Chapter Fourteen

310 4 0
                                    

𝐀𝐥𝐥𝐢𝐡𝐳𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐎𝐟 𝐕𝐢𝐞𝐰
Lumabas ako sa kuwarto ni Vester na dala dala ang baril, baka kasi puwede ito magtrigger kay Vester na bumalik!

Dala dala ko din ang mga papeles ni Vester

Di naman sa ayaw ko ng bumalik si Vester! Baka daw kasi mas lalong lumakas ang alter kapag nagtagal siya sa pag control sa isipan at katawan ni Stell! Eh ayaw ko naman mangyari yun

Di pa rin talaga maalis ang tingin ko sa baril na hawak ko ngayon. Not until---

"M-miss, kung ano man yang balak mo... P-please wag mo ituloy! You still have a reason to live your life!" Nagulat na lang ako nang may nagsalita sa may pintuan palabas ng bahay ni Vester

"A-ano---"

"Miss! Wag mo itutuloy yan..." Isang babae, maganda! Halos kasing edad ko lang..

And she seems familiar!

Dahan dahan itong lumapit sakin

"D-do I know you?" Tanong ko

"What?" Gulat na tanong nito

And I realized it was---

"M-maxine?!" Gulat kong saad

Si Maxine, my cousin na balikbayan from States! Nabalitaan ko na lang kasi na pumunta siya sa States para mag-aral

Hindi siya nagbago, ganun pa rin! OA pa rin talaga. Minsan nagsasama pa yan sila ni Stephanie!

"Wait.... Allihza? Allihza is that you?" Saad nito kaya tumango ako "Allihza, ibaba mo yang hawak mong baril!" Utos nito

"Ayusin mo ang desisyon mo sa buhay Allihza!" Saway nito

Akala niya siguro papatayin ko ang sarili ko!

"Hindi---"

"Isa ka ba sa mga ginago ni Vester? Aba'y lokong yun! Nasaan siya?!" Galit nitong saad

Kilala niya si Vester?!

"Look Maxine, hindi ko papatayin ang sarili ko! Nakita ko lang toh sa kuwarto ni Vester..." Saad ko

"Ganun?" Kamot batok nito "Akala ko kase may balak kang magpa-kamatay!" At huminga ito ng maluwag

"Ibaba mo na yan... Baka maputok mo pa yan!" Utos na saad ni Maxine

"Kailangan ko kasi toh..." Saad ko

"Bakit? May papatayin ka?! Sino si Vester?!" Sunod sunod na saad ni Maxine "Itabi mo, ako na!" Dagdag nito

"Teka nga! Maupo muna tayo dito..." Anyaya ko at hinila siya sofa

Matagal din kaming hindi nagkita ni Maxine!

"Kumusta ka na pala Maxine?" Tanong ko

"Ayos lang! Matagal din tayo hindi nagkita, ikaw ba? Kumusta na?" Magiliw na sagot ni Maxine kaya ngumiti lang ako dito

"Ngiti ba ng isang heartbroken yan?" Tanong ni Maxine "Hayy naku, chill ka lang! Parehas lang tayo" Pabulong na saad nito kaya tiningnan ko siya ng diretso

"Ba't mo nga pala kilala si Vester?" Tanong ko agad

"Si Vester? Isa lang naman ako sa mga babaeng ginago niya!" Bitter na saad nito

"Naging kayo pala ni Vester?!" Gulat kong saad

"Oo! Naging kami... Halos isang buwan lang din kami nagsama! Ni di ko nga naramdaman sakanya ang LOVE kuno! Atsaka yan si Vester?! Gago yan! Kaya kong palampasin lahat ng pangga-gago niya, pero yung ikaw ang gaguhin niya?! No, this can't be!" Mahabang litanya nito at tumayo pero pinigilan ko siya at pinaupo uli

"Maxine, hindi naging kami ni Vester! Sadyang kumplikado lang ang sitwasyon namin ngayon..." Malungkot kong saad

"Huh? Bakit naman?" Tanong nito

Kinuwento ko sakanya ang tungkol sa biglaang pagkawala ni Stell at at kung paano ko nakilala si Vester.

Kahit si Maxine ay gulat na gulat den...

"So what you mean? Iisa lang sila Stell at Vester?" Tanong ni Maxine

"May DID si Stell, Maxine" Tangi kong sagot

"DID? As in Dissociative Identity Disorder?" Tanong nito kaya tumango ako

"Oo. Si Vester ang alter ni Stell" Sagot ko

"Kaya pala...." Tango ni Maxine kaya nagtaka ako

"Kaya pala ano?" Tanong nito

"Allihza, naalala ko si Vester noon... Tuwing tulog siya, nagsasalita siya! Akala ko lang noon nananaginip lang siya. But I think I know the reason" Sagot ni Maxine

"Gusto mo bang makita si Stell? Kahit ngayon lang?" Tanong ko pero umiling si Maxine

"No, I don't want to. Pumunta lang ako dito para mag-paalam sana kay Vester..." Nakayukong saad nito

"Bakit naman?" Tanong ko kaya't hinawakan ni Maxine ang kamay ko

"I'm going to States, I'm living there for good" Tangi nitong sagot kaya natahimik ako

"I think it's best na mag-paalam ka.." Saad ko

"I change my mind, Allihza. Alagaan mo sana si Vester--- este si Stell! Whatever, they are still the same!" Naiiling ni sagot ni Maxine

"Sige, mukhang di kita mapipilit..." Nakayuko kong saad

"Do you know they're triggers?" Tanong ni Maxine kaya umiling ako

"Kay Stell lang ata..." Sagot ko at pinakita ang family picture nila

"There's this one time... Naging Stell bigla si Vester, dahil dito sa picture na toh.." Kuwento ni Maxine "Ako na mismo ang magsasabi, you should keep this!" Payo ni Maxine kaya tumango ako

Nabalot kami ng katahimikan hanggang---

"Allihza" Sambit ni Maxine kaya nag-angat ako ng tingin "I think I know kung ano ang trigger ni Stell para maging Vester!"

Sa sinabi niyang yun, tila nabuhayan ako ng loob

"Talaga? Ano?" Tanong ko

𝐄𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏𝟒

Split Love [SB19_STELL]Where stories live. Discover now