Prolouge

498 16 226
                                    

Prologue

"Hurry up, Chez! Nagkakagulo ang mga bata!"

Nabitawan ko ang mga hawak kong papel. Lumabas ako ng opisina at mabilis na sinundan si Hazel na kumaripas nang takbo. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. Pero dahil mukhang nagkakagulo nga sa gitna ng quadrangle, maging ako ay dali-daling napadpad rito para tingnan kung anong nangyayari.

"What's happening here?" tanong ko sa kawalan habang pinapanood ang iilang estudyante na nagtatalo.

"They're fighting. Hindi ba 'yon obvious?"

Tumingala ako para tingnan kung sino ang sumagot. Tulad ko, naka-krus ang dalawa niyang braso habang maiging nagmamasid sa nagkukumpulang tao sa harapan namin. Ang pinagkaiba lamang, walang kahirap-hirap siyang nakakita dahil sa taglay na tangkad. Hindi ko alam kung sinong unang dumating, kung siya ba o ako na basta na lamang tumabi nang hindi siya napansin.

"Gold old days. Parang kailan lang, tayo ang nandiyan at nakikipag-away." dagdag niya nang hindi ako sumagot. Hindi siya nakatingin sa akin ngunit alam kong para sa akin ang sinabi niya.

"Tayo? O baka ikaw lang. Wala naman akong naaalalang nakipag-away ako." sagot ko at muling lumingon sa harapan namin.

"Let me revise it, ako lang pala. Pero ikaw ang dahilan kung bakit ako nakipag-away."

Ngumisi ako. "Isip bata. Akala mo'y estudyante pa ng mga araw na 'yon." bulong ko.

Ano nga bang pinagkaiba? Isa akong estudyante noon pero siya'y isa ng propesor. Pero ngayon, pareho na kaming nagtuturo. At nagt-trabaho pa sa isang institusyon. Kung alam ko lang na babalik siya, sana'y hindi ko na tinanggap ang alok nilang dito ako magtrabaho. Kahit na may sarili akong negosyong pinagkaka-abalahan bukod sa pagtuturo, sana pala'y hindi ko na tinanggap pa ang oportunidad na ito. Naisip ko namang malaki ang pag-asang maalala ko lamang ang nakaraan oras na muli akong umapak sa lugar na ito, pero ni minsan ay hindi ko naisip na babalik siya at magiging katrabaho ko pa. Simula nang muli kaming magkita noong nakaraang linggo, lahat ay ginawa ko upang kahit sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi na muli pang magtagpo ang mga landas namin.

"Sino bang nagsabi? Ikaw ang nagsimulang bumanggit ng pangalan ni Sir Nathaniel!"

Napataas ang aking kilay. Nang lingunin ko ang aking katabi ay hindi rin maipinta ang sariling mukha dahil sa pangalang narinig.

"At bakit kailangan mo siyang idamay? Hindi ko kasalanang nagkasabay kaming umuwi kahapon!"

Umiling ako, hindi makapaniwala sa mga naririnig.

"Seriously? Isang linggo ka palang dito ay nagkakagulo na agad sila dahil sa'yo?" matabang na boses kong sabi. Siniguro kong maririnig niya ito. At hindi ako nagkamali.

"Hindi kami sabay na umuwi kahapon. I don't even know her."

Isang ismid ang pinakawalan ko. "Knowing you, Nathaniel. Nakasanayan mo na nga sigurong bumingwit ng estudyante-"

"Hindi kita biningwit. Hindi ka isda para bingwitin ko."

Sasagot pa sana ako ang kaso'y biglang may tumuro sa direksyon namin kasabay ng muli nilang pagtawag sa pangalan ng katabi ko. Lahat ay napalingon sa amin. Maging si Hazel na nasa malayo ay namilog ang mga mata nang makita kaming magkasama.

"Kayong dalawa na naman?" boses ito ng University President namin. Kung kanina ay wala lang iyon sa akin, ngayon ay labis na kaba agad ang lumukob sa kaloob-looban ko.

"Po?" tanging tanong ko habang itinuro ko pa ang sarili. Bakit ako? Bakit naging kaming dalawa?

"Ma'am and Sir, sa Guidance Office nalang natin ito pag-usapan." ani ng isang propesor din habang ang kumpulan ay unti-unti nang humuhupa.

Lover's Distance (sequel of Lover's Leap)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon