Chapter 11 - My Erie

7 1 0
                                    

LIAM BENJAMIN

"Huy! Halika ka na dali! Tara naaaaaa!"

Pilit hinihila ng kasama kong pandak ang braso ko pero hindi niya ako madala-dala dahil mas malaking bulas ako kaysa sa kanya.

Saktong 5:00 PM nang mag-aya si Aerielle ng friend date na sabi niya. Nakakapansisi na binanggit ko ang salitang date sa babaeng 'to, may naramdaman na akong kaunting tuwa sa puso ko dahil ma-e-experience ko ng makipag-date for the first time.

Sino ba ang hindi matutuwa? Sa katulad kong ni minsan ay hindi man lang nagustuhan ng isang babae? Big deal sa akin iyon! I never experienced such things; I never had a chance para ayaing lumabas ang isang babae dahil for the nth time, walang nagkakagusto sa akin at walang may gustong kasama ang katulad kong weirdo at nerd. That's why I felt delighted and excited when she said that we were going on a date, 'tapos biglang babanat ng friend date?

Hindi ko alam kung bakit ako naaasar sa babaeng 'to dahil lang sa friend date na 'yan. Pakiramdam ko'y pinaasa niya ako, pero bakit ko nga ba iniisip na pinaasa niya lang ako? Yes, we're friends, but why am I expecting that date thingy happen to us? Eh, hindi naman siya ang tipo ko!

And yes, she's Aerielle, the untidy and messy girl that I hated. But, there's nothing wrong with trying to have a date, right? Pero nakakawala talaga ng mood ang sinabi niya. Alam ko na hindi ko siya gusto pero, nandoon na ko sa puntong sa wakas, I finally gonna experience dating for real 'tapos biglang—aish! Nakaka-badtrip!

"Tara na Chuaaaaa tagal mo naman, eh!" pagta-tantraums muli ng pandak, dugyot, at paasa kong kasama.

Hila-hila niya ang braso ko papasok ng mall. Oo, sa mall ako dinala ni Aerielle. Sabi niya ay sa tabi-tabi lang ng subdivision na pinagtutuluyan ko kami maglalakad-lakad, 'tapos biglang nagpara ng trisikel at dinala ako rito. Take note of this, hindi niya man lang ako pinagbihis ng matino man lang. Pangbahay na damit at tsinelas lang ang suot ko! Hindi na ako nakapagpalit dahil ang sabi niya ay sa loob lang kami ng subdivision mag-gagala! Nakakagigil talaga siya, gusto ko siyang sakalin ng husto. Kung hindi lang masama ang manakit at kung hindi ko lang siya kaibigan ay ginawa ko na 'yon kanina pa!

"Bilisan mo naman, nagugutom na mga bulate ko!" pagrereklamo niya ulit dahil makupad pa ako sa pagong kung maglakad.

Nakakawalang gana naman talaga ang ganito. Dismayado ka na nga sa naudlot na romantic date 'tapos ganito pa ang ayos ko?

Pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong namin pero wala lang sa kanya? Palibhasa kasi ang ayos-ayos ng porma niya kaya ang lakas ng loob magpunta ng mall. Naka-black jersey short at gray t-shirt lang ako, 'tapos siya? Ang ganda ng ayos, purmadong-purmado. Nagmumukha niya akong alalay!

Tumigil ako sa paglalakad nang mapansin kong papasok kami sa isang fast food chain, sa paghinto ko ay biglang napaatras siya ng hakbang, hindi niya naman ako kayang hilain dahil mas malaki ako sa kanya at pandak siya. Pag-atras niya ay nauntog ang ulo niya sa dibdib ko kaya irita niya akong nilingon.

"Aray ko naman! Bakit ka huminto?" tanong niyang nakatingala sa akin.

Gusto ko ngumiti dahil sa view na nakikita ko, lukot ang mukha niya pero ang cute pa rin! Mukha siyang nuno sa punso na natapakan ang bahay. I shrugged the thoughts that I was thinking because I remembered that I was annoyed with her.

I gave her a bored look para maramdaman niyang hindi ako natutuwa sa kanya, sa ngayon. "Why are we here?"

She frowned and rolled her eyes. At marunong pala mang-irap ang dugyot na 'to? Ang akala ko ay puro lang siya pagpapa-cute. May kamalditahan din pala siyang taglay.

Memories of Erie Season 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon