Chapter Fifteen

319 5 0
                                    

𝐀𝐥𝐥𝐢𝐡𝐳𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐎𝐟 𝐕𝐢𝐞𝐰
Nang makauwi ako, tinago ko ka-agad ang mga gamit na related kay Vester kung saan para di na niya ito makita!

Mas mabuti na ang sigurado, kesa magsisi pa ako!

Nang makababa ako, nadatnan ko si Stephanie at magisa lamang ito kaya nagtaka ako. Kasi kanina, kausap lang niya si Stell eh!

"Steph, si Stell?" Tanong ko

"Nasa kusina!" Sagot nito "Oh, ano ang nahalungkat mo sa bahay ni Vester?" Tanong nito kaya huminga ako ng malalim

"Nakita ko ang mga legal files ni Vester... Pero may nakita akong baril sa mga gamit niya!" Sagot ko kaya nanlaki ang mata ni Stephanie

"Baril?" Paglilinaw nito kaya tumango ako "Ayy jusq! Gumagamit rin pala ng baril ang mokong na yun?"

"Kahit ako gulat na gulat.." Kibit balikat ko "Nga pala Steph, I think alam ko na ang trigger ni Stell para maging Vester!" Pagiiba ko ng usapan

"Ano?" Tanong nito

"Bago yan, naalala mo pa si Maxine?" Tanong ko

"Ah si Maxine? Oo!" Sagot nito "But what about Maxine?" Tanong naman nito

"Nakausap ko siya kanina..." Saad ko

"Talaga?! Ba't di mo manlang sinabi?!" Gulat na saad nito

"She seems in a hurry kasi! Atsaka sabi niya, pupunta na daw siyang States for good" Sagot ko

"Ganun? Sayang naman..." Malungkot na saad ni Stephanie "But anong connect ni Maxine dito sa pagu-usapan natin?" Tanong nito at uminom ng tubig

"Naging sila daw ni Vester" Simpleng sagot ko kaya bigla niyang nabuga ang iniinom niya sa kawalan

"A-ano?! N-naging sila?!" Gulat na tanong nito

"Ba't gulat na gulat ka naman?!" Pag react ko

"You gotta be kidding me Allihza! Ang matinong si Maxine?! Pumatol kay Vester?!" Gulat na tanong ni Stephanie

"Oo daw.. Isang buwan nga lang ang tagal nila" Saad ko

"Kahit sinong nasa katinuan ang isipan hindi magagawang pumatol dun kay Vester ha?! Infairness kay Maxine!" Komento nito kaya natawa na lang ako

"So yun na nga! Alam ni Maxine ang trigger ni Stell to be Vester" Seryuso kong saad, kita ko naman kay Stephanie na nakikinig siya

𝐅𝐋𝐀𝐒𝐇𝐁𝐀𝐂𝐊
𝐀𝐥𝐥𝐢𝐡𝐳𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐎𝐟 𝐕𝐢𝐞𝐰
"Allihza" Sambit ni Maxine kaya nag-angat ako ng tingin "I think I know kung ano ang trigger ni Stell para maging Vester!"

Sa sinabi niyang yun, tila nabuhayan ako ng loob

"Talaga? Ano?" Tanong ko

"Knowing Vester, war freak na tunay yan! Kahit saang lupalop pa ng mundo yan, hindi puwedeng walang kaaway yan! Kaya kada uwi niyan dito puro pasa, sugat, minsan nga tama pa ng bala eh!" Kuwento ni Maxine

"Tungkol nga pala sa pag gamit ng baril ni Vester---"

"May gun licence si Vester if you ask.." Putol ni Maxine sa sasabihin ko kaya huminga ako ng maluwag

"Buti naman!" Saad ko

"About sa trigger kay Vester.. Allihza, ilayo mo sa stress si Stell" Payo nito

Split Love [SB19_STELL]Место, где живут истории. Откройте их для себя