Chapter 20 - Shadows of the Past

1 1 0
                                    

LIAM BENJAMIN

After five months ng pagtatago sa kapatid at daddy ko ay nagawa pa rin nila kaming matunton ni Mom. Well, I'm sure they paid some private investigator to find us. Pinutol ni Mom ang lahat ng magiging source of communication pero bigo kami at nagawa pa rin kaming mahanap ni kuya Clark.

Kaya talaga nila kaming mahanap because why not? Hindi magdadalawang isip na magtapon ng pera ang Dad ko para matagpuan lang kami. Hindi siya sang-ayon sa naging desisyon ni Mom na umalis at iwan sila ng kapatid ko. He still wanted to be with us kahit hiwalay na sila ni Mom. Gusto ng tatay ko na buo pa rin kami kahit hindi na nila nararamdaman ang pagmamahal o ang sinasabi nilang 'spark' sa isa't isa.

But my mother was certain that they would be separated, and the main reason was? It's because of me.

My family came from a well-known and respected clan. Basically, ang daddy ko lang. I come from a rich family. Yeah, hindi lang halata. Ang pamilya ng daddy ko ay kilala bilang isa sa mga business tycoons. Kung mababanggit mo ang surname na Agoncillo sa business world ay imposibleng hindi ito mare-recognize. Agoncillo's is really famous when it comes to the business industry.

Samantala ang Mom ko ay nanggaling sa isang simpleng pamilya. Hindi mayaman, hindi rin mahirap. Nakamit niya ang pagiging doctor ng dahil sa pagsusumikap ni Tata at Nana sa negosyo nilang Longanisa, they're my Mom's parents. Nasa Ilocos ang pamilya ni Mom kaya hindi ko sila masyado nakakasalamuha. Minsan lang kami dumadalaw sa kanila dahil busy at walang time na mag-out of town ang parents ko, lalo na si Mom dahil full load ang schedule niya sa hospital every time.

But I'm not an Agoncillo anymore. I am a Chua, by name and by blood. Pero hindi iyon hadlang para hindi ako ituring na tunay na anak ni daddy. Sa katunayan ay mas lalo niya akong minahal after he knows the truth. He still accepted me as his own. He gave what a father could ever give to his son, at nang dahil dito ay mas naging masalimuot ang buhay ko.

Nasa back seat ako ngayon ng kotse ni kuya Clark, of course kasama ko rito si Erie. Wala akong idea kung saan kami dadalhin ng kapatid kong babaero.

"Saan tayo pupunta, Kuya?"

Sinilip niya ako mula sa rear-view mirror pero napunta agad ang tingin niya sa bansot kong katabi. "Relax, bunso. Malapit na tayo sa destination natin and for sure, miss mo na ang lugar na 'yon."

Hindi niya pa rin inalis ang mapangnasang tingin sa katabi ko, gusto ko lagyan ng piring ang mga mata niya nang matigil na siya sa kakasilip kay Erie. Namimihasa na siya sa kakatingin! Paniguradong nabawasan na naman ng twenty percent ang ligtas points niya sa langit dahil sa kakasulyap ng may halong malisya sa katabi ko.

"Eyes on the road, kuya. Ayoko pa mamatay," iretable kong utos sa kanya. Ngumisi lang ito at hindi niya pinansin ang sinabi ko.

Kung bakit ba kasi sa pagkakataong ito niya pa napiling magpakita. Ang daming araw na puwede niya akong puntahan at kumustahin, bakit ngayon pa na kasama ko ang best friend ko?

Hindi ko alam kung ako ang ipinunta niya sa school, o ang babaeng katabi ko na sing-putla ng bangkay ngunit napakaganda pa rin?

Gusto ni Kuya Clark na katabi si Erie sa front seat 'tapos ako lang ang uupo rito sa likuran. Siyempre hindi ako pumayag! Ano siya hilo? Alam ko ang dahilan kung bakit gusto niyang makatabi ang kaibigan ko sa biyahe.

Paniguradong natipuhan niya si Erie! At ramdam ko 'yon. Kahit hindi niya sabihin ay nababasa ko ang mga kilos niya simula nang makita niya ito. Sa paraan pa lang ng titig niya rito ay parang gusto na niyang siilin ng halik. Ganyan kamanyak ang kuya ko.

Pati mas bata sa kanya ay pinapatulan. Siya ang living proof ng tirador ng highschooler.

"P-Private Benj."

Memories of Erie Season 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon