Kabanata 1

254 8 281
                                    

Kabanata 1

Papayag

"Hindi naman ako ipinatawag sa Guidance Office!" nababagot na umupo si Hazel at binigyan ako nang nagtatanong na tingin. "Nasaan si Sir? Pumasok ba siya rito?"

"Hindi. Sinundan ka niya agad paglabas mo." sapo ang noong umupo rin ako at sumandal sa upuan.

"Hindi ako ipinatawag sa Guidance Office." ulit niya sa mas malakas na boses. "Para naman akong tangang nagtanong doon kung bakit."

Naririnig ko siya pero parang wala na iyon sa akin.  Mabuti nalang at nagawa ko pang sipain palabas si Nathaniel bago pa makabalik si Hazel. Wala akong ibang paraan para mapaalis siya! Baka nga iika-ika pa siyang naglakad na hindi ko na ginusto pang makita kaya agad kong isinarado ang pintuan. At kapag inulit niya pang lumapit sa akin, baka hindi lang sipa ang makukuha niya sa susunod.

"He's just making fun of us. Sa susunod, huwag ka nang maniniwala." sagot ko.

"Kung pinaglalaruan ka niya, bakit kailangan niya akong idamay?"

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Hindi niya ako pinaglalaruan. Wala lang talaga siyang magawa sa buhay."

"Ano nga ulit 'yong nangyari? Huwag mong sabihing may nililigawan na naman siyang estudyante? Ang bata naman ata ang sadya niya ngayo-"

"He's not! Ang tanda-tanda niya na para diyan. Huwag mo nga 'yang isipin!"

Pareho kaming natigilan. Saka ko napagtantong tumaas ang boses ko. "Totoo naman kasing matanda na siya para pumatol sa mga bata." pagr-rebisa ko sa sinabi.

"Bata ka rin naman no'ng niligawan ka niya, diba?"

Mas lalo akong natigilan. I was nineteen! Hindi na bata 'yon. Eh, 'yong mga nagtalo kanina? Baka nga mga dose o trese palang ang mga batang 'yon. Too old for Nathaniel. Ilang taon na nga ba si Nathaniel pagkatapos ng halos limang taon na lumipas? At kasabay niya, mas lalo namang hindi na ako bata ngayon. I'm twenty-three now. At matanda na ako para mapaglaruan ulit.

"Hindi niya ako niligawan." matabang kong sagot at kumuha ng isang kumpol ng papel. Because that was the truth.

"Naging kayo lang? Huwag ka nga, Chezka! Saksi ang seksyon natin kung paano kalagkit ang titigan niyo dati. Akala niyo ba hindi namin pinapansin? Mata palang dati ni Darlene, kuhang-kuha na ang sekreto niyo."

Napaisip ako pero lahat ay ginawa ko upang hindi na muli pang maalala ang lahat ng nangyari dati. Nasaan na nga ba ngayon si Darlene? Bukod kay Hazel na araw-araw kong kasama sa trabaho, wala na akong balita sa iba pa naming kaklase. Kahit kay Jean. Ang daming nangyari dati pero isa sa hindi ko makalimutan ay ang biglaan niyang pagtalikod sa akin. Hindi naman sa ayaw kong makibalita, sadyang wala lang akong naririnig tungkol sa kanila.

"Kaya kung gusto mong magkaroon ako ng hint kung bakit bigla kayong naging stranger sa mata ng isa't isa, pwede mo namang sabihin sa akin kung bakit. Hindi naman masama ang maglihim pero hindi rin masama ang magkwento."

Minsan ko pa siyang tinitigan kapagka'y umikot upang kunwari ay mag-ayos ng gamit. Kahit gaano ko gustong magkwento, hindi ko magagawa dahil maging ang sarili ko ay hindi alam kung ano nga ba ang kwento na madalas ay itinatanong sa akin. Maging ako'y nagtatanong. Pero siguro nga'y mas mabuti pang huwag ko na lamang malaman ang sagot dahil lahat naman na'y naibaon ko na sa limot.

"See you tomorrow then, madami pa akong adjustments na ginagawa sa bago kong seksyon. Nahihirapan ako sa kanila." tumayo ako at kinuha ang aking bag.

"Uuwi ka na? Ang aga pa."

"May practice ako. Mag-aalas singko na rin naman."

Tumango siya at gumanti ako. Wala sa sariling naglakad ako papunta sa pool area na halos araw-araw kong nilalakad. Akala ko dati kapag natapos ako sa pag-aaral, tapos na rin ang kaligayahan ko sa paglalangoy. Pero hindi rin. Mula nang magturo ako dito, naging coach ako ng swimming team. I can't say no, lalo't isa ako sa mga swimmers ng campus.

Lover's Distance (sequel of Lover's Leap)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon