Chapter Nine

304 7 2
                                    

𝐀𝐥𝐥𝐢𝐡𝐳𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐎𝐟 𝐕𝐢𝐞𝐰
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mga pisnge ko. Hindi ko ba naisara ang bintana kagabi?

"Ahhhh!" Saad ko dahil biglang sumakit ang ulo ko sa di ko mawaring dahilan

Ano ba nangyari kagabi? Wala akong maalala!

"Buti naman gising ka na!" Nagulat ako dahil kay Stephanie, di ko alam na nandiyan pala siya

"Ano nangyari kagabi?" Tanong ko ka-agad

"Wala kang ma-alala?" Tanong nito pabalik sakin

Ano nga bang nangyari kagabi?

"Wala..." Tangi kong sagot at umiling na lamang

"Ayan! Inom pa!" Saway nito kaya nag-isip isip ako

Ayyy, uminom nga pala ako kahapon!

Teka, paano ako nakauwi?

"Teka, p-paano ako nakauwi? Sinundo mo ako?" Tanong ko

"Wala ka talagang ma-alala?" Kamot ulong tanong ni Stephanie

"Magtatanong ba ako kung may maalala ako mula kagabi?" At umirap sa kawalan

"Kumain ka muna para matanggal yang hangover mo kahit papaano!" At lumabas ito kaya no choice ako kundi sundan siya sa baba

Naupo ako sa lamesa

Paano ako nakauwi?! Sinong nag-uwi sakin?! Si Stephanie ba?

"Ikaw ba nag-uwi sakin dito?" Tanong ko ka-agad

Laking gulat ko nang umiling si Stephanie

"EDI SINO?!" Taranta kong tanong

"Pag sinabi ko kasi sayo baka di ka maniwala eh..." Saad ni Stephanie

"Sino nga?" Tanong ko

"Si Vester!" Bulong nito kaya halos mabulunan na ako

"SI VESTER?!" Gulat kong tanong pero tumango na lamang si Stephanie

Bigla akong nakaramdam ng hiya sa di ko mawaring dahilan! Feeling ko may ginawa akong katarantaduhan kagabi... I wish sana wala!

"P-paano ako nakita ni Vester?" Nahihiya kong tanong

"Alalahanin mo nlang mare... Nakakahiya kasi pag ako pa magkuwento!" Bakas sa boses ni Stephanie na natatawa siya

"Stephanie!" Saway ko pero patuloy lang sa pagkain ang gaga

"Kaya mo yan!" Pabirong saad ni Stephanie kaya inirapan ko siya

Habang kumakain ako, may biglang pumasok sa isipan ko kaya halos mabulunan na ako!

"Oh, anyare sayo?" Naga-alalang tanong ni Stephanie

"T-totoo?" Tanong ko sa kawalan

"Ang alin?" Nagtatakang tanong nito

NAKAKAHIYA ANG GINAWA KO KAGABI!

Ngayon pa lang nahihiya na akong humarap kay Vester... Isang malaking kahihiyan na toh para sakin!

"So na-alala mo na?" Tanong ni Steph

"Nakakahiya..." Tangi kong sagot

"Dapat ka lang mahiya mare! Jusq.." Sang ayon ni Steph

Split Love [SB19_STELL]Where stories live. Discover now