Kabanata 4

171 10 249
                                    

Kabanata 4

Terminate

"I should be going. I have my class." dali-dali kong pinulot ang mga gamit ko para lumabas. I'm not ready for this. Dapat akong makalabas bago pa man lumabas si Hazel at maiwan kaming dalawa.

May sinabi si Hazel at narinig ko rin ang boses ni Nathaniel. Pero dahil nagmamadali ang kilos ko at nagmamadali rin ang isipan ko, hindi ko na sila naintindihan. Isang malaking tagumpay ang maabot ng aking kamay ang doorknob para buksan ito at tuluyan akong makalabas.

At kahit natapos ang maghapon kong klase, hindi na ako bumalik sa office. Pinadalhan ko lamang si Hazel ng isang text na may mga inaasikaso ako para hindi siya magtaka. Natatakot akong pagpasok ko'y si Nathaniel lamang ang madatnan kong tao.

Architect Allen Donaire. Sa kagustuhan kong abalahin ang aking sarili ng mga sumunod na araw ay saka ko lamang naisipang buksan ang attachment na natanggap ko mula kay papa. Personal information ito ng architect ng isang hindi ko naman kilalang kliyente. Nandito ang kanyang personal background, pati na rin ang numerong naghihintay lamang ng aking pagsang-ayon.

Itinipa ko ito sa aking cellphone. I saved it using his name. Architect Allen. Ilang architect na rin ang nasa contacts ko ngunit ang iba'y wala na akong koneksyon at kabilang lamang sa mga nagdaang kliyente ko.

Hazel: Sir Tiu wants you here. May sasabihin raw.

Isang text message mula kay Hazel ang lumabas sa screen ko. At ang laman nito'y hindi kanais-nais.

: I'm busy. Bakit daw?

Hazel: Itatanong ko? Mukhang bad mood eh.

: No need. Ako na.

Nasa libray ako ngayon at nagpapalipas ng oras bago ang huling klase ko. Ang pumunta sa opisina dahil sinabi niyang may sasabihin siya ay wala sa aking prayoridad. Sa halip, binuksan ko ang aking messenger app at tiningnan kung online ba siya.

: May sasabihin ka raw sa akin?

I sent it to him and he quickly read my message. Tulad ng dati, mabilis akong lumabas sa chat box namin nang makita siyang typing. I received his reply but it took me three minutes before I decided to open it.

Nathaniel Tiu: Didn't Hazel told you to be in here?

: I'm busy. Just drop it here.

Nathaniel Tiu: Unprofessional.

Halos umusok ang tenga ko sa sagot niya. Alam ko rin 'yan, Nathaniel. Pero mas lalong nagiging unprofessional sa tuwing nakikita kita.

: Come on, you're not living in a traditional world anymore. Kahit may ipakita ka pa sa akin ay pwede mong ipakita sa pamamagitan nang paglapag rito.

Nathaniel Tiu: Nathaniel sent a photo.

Ilang segundong nag-load bago lumabas kung anong larawan ang ipinadala niya. At nang makita ko kung ano, napamaang na lamang ako at napatitig rito. He just sent me a picture of him! Nag-selfie siya at halatang nasa opisina.

: And? What is this?

Nathaniel Tiu: A picture of mine. Ipinapakita ko sayo dahil mukhang ayaw mong magpakita edi inilapag ko. As you said.

And who's acting unprofessional here?

: Ang gusto mong sabihin ang itinatanong ko.

Lover's Distance (sequel of Lover's Leap)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon