ko. Nanginig ang mga tuhod ko sa napakalamig na boses ni Mrs. Gallardo.

"I want you to tell me the truth." aniya sa isang nakapagtindig-balahibong boses, isang bagay na hinding-hindi ko gustong marinig sa kanya.

"Ma'am..."

"Is there something between you and my son?"

Umiling agad ako, takot at parang mahihilo na sa kaba. My heart is beating frantically. Her thinking of that means she really has an idea... about us.

"Ma'am, wala po. Kung bakit niyo po naiisip 'yan—"

"Then, are you in love with my son?" she asked angrily.

Nanginginig ang labi ko at mabilis na umiling, ayaw lalo na maisip niyang ganoon. Duwag man pero takot ako. Takot ako sa kanya. Takot akong mapatalsik dito. Kailangan ako ng pamilya ko lalo ngayon.

"Answer me properly!"

"H-Hindi po, Ma'am, hindi po." Hindi ako umiiyak pero sa pagkakataong ito, gustong-gustong tumulo ng mga luha ko. "Mali po kayo ng iniisip. N-Nandito po ako para magtrabaho at wala ng iba. Wala po akong oras sa kung ano, Ma'am."

"So you're not in love with him?"

Pumikit ako nang mariin at yumuko. Naninikip ang dibdib ko sa kaba, takot at kakaibang sakit. Nangangapa ako sa sasabihin dahil alam ko sa sarili ko ang totoo.

"Hindi po, Ma'am. Hindi ko po gusto si Third at hinding-hindi ko po siya magugustuhan. Kagaya po ng sabi ko, nagtatrabaho lang po ako—"

"Are you sure of that?" Nagtaas siya ng kilay.

Mabilis akong tumango.

"Hindi ko po nakalimutan ang kasunduan natin, Ma'am."

Hindi siya nagsalita. She walked towards me and the sounds of her heels terrified me too much. Hinawakan niya ang aking panga. Sinuri ang mukha ko nang may pandidiri at pangmamaliit, bagay na palagi kong nakikita sa kanya kapag tinitingnan niya ako.

"Dapat lang. I didn't give you this job just for you to freaking fall for my son. Alam mo kung sino ang gusto ko para sa kanya. Alam na alam mo rin kung bakit ko pinagawa sa'yo ang trabahong ito kaya umayos ka. Wala kang lugar dito!" she pushed my chin away.

Kinagat ko ang labi ko at yumuko.

"The moment I'll know you're falling for him like a pathetic bitch, you will never like what I'm gonna do with you. You will never like it, Pristine. You have no place in this house. You have no place for my son."

Tumango ako. Alam ko kung hanggang saan ako. I would never sacrifice my parents for my pointless affection for him. Gagawin ko ang lahat para manatili rito. Para sa pamilya ko. Sila ang mas mahalaga sa akin. Sila bago ako.

"Always put our deal in your mind, Ms. Valencia. Kung ayaw mong mapaalis dito nang walang nakukuhang katiting na sentimo sa akin, tumupad ka sa usapan.  You can't fall for my son. Hinding-hindi ka nababagay sa kanya. I would never like you for him. Ever. I hope that's clear enough for you."

Tumalikod siya at iniwan ako.

I sighed heavily and calmed myself. Hindi pa naman niya ako pinapaalis, diba? I know I shouldn't let my guards down pero ngayon, hinayaan ko ang sariling manghina. Nasasaktan ako... kahit pa alam ko kung saan ako lulugar. Nasasaktan ako kahit pa alam ko kung paano hawakan ang lahat.

He will never be for me. I'm glad that I know that even before.

Uminom ako ng tubig, unti-unti ng naramdaman ang pagkalma. When I decided to go out and continue my day like it didn't happened, I saw Third in the door of the kitchen, leaning lazily on it while staring carefully at me.

Sign by the Cumulus (Cloud Series #3) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now