Cumulus 16

41 2 0
                                    


Chapter 16
FLIRTING

Tinitigan ko ang mga paintings na pinagawa ni Third. Dalawa lang ang sinabi niya pero tatlo ang ginawa ko. Gusto ko sana siyang hintaying kumuha nito pero ibibigay ko na lang sa kanya. Tutal tapos na naman.

Bumaba ako para hanapin siya. Ang sabi ng kasambahay ay kanina pa siya nakauwi pero wala naman siya roon.

"Ate," tawag ko sa isang kasambahay. "Nakita niyo po ba si Third?"

"Nasa itaas po yata, Ma'am."

Tumango ako at ngumiti. "Salamat po,"

Wala akong balak na pumunta sa taas kaya bumalik na lang ako sa kwarto at nagdesisyong bukas na lang ibibigay iyon. Nakabihis na ako ng pantulog nang makita ko ang iilang missed call ng unknown number. Hinawakan ko ang cellphone ko at binuksan ang kumakatok sa kwarto ko.

"Anong ginagawa mo rito?" kunot-noo kong tanong kay Third na nasa pintuan, nakahalukipkip at salubong na naman ang kilay.

"What took you so long? I've been calling your phone."

Oh? That's his number? I didn't remember giving my number to him, though.

"Naliligo ako. Bakit?"

"The househelp called me. What do you need?"

"Wala naman."

"Tss. What is it?"

"Wala. Bukas na lang." sabi ko.

Pinigilan niya agad sa pagkasarado ang pintuan ko. "Ano nga? Ba't mo'ko hinahanap?"

"Ibibigay ko na 'yong paintings mo."

Bahagya siyang humilig sa gilid ng pinto, ang kamay ay nakataas pa rin dahil sa pagpigil niya rito kanina. Tinitigan niya ako.

"Is it done?"

"Yes."

"Let me see..."

Iniwas ko ang tingin ko. Iniwan ko siya roon at kinuha ang tatlong paintings. Matagal pa siyang nakatitig sa mukha ko bago niya tinanggap ang mga iyon. He glanced at it and stared longer. Ibinalik niya ang tingin sa akin.

"Let's go to my office."

"Huh?" gulantang na usal ko. "Anong gagawin ko sa office mo?"

Bago pa siya makasagot ay tumunog na ang cellphone ko sa isang text. Yumuko ako at binuksan 'yon.

Unknown:
Hi. Rino's here. Got your number from Third's phone. I really find a way to get into your inbox since you weren't able to scribble it. My couz wouldn't give your number. That asshole.

Rino? Kumunot ang noo ko at nagtype.

Me:
Hi, Rino! It's me, Kristine. I'm sorry I wasn't able to type my number.

Unknown:
It's okay. I want to personally ask it from you again but the asshole suddenly banned me in the mansion. That sucker really.

Me:
Ban? Bakit daw?

Unknown:
I don't know with him. He's mad at me. Anyway, would you mind if I invite you to go out? For coffee or something? Do you watch movies?

"Sino 'yan?" Third asked and glanced at my phone.

Napatingin naman ako sa kanya. Ito ba ang sinasabi niya na invites ni Rino? Lalabas lang naman pala. Akala ko naman kung anong invites ang ibig sabihin.

Unti-unti kong nakita ang pagsalubong ng mga kilay niya. He stepped closer to see my screen more. Bahagya akong napaigtad sa sobrang lapit niya. Kumalabog ang dibdib ko. Iniwas ko agad ang tingin at nagtype na lang.

Sign by the Cumulus (Cloud Series #3) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now