Chapter 16 - Play with Us

1 1 2
                                    

LIAM BENJAMIN

"So, what now, Aerielle? You gathered us here. What's the 'super-duper' important stuff you're going to tell?"

"Ahm kasi... may gusto sana sabihin si Ben—" Nilingon ako ni Erie, kumunot ang noo niya nang hindi niya ako nakita sa tabi niya. "Saan na nagpunta 'yon?"

"Iyon siya, oh," ngumuso si Lyndon na parang tinuturo nito kung nasaan ako.

Nilingon ni Erie kung saan nakaturo ang nguso ni Lyndon, bagsak balikat siyang napabuntong-hininga nang makita niya ang gawi ko.

"Huy! Bakit ba nandiyan ka nakasiksik? Halika rito!"

Nasa sulok lang ako nitong room na tambayan nilang magkakaibigan, itong room kung saan sila nag-celebrate ng birthday ni Nicolai.

Hindi ko tinangkang lumapit sa kanila, hindi ko nga alam kung paano ako napapayag ni Erie na pumunta rito sa... nakakailang at mainit na kuwartong ito.

Tinignan ko lang siya, hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko.

"Benjamin!" bulong niyang tawag sa akin. Nag-gesture pa siya na lumapit ako sa kanya.

Tumayo si Nicolai at kinuha ang bag niya, nagsimula na siyang maglakad palabas ng room. Mas maganda nga kung wala siya rito, hindi naman kasi siya ang pinunta namin ni Erie rito. "Aerielle, you know we need to catch up on our lessons, so please if it's not really important—"

"Nico, naman wait lang. Kalmahan mo lang okay? Kahit bumagsak ka ngayong quarter okay lang. Isang kindat mo lang sa mga teacher natin pasado ka na, kaya keri lang."

"Isang himas ka lang."

Binigyan ni Nicolai si Samuel ng matalim na sulyap na nakahiga sa table at ngingisi-ngisi.

Sumunod si Kayle sa planong pag-alis ni Nicolai at kinuha na rin ang gamit niya. "You know, baby girl, I love to hear what you're going to say, but Nico's right. You know naman na mainit ang mata sa atin ng mga head teachers... I'm sorry, baby."

"Wow, Kayle? Kailan ka pa naging conscious sa grades mo? Ano na ang nangyari sa motto nating 'Grade is just a number, and it will never define your future'?"

"Baby girl, kailangan natin makapasa this quarter, remember? We need to sit in our class para makahabol sa previous lessons natin or else ligwak ganern tayo. Lalong-lalo na si lolo mo Nico kaya G na G 'yan umalis, eh. Naiintindihan mo naman, hindi ba?"

"Oo alam ko iyon pero kasi," muli akong nilingon ni Erie ngunit binalik niya rin agad sa dalawa ang atensyon niya. "Sandali lang, please? 1—ay hindi, 2 minutes. 2 minutes! Saglit lang talaga! Please?"

"Umupo nga kayong dalawa. Bumalik kayo rito." Bumangon si Samuel at nag-indian seat. "Puwede tayo maghabol sa lesson anytime, pero itong moment na 'to... once in a lifetime lang ito."

They both change glances, after a second ay bumalik sila sa mga upuan nila. "Fine. But make it quick."

Agad akong nilapitan ni Erie at hinila ako palapit kela Nicolai.

"Wait—"

Hindi na ako nakapalag dahil tuluyan na niyang hinawakan ang braso ko at pilit akong dinala sa harapan ng mga friends niya.

"Erie, ano ba!"

"Bakit? Hindi ba pumayag ka na? Sabi mo makikipag-ayos ka na sa mga friends ko?" nakangiting tanong niya ngunit may halong pag-aalala ang mga titig niya sa akin. Mukhang naiisip niya na nag-ba-backout ako. Hindi naman sa ganoon.

Nagkaroon kami ng deal na makikipag-ayos ako sa mga kaibigan niya, at hihingi ng tawad.

We talked about it the last time she went to my roof. The truth is, ayoko talaga itong gawin, pero naliwanagan ako ng ipaliwanag sa akin ni Erie kung bakit ko kailangan mag-apologize.

Memories of Erie Season 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon