Kabanata 3

160 13 248
                                    

Kabanata 3

Babalikan

Pupuntahan ko siya dahil alam kong may kaugnayan ito sa trabaho. I won't do it if it's not the reason. Baka sadyang nakalimutan niya lang kanina nang magkita kami sa hallway. This is what a professional do, Franchezka. You are a professional.

"Good morning, ma'am!" bati agad sa akin ng dati kong mga estudyante.

Ngumiti ako. "Si Mr. Tiu?" hinanap siya ng mga mata ko ngunit wala siya sa loob. Hindi pa rin ba siya umaakyat?

"He's not coming yet, ma'am. Nasa baba pa. Bakit po?"

"Ah wala, pakisabi nalang na nanggaling ako rito." maikli kong sagot at muling ngumiti bago pinihit ang pinto para lumabas.

Pero siya namang may pumasok. Buti nalang at hindi tulad ng dati, hindi kami nagkabangga. Pareho lang kaming nakatayo sa tapat ng pinto at nagkatinginan. Nang maalala ko ang sinabi ni Evans kanina na may sinabi siya sa mga bata na hindi ko naman alam kung ano, mas minabuti kong lumabas na para hindi magulo ang mga tao sa loob. Sumunod naman siya at isinarado niya ang pinto.

"Galing ka raw sa classroom ko. May kailangan ka ba?" mabilisan kong tanong. Bumaba ang mata ko sa kamay niyang ngayon ay may hawak ng laptop. Tulad noon na sa tuwing papasok sa classroom ay cellphone lamang at laptop ang hawak.

Pero hindi siya sumagot. Basta lang siya nakatingin sa akin.

"I'm asking you now, Mr. Tiu." saway ko bago pa man ako matunaw ulit sa paraan ng paninitig niya.

Isang beses siyang tumikhim. "Ikaw ang nandito at pinuntahan ako, pero ako ang may kailangan?"

Halos manigas ako sa narinig. Talagang wala siyang kwentang kausap dati pa.

"Kailangan ko bang ulitin ang una kong sinabi? Galing ka raw sa classroom ko. Ikaw ang unang pumunta sa classroom ko. Ngayon, may kailangan ka ba?"

"Nagkita na tayo sa hallway, diba? Kung may kailangan ako, sa tingin mo hindi ko sasabihin sayo sa baba?"

Naisip ko rin naman 'yon, pero inisip ko ring baka nakalimutan niya. Bakit ba hindi niya nalang ako sagutin kung bakit siya nagtungo sa classroom ko?

"Bakit ka nga nagpunta sa classroom ko?" pormal ko pa ring tanong.

"I just want to. Bawal ba?"

Paano nga ba maging propesyonal kung ganito ang kausap ko? Gusto niya lang? Kaya kailangan niyang sabihin sa mga bata na sabihin sa aking nagpunta siya roon? Anong akala niya sa klase ko? Pasyalan?

"Hindi mo sasabihin sa mga bata na sabihin sa aking nanggaling ka roon kung wala lang. Pero kung ayaw mong sabihin, I won't force you. Pero huwag mo rin akong piliting makinig kapag ayoko nang pakinggan pa kung ano man ang sasabihin mo."

"Hindi kita kailangan pilitin. Pumunta ka nga rito kahit hindi kita pinilit, diba?"

"As you say so. May klase pa ako." kako at umalis na ng Building.

He's insane! Hanggang ngayon talaga ay hindi pa rin siya nagbabago. Pero ano nga ba ang aasahan mo sa isang tao? Kahit nga ako'y hindi magawa-gawang magbago, nangangapa pa rin ako sa tuwing kaharap ko siya.

Bumalik ako sa classroom ko at ipinagpatuloy ang klase. Natapos ang maghapon na pinilit kong magpakatino sa sarili kong mga iniisip. At ang hindi siya maisip sa loob ng ilang oras ay isa ng tagumpay. Ganito ko siya kung kamuhian.

"Bibili ka raw ng bahay?" tanong ni papa. Sabay-sabay kaming naghahapunan.

Tumango ako dahil para sa akin ang tanong na iyon. Sinulyapan ko si kuya Zeke na siyang napagkwentuhan ko dalawang buwan na ang nakakalipas. I'm still planning. Kamuntik ko na ngang makalimutan ang plano na iyon.

Lover's Distance (sequel of Lover's Leap)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon