Chapter 1 - Pinky Promise

67 8 0
                                    

LIAM BENJAMIN

Kung mayroon contest sa pinaka duwag na tao sa mundo, siguro ako ang makakakuha ng first place.

Duwag ako. Napakahina ko. Nang dahil sa kaduwagan ko, mas pinili ko na masaktan ang taong pinahalagahan ko ng mahigit apat na taon. Nang dahil sa takot ko na baka magkaiba kami ng nararamdaman para sa isa't isa, mas pinili ko na makita siyang lumakad palayo sa akin.

Nang dahil sa pinairal ko ang mga scenario sa utak ko na baka hindi niya rin ako gusto gaya ng pagkagusto ko sa kanya ay hinayaan ko ang sarili ko na maging tikom sa totoong pagtingin ko sa kanya.

Kaya heto at nangyari nga ang kinakatakot ko, pero ako ang may dahilan kung bakit nagkatotoo ang mga naiisip ko lang. I am the reason why my illusions turn into reality.

Heto ako ngayon puno ng pagsisi dahil hinayaan ko lang naman na masaktan physically, and worst emotionally ang babaeng lihim kong minahal.

At heto rin ako ngayon, pasulyap-sulyap na lang sa maganda niyang ngiti. Kung noon ako ang rason sa mga ngiti niya, ngayon ibang tao.

Dapat ako iyon.

Ako pa rin dapat ang dahilan ng mga ngiti at tawa mo. Pero dahil tanga at duwag ako... Ganito ba talaga? Mapagtatanto mo ang lahat kapag huli na? Kapag ubos na ang tyansa at oras na binigay sa'yo para masabi ang salitang, mahal kita?

Huli na nga ba talaga? Ito na ba talaga ang ending? Tapos na ba talaga? Hindi pa nga tayo nag sisimula pero tinapos na agad ng tadhana ang lahat?

Pero sino ba ang niloloko ko? Bakit ko sinisisi ang tadhana? Kasalanan ko. Ako ang dahilan kung bakit umabot sa ganito. Ako mismo ang tumapos ng lovestory na hindi pa nagsisimula.

Kung sana hindi lang ako naging duwag. Kung sana noong una pa lang naging matapang din ako katulad mo... sana nagkaroon din ako ng lakas ng loob para sabihin sa'yo. Sana noong araw na iyon, sana umamin din ako na mahal din kita. Sana-

"Liam?"

"Huh?"

"Are you okay?"

"Huh? O-oo. Okay lang ako." Sinungaling ka Liam, ang galing mo talaga mag-sinungaling. Okay? Kahit durog na durog ka na dahil sa nakikita mo ngayon, okay ka pa rin? Napaka sinungaling mo.

"Really? Then bakit hindi mo kami kinakausap?"

Hindi kinakausap? Hindi ko naman sila naririnig na nagsasalita. Si Wendy nga pala 'tong kumakausap sa akin ngayon, girlfriend ko.

Oo. Girlfriend ko. Alam ko ang gulo, dahil kanina lang nag da-drama ako tungkol sa babaeng pinakamamahal ko pero may iba na pala akong karelasyon? Huwag kayo mag-alala, dahil ako rin naguluhan.

Ang abnormal ko, 'di ba?

Nandito kami ngayon sa hospital, bakit nga ba kami narito? Ah, dinadalaw pala namin iyong best friend slash pinakamamahal kong babae.

"Hey, Liam!" Ano ba naman ang babaeng 'to? Kalabit nang kalabit. Nag-mo-moment ako rito, eh. "Are you really fine? Bakit ba 'di mo ako pinapansin? Kanina pa ako salita nang salita rito."

"Wala ka naman sinasabi." Wala naman talaga akong naririnig, baka hindi ko lang talaga siya naririnig dahil focus ako sa pagtitig sa babaeng nakikipag-usap ngayon sa taong nagsasabi na mas "deserving" siya sa mahal ko.

"Anong wala? Kanina pa kaya ako nagtatanong kung may gusto ka i-suggest na gagawin sa upcoming birthday ni Aerielle. And... why are you crying?"

Ah, oo nga pala. Birthday na pala next week ni Erie, birthday na ng mahal ko. Pero sandali, ako umiiyak? Umiiyak ba ako? Hinaplos ko ang pisngi ko at...

Memories of Erie Season 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon