Chapter Twenty Two

263 6 0
                                    

A/N: Sorry for the laye update! Palaging walang load si Madam nyo ihh.

You can add/follow me on facebook Archanian Ji Ah Ajero

BTW, here's Chapter Twenty Two. Enjoy reading!

𝐀𝐥𝐥𝐢𝐡𝐳𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐎𝐟 𝐕𝐢𝐞𝐰
Nanatili kaming tahimik ni Stephanie ngayon hanggang---

"Oo na!" Pagbasag ko ng katahimikan "Gusto ko na nga si Vester!" Saad ko kaya pinitik ni Stephanie ang daliri nito

"Yun naman pala eh!" Tumatangong saad ni Stephanie

May naiisip akong paraan ngayon kung paano ko matutulungan si Vester

"Alam ko na..." Tumatango kong saad

"Ang alin?" Tanong ni Stephanie

"May nasabi sakin si Vester kung saang kulungan dinala ang tatay niya. Pupuntahan ko lang!" Sagot ko

"Teka paano ako? Iiwan mo ako dito kasama si Vester?! Please wag!" Sunod sunod na saad ni Stephanie

"Di ka naman sasaktan ni Vester eh!" Sarcastic kong sagot

"Eh---"

Di ko na siya pinansin pa at nilayasan nalang ito dahil alam ko marami pa itong sasabihin na kung ano ano!

𝐒𝐭𝐞𝐩𝐡𝐚𝐧𝐢𝐞'𝐬 𝐏𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐎𝐟 𝐕𝐢𝐞𝐰
Aba't iniwan niya nga ako. Panget naman kabonding ni Allihza!

Wala na akong ibang nagawa kundi ang lumamon na lang

"Steph! Si Allihza nasaan?" Halos mapatalon ako sa gulat nang may tumawag sakin

"V-vester! Ikaw lang pala..." Sambit ko "Si Allihza? Ayun, may lakad!" Dagdag ko

"H-hindi ako si Vester..." Saad nito kaya tiningnan ko siya ng diretso

"S-stell?!" Gulat kong saad "Jusq Stell! Ikaw ba yan?!" Tanong ko rito kaya tumango ito

Huminga ako ng maluwag dahil si Stell ang kasama ko at hindi si Vester

"Si Allihza?" Tanong nito at naupo sa sofa habang ako ay nasa lamesa lumalamon

"Umalis si Allihza.." Sagot ko rito "May nilakad lang. Antayin mo nlang..." Saad ko rito

Nakita ko na tumango ito

"T-teka, paano ka nakabalik Stell?" Tanong ko rito

"Bakit? Naging Vester ba ako?!" Gulat na tanong nito kaya tumango ako

"Oo..." Tanging sagot ko at patuloy pa rin sa pagkain "Yung Vester nga na yun eh nagpanggap pa na ikaw eh!" Dagdag ko rito

"Ginawa niya yun?" Tanong ni Stell kaya tumango ako

"Yup!" Tangi kong sagot

𝐀𝐥𝐥𝐢𝐡𝐳𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐎𝐟 𝐕𝐢𝐞𝐰
Nandito ako ngayon sa isang police station na sinasabi ni Vester kung saan dinala ang tatay niya

"You're looking for Mr. ***** Quitales ma'am?" Tanong ng pulis sakin kaya tumango ako

"Opo.." Tanging sagot ko "Gusto ko lang sana tanungin kung may mga gamit ba siya diyan na naiwan?" Tanong ko

"Unfortunately ma'am wala, mula kasi ng ilipat siya ng kulungan.. Wala na kaming balita" Sagot nito

"Ganun po ba?" Tanging saad ko nalang

"Kaano-ano niyo po ba si Mr. ***** Quitales ma'am?" Tanong nito sakin

"Tatay po kasi siya ng boyfriend ko sir!" Sagot ko "Mula kasi nung namatay daw sa kulungan ang tatay niya medyo napariwara ang buhay ng anak niya!" Dagdag ko

"Ano? Hindi pa patay si Quitales ma'am!" Sambit ni kuya kaya nanlaki ang mga mata ko ng marinig yun

"Buhay pa po siya?!"

𝐄𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟐𝟐

Split Love [SB19_STELL]Where stories live. Discover now