Chapter 18 - Run Away

3 1 0
                                    

LIAM BENJAMIN

"Benji, two days akong mag-stay sa hospital. Iyong patient na naka-assign sa akin kailangan ma-obserbahan for 48 hours. Nasa crucial stage kasi ang lagay ng patient ko na 'yon."

Bawat pagsubo ko ng pagkain ay hindi mapakali ang utak ko kakaisip sa isang bagay na nagpapagulo sa akin simula pa kagabi.

"Kaya hihingi na ako agad ng sorry if hindi kita maaasikaso, ha? Pero huwag ka mag-alala, two days lang naman 'yon. Babawi ako sa 'yo, okay? Gagalingan ni mama ang pag-aalaga sa patient na 'yon para naman makapag-bonding tayo kaagad."

I just want to forget the thoughts that are bugging me because... why should I worry if Nicolai likes her? Ano naman sa akin? Pakialam ko? Pero gusto kong iuntog ang ulo ko dahil umaatake ang anxiety ko nang dahil lang sa thought na 'yon.

Erie is my friend and my special person, I must say. She's just my damn friend, but why? Why do I feel scared? I'm scared of losing her because Nicolai might court her and... and she might lose her time and interest in me. Baka hindi na niya ako pansinin or worst... She will leave me, all alone.

"Huwag kang magpapagabi lagi sa labas kasama ang mga friends mo, ha? Okay lang makipag-bonding pero limit pa rin, 'nak."

And that thought leaves a pain in my heart. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako..

Hindi ko mapigilang hindi alalahanin ang mga salitang nasabi ni Samuel between my Erie and Nicolai. Mas nababalisa ako sa tuwing naiisip ko na posibleng maging sila dahil hindi maitatanggi ang pagiging malapit nila sa isa't isa. Aakalain mo nga na mag-on sila kung hindi mo malalaman na magka-team lang sila sa dance group, and yeah, they are close friends.

Parang nanunumbalik muli ang pagka-inis ko kay Nicolai nang dahil lang doon. Parang gusto ko siyang isako at itapon sa San Juanico Bridge nang hindi na siya makalapit kay Erie.

Napapahigpit ang paghawak ko sa tinidor ng maalala ko ang mukha ni Nicolai. Alam ko na maling mainis ako sa kanya dahil wala naman siyang ginagawa sa akin na masama, pero... Hindi ko mapigilan ang sarili kong mainis dahil hindi ko alam kung totoong may gusto siya ang kaibigan ko.

"At saka 'yong girl best friend mo, huwag mo palagi papuntahin dito, ah. Lalo na kapag gabi na. Naku, Benjamin. Ayoko pa maging batang lola. Okay lang naman kung dadalawin ka niya pero dapat sa umaga lang. Maganda na ang nag-iingat—hoy Benji, nakikinig ka ba?"

Napalingon ako kay Mom dahil hinampas niya ako ng kutsara sa braso. Kunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. "Balak mo bang butasin 'yang plato natin?"

Tinignan ko ang plato ko, medyo may scratch na ang gitna dahil gigil ko palang nahihiwa ang Pork steak na kinakain ko.

"Gigil na gigil ka riyan sa baboy. Inaano ka ba niyan?"

"Ang tigas kasi ng pagkakaluto," pagdadahilan ko.

"Anong matigas? Pinakuluan ko 'to kagabi bago lutuin ngayon."

"Matigas nga!" I insist.

"Oh, bakit ka nagagalit? Kalma ka lang nagpapaliwanag lang ako."

Dumadagdag pa sa pagkairetable ko ang pagtatanong ni Mom. Ayokong isipin nang isipin si Erie at Nicolai dahil nagkakaganito ako. Hindi ko nagugustuhan ang nagiging asal ko. I hate myself when I overthink everything. Kapag nasimulan ko na ito ay hindi na matigil ang utak ko sa kakaisip ng mga possible scenarios in future. I don't like it, but I can't help it. I couldn't calm my mind. It sucks.

"I'm not mad. I'm just... nevermind. Sorry."

"May problema ka ba? O ayaw mo ng niluto ko? Ikaw naman kasi kanina pa ko katok nang katok sa kuwarto mo para itanong ang gusto mong breakfast, hindi ka naman sumasagot," lintanya ni Mom habang naghihimay ng ulam.

Memories of Erie Season 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon