Chapter Eleven

300 3 0
                                    

𝐀𝐥𝐥𝐢𝐡𝐳𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐎𝐟 𝐕𝐢𝐞𝐰
Nanatiling nakayakap sakin si Vester at ako naman itong nanigas dahil sa sinabi niyang MAHAL kanina

"V-vester?" Saad ko at bumitaw "Anong trip mo Vester?" Tanong ko

"Mahal! Ako toh, si Stell!" At hinawakan niya ang magkabilang balikat ko

Stell?

"H-ha? V-vester, kung nagbibiro ka man, hindi nakakatawa" Seryuso kong saad

"Hindi ako nagbibiro, atsaka... Sinong Vester?" Nagtatakang tanong nito kaya tiningnan ko si Stephanie sa likuran na tila gulat na gulat sa mga pangyayari, kahit ako ganun din!

Paanong hindi niya kilala si Vester? Eh siya din mismo yun!

Binaling ko uli ang tingin ko sa kaharap ko ngayon, kung si Vester ba toh o si Stell

"I will ask you one last time. Who are you?" Tanong ko

"Ako toh Mahal, si Stell!" At hinawakan nito ang magkabilang pisnge ko

"S-stell?" Mangiyak-ngiyak kong saad pero ngumiti lang ito sakin at hinalikan ang noo ko

Bagay na palagi niyang ginagawa sakin. Niyakap ko ka-agad siya ng mahigpit

"Mahal! Where have you been?! Ba't ang tagal mong nawala?" Naiiyak kong saad

Biglang bumitaw si Stell

"Anong matagal na nawala?" Tanong nito kaya nanlaki ang mata ko sa tanong niyang yun

"P-pumasok muna kayo..." Bakas sa boses ni Stephanie ang kaba kaya kinabahan din ako

Naupo kami sa sala

"Ba't ang tagal mong nawala Mahal?" Tanong ko ka-agad

"Allihza, hindi ako nawala ng matagal..." Iling nito

"Stell isang taon kang nawala! Ano bang nangyari sayo?" Saad ko

How come na wala siyang ma-alala?

"Diba si Vester ka pa nga?" Tanong ko

"S-sinong Vester?" Nagtatakang tanong nito

"Ha?" Naguguluhan kong tanong

"Mahal, di ko alam ang mga sinasabi mo..." Umiiling na saad ni Stell

Tiningnan ko si Stephanie na kaharap ko lang at bakas sa mukha niya ang pagtataka

Hinawakan ko ang mga kamay ni Stell

"Stell, nakilala kita the past few days. Sinabi mo pa nga hindi ikaw si Stell, kasi ikaw daw si Vester!" Kuwento ko

Tanging iling lang ang sagot ni Stell kaya mas lalo akong kinabahan

Ano ba nangyayari sayo Stell?!

"Wala akong ma-alala. Mahal, I promise! Hindi ako nawala ng matagal, lalong hindi ako naging Vester. Ni hindi ko nga kilala yan si Vester eh!" Mahabang litanya ni Stell

Like what? Hindi niya maalala?

Si Vester, hindi niya maalala na naging Stell siya eh. Ta's ngayon, di niya maalala na naging Vester siya? Ano ba talagang nangyayari?
.
.
.
.
Matapos ng pagu-usap namin ni Stell, dito ko na siya pinatulog para di na kami malayo sa isa't isa

"Stephanie..." Sambit ko "Ano bang nangyayari kay Stell?" Tanong ko

"Bes, I think this is a sign na ipatingin mo na psychiatrist si Stell..." Seryusong saad ni Steph

"Pero hindi baliw si Stell!" Umiiling kong saad

"Hindi ko sinasabing baliw si Stell! Who knows, baka meron siyang problema! Maybe he needs someone to be open with, I think psychiatrist is best na makausap niya!" Explain ni Steph

"Pero teka, anong connect ng psychiatrist sa problema natin?" Tanong ko

"Stell has a symptoms of split personality"

"Split personality?" Gulat kong tanong kaya tumango na lamang siya

"Hindi na-alala ni Stell na naging Vester siya, right?" Saad ni Steph kaya nakaramdam ako ng kaba

Di ko man lubusang alam ang ibig sabihin ng split personality, pero mukhang seryusong usapin din ito pag hahalungkating mong mabuti!

Ngayon palang kinakabahan na ako...

Anong nangyayari sayo Stell?

𝐒𝐭𝐞𝐥𝐥'𝐬 𝐏𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐎𝐟 𝐕𝐢𝐞𝐰
It's so good to be back, pero ang pinagtataka ko lang ay si Allihza.

She's been acting weird, pero nagtaka din ako sa sarili ko kung bakit puro pasa ang mukha ko!

"Stell" Si Allihza

"Bakit Mahal?" Nginitian ko siya

"Puwede ba tayo magusap?" Tanong nito kaya tumango ako

"Oo naman. Ano ba ang pagu-usapan natin?" Saad ko

Tumabi siya sakin

"Stell, Mahal, you trust me right?" Biglang tanong nito

"Anong klaseng tanong ba naman yan? Of course I do!" Sagot ko

"Bukas na bukas, puwede ka ba sumama sakin?" Tanong ni Allihza

"Sige, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko

"Just trust me. This is for your own good Mahal" Sagot nito

Tumango na lamang ako at niyakap siya

"I miss you so much Mahal..." Sambit ni Allihza

Kahit di ko alam ang sinasabi niya, alam kong bukal sa loob niya ang mga sinabi niyang yun

Bumitaw ako sa kanya at hinalikan ang noo niya dahil alam kong yun ang paborito niyang ginagawa ko

𝐍𝐄𝐗𝐓 𝐃𝐀𝐘
𝐀𝐥𝐥𝐢𝐡𝐳𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐎𝐟 𝐕𝐢𝐞𝐰
"Ano ginagawa natin dito Mahal?" Tanong ni Stell nang makarating kami sa office ng psychiatrist na nirecommend ni Stephanie

"Uhmmmm... I'm sorry Mahal, but I need to do this... Gusto ko lang malaman kung ano talagang nangyari sayo" Sagot ko "You trust me right?" Tanong ko rito kaya tumango si Stell

Nang dumating ang Doctor, marami silang tinanong kay Stell na kung ano-ano... At luckily, nakisama si Stell sa plano ko

"Allihza, didiretsahin na kita..." Saad ni Doc

Nakaramdam ako ng kaba dahil dun

"Doc, may sakit po ako?" Sabat ni Stell

"Stell, you have a psychiatric condition called Dissociative Identity Disorder or Split Personalities"

Dissociative Identity Disorder?!

𝐄𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏𝟎

Split Love [SB19_STELL]Where stories live. Discover now