Chapter 6 - Secret Haven

6 1 0
                                    

LIAM BENJAMIN

Nakatitig lang ako sa perang nasa ibabaw ng kama ko. Ito 'yong pera ni Aerielle na hindi niya pinulot at pinabayaan lang na may ibang kumuha.

Kakaiba talaga ang babaeng 'yon. Hindi niya ba alam na ang hirap kumita ng pera, 'tapos ay hinayaan niya lang na may ibang kumuha nito? Anak mayaman ba siya kaya wala siyang pakialam at pinabayaan na lang ang pera niya?

Hindi ko sana ito kukunin at hahayaan na lang din, kaso ay nanghinayang ako sa 80 pesos na 'to. Kahit maliit na halaga lang ito, ay pera pa rin na puwedeng ipangbili ng laman tiyan.

Ano kaya ang gagawin ko rito? Ayoko isama itong pera niya sa allowance ko. Tinuruan ako ni Mom na kapag hindi akin, huwag ko kukunin. Depende na lang kung ibibigay sa akin.

Kung ibalik ko na lang kaya ito sa kaniya? Tutal kanya naman ito, hindi ba? Ganoon na nga lang ang gagawin ko. Kahit ayoko siyang kausapin at lapitan, mukhang mapipilitan akong gawin iyon.

Ayoko siyang kausapin dahil baka matulala na naman ako habang nakatingin sa kanya. Baka tuluyan na akong mawala sa sarili kapag nagkataon. Ayoko mangyari iyon, baka mapahiya uli ako for the second time sa harap niya...

And so? Ano naman kung mapahiya ako sa harapan niya? Sanay naman akong napapahiya kaya bakit parang big deal kung mapahiya ako sa harap ni Aerielle? Tss. Whatever.

Binalik ko sa wallet ang pera na nasa kama ko at napagdesisyonan ko ng matulog. Tapos na rin ako kumain ng dinner, at wala pang mga assignment na binigay sa amin. First week of class pa lang daw kaya binibigyan pa kami ng mga teachers ng time para mag-enjoy.

I already feel the weight of my lids when I heard someone is knocking on my door, and for sure it's Mom. She's the only one whose with me in this house. Unless there's a ghost living here together with us.

Sige takutin mo pa sarili mo, Liam.

The door opened and I saw my Mom's face. "Baby Benji, gising ka pa?" she asked while entering my room. Tsk, baby Benji na naman.

Kahit antok na antok ay naupo ako at tinignan ko ang alarm clock sa side table. 9:35 PM pa lang naman pero bakit nandito na siya sa bahay? Usually ay madaling araw na siya nakakauwi dahil palagi siyang natatawag sa emergency. Kung minsan ay hindi siya nakakauwi at doon na sa hospital natutulog.

She went near my bed and sat beside me. "Kumain ka na ba?" Hinaplos niya ang buhok ko. Hanggang ngayon ay baby pa rin ang turing niya sa akin kahit ang laki-laki ko na. I just nodded to what she asked.

"Ang aga mo yata umuwi Mom, himala," I said as I rest my head at the headboard. She sighed and she rest her head too.

"Ayaw mo ba 'nak?" she laughed.

Minsan ay nakakainis siyang kausapin, hindi ko alam kung seryoso siya o namimilosopo? Kung hindi ko lang siya nanay, maiinis talaga ako sa kanya.

"May bago kasing resident doctor na dumating sa hospital, matagal na namin hinihintay na dumating 'yon. Ang kaso ay ngayon lang naapprove-han ng mga head ang residency niya," pagpapaliwanag niya.

"And then?" tanong ko at sumandal sa balikat niya dahil inaantok na talaga ako.

"Iyon, pinakiusapan ko 'yong intern na siya muna ang bahala sa naiwan kong trabaho. Hindi naman siya pumalag, subukan niya lang. Ahead ako sa kaniya kaya wala siyang karapatan magreklamo hahaha!" pagpapatuloy niya sa kuwneto.

"Bully ka, Mom," I said and I closed my eyes. Pakiramdam ko ay makakatulog na talaga ako. Tumawa ng malakas si Mom at inakbayan ako.

"Biro lang naman, 'nak. Ikaw talaga masyado kang mapaniwalain. Syempre hindi gagawin ni mama 'yon. Masama ang nang-aalipusta."

Memories of Erie Season 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon