Chapter Seventeen

272 6 0
                                    

𝐀𝐥𝐥𝐢𝐡𝐳𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐎𝐟 𝐕𝐢𝐞𝐰

"Bes?" Si Stephanie "Mukhang seryuso ka diyan ah?" Tanong nito

Napagtanto ko na kanina pa pala ako nakaharap sa laptop ko

"Ah, wala lang toh!" Saad ko at pinatay ang laptop

"Bes, wala ka bang napapansing kakaiba kay Stell?" Tanong nito

"Huh? Bakit? Wala naman..." Sagot ko rito

"Kung ikaw walang napapansin, puwes ako meron!" Saad nito at naupo sa tabi ko

"Bakit? Anong napapansin mo?" Tanong ko

"Si Stell, mula nung nahuli kong nagka-kape sa gabi... Inaraw araw niya yun! Tapos naalala mo yung umuwi siyang lasing nung pumunta siya kina Ken? Inaraw araw din niya..." Kuwento nito kaya medyo natahimik ako "Tapos Ms. Parrot pa ang tawag niya sakin minsan! Eh si Vester lang naman ang puwedeng tumawag sakin ng Ms. Parrot. Si Vester lang ang tumatawag sakin ng Ms. Parrot, paanong nalaman yun ni Stell?!" Dagdag nito

Oo nga noh?

"Feeling ko hindi na si Stell ang kasama natin!" Bulong nito, yung kami kami lang ang nakakarinig!

Vester? Nakabalik na siya? But how?

"Di kaya nakabalik na si Vester?" Nakuha ko ang punto ni Stephanie dun

"Exactly!" Sang ayon ni Stephanie

Kinabahan agad ako, kung nakabalik na si Vester.. Ba't hindi siya nagsabi?!

Ano toh? Sinakyan niya ang trip namin ni Stephanie?

"Nasaan si Stell?" Tanong ko rito at tumayo

"Huh? Sa taas!" Sagot naman ni Stephanie

"Dito kalang, may huhulihin lang akong daga!" Seryuso kong saad at umakyat sa taas sa kuwarto ni Stell

Agad agad ko yung binuksan kaya laking gulat niya nang makita niya ako

"M-mahal! Nakakagulat ka naman!" Gulat na saad nito

Nagka-kape siya mga mare, pare!

"Habit mo na pala ang magkape ngayon?" Sarcastic kong tanong

"Huh?" Tanging saad nito

"May naaalala ako sa black coffee na yan!" Kasabay nun ang pag cross arms ko kaya natawa si STELL o kung sino man itong kaharap ko!

"Sino naman?" Tanong nito

"Si Vester.." Tangi kong saad kaya natigilan siya sa paghigop niya ng kape niya

"S-sorry?" Utal utal na saad nito

"Harapin mo nga ako, sino ka ba talaga?" At dahan dahan akong lumapit sa kanya

"Ako toh, si Stell!" Sagot nito

"Talaga?" Sarcastic kong saad at tinaasan siya ng kilay

Halatang guilty ang mokong!

"Liar!" Saad ko

Nagulat na lang ako ng tumayo ito at hinalikan ako bigla!

Nanlamig ang buong katawan ko nang dahil dun!

Di ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit! Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon!

Nakaramdam din ako ng pagiinit ng mga pisnge ko

Sino ba talaga toh? Si Stell o si Vester?

Binitawan niya ako kalaunan at may binulong pa siya sakin

"It's me baby..."

𝐄𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏𝟕

Split Love [SB19_STELL]Where stories live. Discover now