Kabanata 8

138 6 292
                                    

Kabanata 8

Drive

"Huwag mo muna siyang kausapin kung pareho kayong galit." patuloy na pangungumbinsi ni kuya Zeke.

"After all this time, Chez? Hindi ka pa rin tapos dito? Hindi ka pa rin makalimot?"

"Anong kakalimutan ko? Anong kakalimutan ko kung wala kayong sinabi? Paano ko kakalimutan 'yong mga araw na pinili ko nalang ang maniwala kahit alam kong kasinungalingan ang mga sinasabi niyo?"

"Enough for this shit! Sinabi ko sayong wala kaming alam dahil iyon ang totoo-"

"And you still chose to lie up to this time? Yes kuya, enough for this shit! Enough for lying!"

Nagkamot ng ulo si kuya Zeke. Alam ko kung sinong mas dapat kong sisihin dito. Alam ko kung sino. Sa kanilang dalawa, si kuya Isaiah ang nagbago. Nagbago siya maging sa akin.

"Mahal mo pa rin 'yong tao?" bakas lahat sa kanya ang hindi pagkapaniwala. Para bang oras na sinagot ko siya ng oo, tuluyan niya akong itatakwil bilang kapatid. "You were nineteen back then, anong alam mo sa pagmamahal?"

I swallowed. Patuloy sa pagbuhos ang mga luha ko. Sa loob ng maraming taon, ngayon lang ako ulit umiyak sa harapan nila. Kanina ko po ito pinipigilan, sa sasakyan pa ni Nath.

"Kailan pa naging problema sa inyo dati ang edad ko? Hindi ba't alam niyong umiwas ako? Pero kayo ang nagsabi noon na walang masamang tanggapin ko siya sa kabila ng propesyon niya. Ilang beses niyo ba akong itinulak palapit sa kanya?" binalingan ko si kuya Zeke. Inalala ang araw na pinlano nilang makasama ko siya sa Pebble Beach ng hindi ko alam. "Tapos ngayon itatanong mo sa akin kung anong alam ko sa pagmamahal?" balik tanong ko kay kuya Isaiah.

"Dahil totoong wala kang alam. Sa tingin mo ba ay iiwan ka niya kung mahal ka niya? Sa tingin mo gagawin-"

"Kuya, enough." nag-umpisa na ring tumaas ang boses ni kuya Zeke. "Baka magkasakitan lang tayo ditong tatlo."

"Matagal na akong nasaktan." matigas kong sabi. .

"Bumalik si Nathaniel pero huwag mong isipin na ikaw ang dahilan. Ang trabaho niya ang binalikan niya at hindi ikaw. Huwag kang umasa dahil baka bigla na naman siyang umalis at mangapa ka na naman ng sagot kung bakit. I won't give a damn about it, Chez. Tanggapin mo nalang na hindi ka niya mahal-"

"I said enough!"

Para akong sinasaksak sa mga sinasabi ni kuya Isaiah na kahit ang pagsigaw ni kuya Zeke ay halos hindi ko na narinig.

"Siya ang pagsabihan mo. Hahayaan mo na naman ba siyang mawala sa sarili?" tinalikuran niya kami. Tuluyan siyang pumasok sa loob ng bahay at iniwang nakabukas ang pinto.

Nanatili kaming nakatayo ni kuya Zeke. Nag-angat ako ng tingin para makitang sa akin rin siya nakatitiig. Mabigat ang mukha niya. Mukha na sa tuwing nakikita ko ay laging ganito. Subalit ngayon ay tila sasabog na. Tila hindi na makapagtimpi.

"Pipiliin mo rin bang huwag ulit magsalita, kuya? Pakikinggan mo pa rin ba si kuya Isaiah?"

Tumango ako nang hindi siya sumagot. "I see." Pero isang hakbang lamang ang hinayaan niyang gawin ko.

"Si kuya Isaiah ang nakiusap noon kay Nathaniel na umalis."

Hindi ako nakaimik, pilit inintindi ang maikli niyang sinabi. Isa iyong buod na nilahat ang lahat ng posibleng dahilan. Pero bakit? Paano?

"Nakiusap si Nathaniel na huwag sabihin sayo. Gustong gusto kong malaman mo ang lahat. Pero nangako ako sa kanya na wala akong sasabihin. Hindi dahil takot ako kay kuya pero dahil iyon ang sinabi ko kay Nathaniel." isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Noong araw na naaksidente ka, kinausap ni kuya si Nathaniel habang wala ka pang malay. Nandoon ako. Narinig ko ang lahat."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lover's Distance (sequel of Lover's Leap)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon