PROLOGUE

229 11 0
                                    

HOY!

Agad akong napabalikwas nang sigawan ako ng mabait kong kapatid.

"Ano ba Kuya, nanggugulat ka dyan?!"

Tsk. Sobrang sarap na ng tulog ko dito tapos bigla ako gugulatin. Konting konti na lang talaga babanatan ko na'to.

"Nakabalik na daw si Simon ng Pilipinas and baka pumunta siya dito sa Ilocos bukas" saad niya.

Nilingon ko ang wall clock at nakitang 7 am pa. Agad akong humiga at pinikit ulit yung mga mata ko.

"Okay"

"Okay? Yun lang? Seryoso ka? It's Joseph Simon Marcos. Bumalik na siya! Hindi ka man lang excited?"

"Hindi" sagot ko sa kanya.

"Tsk.. tsk.."

Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto. Buti naman at hindi na ako kinulit nun. Hays.

Makikita ko na ulit siya. It has been 2 years since the last time I saw him.

Pinilit kong matulog ulit pero hindi ko na nagawa pa. Nilalamon ng isip ko yung mga alaala namin na kahit kailan ay hindi na maibabalik ng panahon.

Sobrang sakit. Dalawang taon na ang nakalipas ngunit ang mga sugat ay sariwa pa rin sa aking isipan. Hindi ko namalayan na unti-unti na palang pumapatak ang aking mga luha. Akala ko okay na ako. Akala ko handa na ako. Pero hindi, niloloko ko lang ang sarili ko.

Lalo na ngayon na hindi imposibleng magkita kami araw-araw, mas lalo lang akong mahihirapan. Dapat nga sanayin ko na ang sarili ko na wala siya at hindi na ako magiging parte pa ng buhay niya.

Bumuntong hininga ako at bumangon sa kama. Tutal hindi na ako makatulog, dumiretso na ako sa banyo at naligo.

Around 2 pm when I heard someone rang the doorbell. Agad ko naman itong pinagbuksan sa pag a-akalang delivery ang dumating pero hindi pala.

Akala ko ba bukas pa yung dating niya dito?

Standing in front of me is a tall man with a devilishly handsome face, Simon Marcos. The man who stole and captivated my heart 2 years ago.

"Hi. Hilary.." agad na nagtama ang mga mata naming dalawa.

Narinig ko na ulit ang pamilyar na boses na yun. Boses na gustong gusto kong marinig. Ang boses na nagpapakalma sa akin tuwing malungkot ako. Ang tagal kong hindi narinig iyon.

Naiiyak na naman ako ngunit pilit ko itong pinipigilan. Agad naman akong umiwas ng tingin. Hindi ko siya kayang tingnan ng matagal. Hindi ko alam kung totoo yung nakikita kong emosyon sa mga mata niya o baka nag i-ilusyon lang ako.

Ayoko ng umasa pa.

"Ikaw pala. Halika pasok ka" pilit kong pinipigilan ang panginginig ng boses ko.

"Upo ka lang dyan, ipaghahanda muna kita ng pagkain."

Hindi ko na siya hinayaan pang makasagot at agad akong dumiretso sa kusina. Pagkadating dun, napasandal nalang ako sa mesa at sinapo ang dibdib kong kanina pa kumakabog ng sobrang bilis.

Habang pinapakalma ko ang sarili ko may narinig akong pumasok sa kusina. Natatarantang napalingon ako kung sino 'yon at nakahinga ng maluwag nang mapagtantong kapatid ko lang pala.

"Oh? Ba't parang nakakita ka ng multo dyan?"

Tiningnan ko siya ng masama. "Wala."

"Andyan pala si Simon bakit hindi mo puntahan?"

"Naghahanda ako ng pagkain niya. Ikaw na muna ang kumausap. Tutal close naman kayo"

"Sure ka bang naghahanda? E wala ka namang ginagawa dyan"pang aasar niya.

"Maghahanda pa lang! Umalis ka na nga."

"Sus! Iniiwasan mo lang e" napapailing na sinundan ko siya ng tingin habang papalabas siya ng kusina.

Iniiwasan nga ba? Siguro..

Bumalik ako sa sala na may dalang pagkain at naabutan kong masayang nagkukuwentuhan ang dalawa.. just like the old days.

Inilapag ko ang tray ng pagkain sa table. "Merienda muna."

"Thanks, Hilary" nakangiting sagot ni Simon.

His usual smile.

Nagulat ako nang biglang tumayo ang kapatid ko at nagpaalam na may pupuntahan. Sinenyasan ko siya na wag umalis pero hindi ito pinansin. Wala talaga siyang kwenta. Alam naman niya yung sitwasyon ko.

Namayani ang matinding katahimikan na punung-puno ng tensyon sa pagitan naming dalawa.

"Kailan ka pa bumalik sa Pilipinas?"

Phew. Buti nalang nakakapagsalita pa ako.

"Actually I just arrived in Manila last week. I went back here in Ilocos because I wanted to check on the land that I bought for my business.

"Ah.. I see. How long are you gonna stay here?"

"I'm staying here for good,"

"If you don't mind, can I ask why are you here?"

"I want to see your face.. I missed you" sinasabi niya iyon habang tinitingnan ako sa mata.

It seems like he wanted to say something more pero pinipigilan lang niya ang sarili niya.

"Anyway before I forget" may dinukot siyang envelope mula sa suot niyang coat at ibinigay ito sa'kin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang makita ang nakasulat doon.

"You're invited" nakangiting sambit nito sa akin.

Kasal? .. Nanatiling nakatutok ang mata ko sa nakasulat sa envelope. Halos hirap ko na din itong basahin dahil sa mga luhang patuloy na umaagos.

"Hey.. why are you crying?"agad ko naman pinunasan ang mukha ko at ngumiti sa kanya.

"I'm just happy, Simon."

I saw him smiled genuinely at makikita mo talaga yung kasiyahan sa mga mata niya.

"I'm happy too.. Hilary"

Until we meet again (Simon Marcos)Where stories live. Discover now